NAGULAT ako nang maaninag ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Walang emosyon ang mga mata niya't parang galit. Hindi mapakali ang dibdib ko sa kaba. "Samiel!" Tawag ni Leonico. "Uhm?" Iyon lamang ang tugon niya. "You're here!" Narinig ko ang boses ni Leonico—nakatalikod na ngayon sa akin si Samiel. Kumunot na agad ang noo ko, dahil hindi ko maisip kung ano ba ang problema niya. Hindi niya ba alam na ginagawa ko ito para sa kaniya? "Samiel! May ipapakilala ako sa 'yo." Nang gumalaw si Samiel na animo'y aalis na sa harapan ko ay tila napaangat ang tingin. "Come here, Baby..." tawag sa akin ni Leonico. Pupunta na sana ako, nang makita ko ang mga mata ni Samiel. Nakatitig ito ng pailalim sa akin. Nanlaki lamang ang mga mata kong lunukin ang laway ko. The f-ck! "Come here." Ngumiti ito sa

