HINDI ko alam kung saan namin hahagilapin ang kaibigan kong si Fel. Ngayon ay nasa kwarto ko si Navincent at nakaupo lamang sa kama ko. Pinagmamasdan ko lamang siyang magbuntong—hininga. “So, what now?” Iyon agad ang tanong niya sa akin. Ibinalik nito ang tingin sa kung saan naroon ako. Nakaupo ako sa aking single pumpkin sofa chair na puti. Nag-iisip na rin ako nang gagawin namin. “I really need to talk to Samiel,” wika ko. Kumunot agad ang noo niya sa akin. “Huwag mo akong tignan nang ganiyan, ah! Sinabi ko na sa ‘yo na tito niya ‘yun,” sunod ko pa. “I know! The fact that he punch me in the face.” “Cause you’re an asshole, Navincent! Sino ang hindi susuntok sa mukha mo?” “Enough! Ayoko na marinig ‘yan. Gusto ko na makausap si Fel, and stop this engagement.” Tumayo ako agad at

