I WAS shaking when the moment he let go of his irritated voice. “Fine! Do what you want!” Giit niyang sabi at tumalikod na sa akin. Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar. “O-okay…” nang isagot ko iyon, ay humarap siya muli. “Matigas ba talaga ang ulo mo?” Kumurap-kurap ako sandali. Ano ba talaga ang dapat na sagot sa sinabi niya? Ang sabi naman niya ay do what I want. Nag-iba naman ngayon. “Eh? Ang gulo mo, Uncle—” “Don’t call me that! Hindi kita pamangkin!” I simply shut my mouth and stare at him without saying anything whatsoever. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman kung hindi ang tignan lamang siya na magalit sa harap ko. “Sana, you can't be with him. Pay attention to what he has done to you.” Akmang hahawakan niya na ang braso ko, ngunit inilayo ko iyon sa kaniya. “I’

