NABABALUTAN ako ng kaba, nang makasakay kami ng kotse ni Navincent. Ang mga mata ni Fel at Trina ay nasa akin. Nasa harapan ako ngayon at nasa likod si Nica. Marahil nagdadalawang isip ako, kung sasama ba ako sa kaniya. Nang makasakay na si Navincent sa drivers seat ay nilingon niya muna ako at si Nica. "You good?" Tanong niya muna kay Nica na tumungo lang. Saka naman ako sinulyapan ni Navincent. "Gutom ka na?" Iyon naman ang tanong sa akin ni Navincent. Ano ang isasagot ko sa tanong niya? Hindi ko naman balak kumain ngayon. Ang nasa isip ko lang ay mag-frappe—kaming dalawa ni Nica. After mag-frappe ay mag-shopping at magpa-spa! Ayon lang ang nasa isip naming dalawa kanina. "Why are you doing this? Dapat ay hindi mo na ako hinatak pa," medyo galit kong sabi sa kaniya. Kahit paano ay ma

