PARANG nasang-ayon sa akin ang panginoon, nang malaman kong napaka-swerte raw ng batch namin, dahil mas marami raw ang kukunin ni Samiel Sandamiego ngayon na mag-OJT sa kaniyang company. Which I'm so into! Kailangan ko makapasok doon! I can make it and hit two birds in one stone. "Umaasa ka na doon?" Pangda-down agad sa akin ni Nica. "You have to ace all of our major subjects, Sana. Kung gusto mong makapasok sa On the job na 'yan." Doon pa lang ay nakaramdam na ako ng stress. Nasabi ko na sa kanila ang plano ko. Kailangan kong mapilit si Sameil Sandamiego na ma-engaged sa akin. Kahit hindi naman niya ako pakasalan, engaged lang! Iyon lang din talaga ang plano ko. "You mean? Wait... ang sabi mo sa amin ay niyaya ka niya mag-date?" Kumunot ang noo ni Nica nang tumawa lang si Adeline.

