Chapter- The I love You

1970 Words
Hindi ko namalayan na dapit hapon na pala galing kami sa dagat ng mga pinsan ko dahil naisipan naming maligo katulad ng nakagawian na namin noon. Nandito pa rin ako sa bahay ng pinsan ko, as usual ayaw ko pa rin makita ang kinaiinisan kong lalaki sa buhay ko. Nagkatuwaan namin mag laro ng spin the bottle. Nakaupo kami na nakabilog tawang tawa kami sa mga sagot at consequences ng pinag gagawa ng ayaw mag truth. Nang sa'kin na tumapat nag truth ako. Since wala naman akong boyfriend kaya wala sila maaasar sa'kin hanggang sa nagulat ako sa tanong ng isa sa pinsan ko. "Gwapo ba si Zayn?" tanong nito at excited silang sagutin ko ito. Z-zayn? sino 'yon? nagtatakang tanong ko. "Huh! kunyari pa 'to, e', di yong gwapong singer sa kasal ni ate.", sambit nito.. Huh! Zayn, e' Ez perv--- pag putol ko sa sasabihin ko. I mean Ez, ang name nun.. "Zayn, kasi.. Ah! basta sagutin muna kasi tanong ko. Gwapo ba?" naka tunghay na tanong nito. Uhmm! gwapo? saan ba banda!, e' ang yabang yabang non, wika ko at bumalik na naman ang inis ko.. Hanggang sa may isang boses kaming narinig na nagsalita sa likuran ko.. "Sinong mayabang?"wika nito. Napalingon naman ako sa aking likuran at halos manlaki ang mata ko na nasa likuran ko siya. Nag hiyawan naman ang mga pinsan ko.. Lumapit naman ito sa amin kasama anf asungot niyang kaibigan na Renzo ang pangalan.. "Hi! Trish, ang ganda mo today. Lalo kung ngingiti ka magiging dyosa ka na." wika nito, na 'di ko alam kong nang-iinis ba talaga.. Umakyat na naman ang toyo ko sa katawan kaya bigla ko siyang sinamaan ng tingin.. "Bakit? masama ka na bang batiin ngayon?"wika nito. "Oo nga, ayeeee! nakakakilig naman. Zayn, mang haharana ka ba? Bakit may dala kang gitara?" wika ni ate May. "Ahmm! harana pwede naman."sabay tawa na sambit nito at biglang nawala ang mata dahil may pagka singkit ito. "Tara kuya Zayn, sali ka saamin.", sambit ni Blessy. Sinamaan ko ng tingin ito, at sinensyasan na huwag. Ngunit mukhang bingi ata 'to at ayaw akong pansinin.. Lahat ng pinsan ko ay gustong isama siya at ako lang ata ang ayaw.. Ayoko na sabi ko. Nakarinig naman ako ng word na kj, mo naman ate Trish. Naki sali rin ang unggoy sa pang aasar sa'kin.. "Oo nga ang kj mo naman, ganyan ba kayo mag welcome ng mga bisita nyo." wika nito.. Bigla ko naman siya sinamaan ng tingin at sinabing sa bisita oo, peri sa b-weseta hindi tseee, panira ka ng gabi.. Naglakad na ako palayo, naririnig ko ang pag tawag nila ng pangalan ko ngunit dire-diretso lamang ako.. Nakabalik ako ng bahay nila tita na mag-isa. "Oh! Trish bakit ikaw lang, nasaan mga pinsan mo?" tanong ni tita na nagtataka kung bakit mag-isa lamang ako... Ah! e' , masama po kasi pakiramdam ko tita kaya nauna na po ako. pagsisinungaling ko. Ayoko naman sabihin kay tita ang totoong nangyari.. Nagpaalam na ako kay tita at umakyat, humiga ako sa kama. I hate you Ez, usal ko hanggang sa nakatulog na rin ako.. Kinabukasan. It's Valentine's Day. May pasayaw sa barangay namin. At isa ako sa mga dalagang napili na isasayaw sa gabing 'yon. As usual wala naman bago 'doon. Nag inat-inat na ako hanggang sa bumaba na rin ako para maka kain.. Narinig ko naman ang usapan sa baba nila tita at mga pinsan ko.. Tinawag naman ako ni tita.. "Trish, may susuotin ka na ba para mamaya?" tanong nito sa'kin.. W-wala pa nga po tita, mamaya pa kami luluwas ng bayan kasama ni ate. Sambit ko.. "Oh! siya sige. Kumain kana para makapamili na kayo sa bayan." Tumungo ako ng banyo para mag hilamos at mag tooth brush. Nang matapos ako rito ay lumabas na rin ako kaagad. Naupo naman ako katabi si ate May. Bigla naman ako nitong siniko.. Ha? bakit ate May, nagtatakang tanong ko.. "Bakit ka nag walk-out kagabi. Nakakahiya sa bisita nila ate. Ano ka ba. Hindi naman ganyan tayong mga Naga." wika nito na parang nangongonsensya.. Sinubo ko na lang ang pandesal na hawak ko, no comment ako sa sinabi niya.. Maya- maya dumating na si ate Ann. Kailangan na raw naming pumunta ng bayan dahil baka gabihin kami.. Nagmamadali ko namang ininom ang gatas ko at nagpaalam na ako kanila ate May.. Maya na lang sa sayawan, sambit ko.. Naglalakad kami ni Ate Ann nang bigla siyang nagtanong.. "Ahm! Trish, kamusta kayo ni Ez? sinusungian mo pa ba siya?" wika nito. H-hindi na po ate, pag sisinungaling ko. "Mabuti naman kong ganon. Alam mo bang mabait 'yan." wika nito. Hmmm! mabait ba ang manyak, usal ko. "May sinasabi ka ba, Trish?" tanong ni ate. Napakamot naman ako ng ulo, natakot ako bigla na baka narinig niya ako at mag usisa pa.. Sumakay kami ng tricycle, papuntang baya. Mga isang oras rin ang byahe bago makarating ng bayan.. Dahil mabilis magpaandar si Manong, nakarating agad kami rito.. Bumaba na ako ng tricycle, at naglakad lakad sumunod na rin naman sa'kin si ate Ann.. Pumasok kami ng boutique shop para mamili ng gown na gagamitin ko sa pasayaw. Mukhang nagpagawa na si ate Ann at isusukat ko na lang. Inabot naman sa'akin ng mananahi ang kulay black na gown na maraming beads, sa dami nito kumi kinang siya. Agad ko naman itong kinuha at pumasok ako sa fitting room. Manghang mangha ako sa ganda ng gown ng makita ko ang saril ko sa salamin.. Lumabas na ako ng fitting room at napa wow naman si ate Ann sa kanyang nakita.. "Wow! perfect." wika nito.. Hubadin muna siya para ma -i- box na.. Tumungo ulit ako sa fitting room at hinubad ito.. Matapos kong hubadin ito lumabas na rin ako at inabot sa mananahi ang gown nilagay naman nito kaagad sa box at inabot na rin sa'kin.. Nagpaalam na kami sa mananahi at naglakad palabas ng shop.. Nag abang kami ng tricycle ngunit walang nadaan, ilang minuto na rin kaming nag-aantay ng may pumara sa harap namin.. Kaso mukhang may sakay na ito. Dumungaw naman sa labas ang tao sa loob ng tricycle, halos magkasukatan kami ng tingin. "Hi! Ate Ann and pretty Trish" bati nito na nakangiti pa, sabay kindat sa'kin.. Sinamaan ko siya ng tingin.. Tara na Trish si Ez lang naman pala ito. Sa likod na ako at pumasok ka na sa loob sabi ni ate Ann. Mag pro- protesta pa sana ako kaso nakaupo na siya sa backride. Masama man ang loob ko pumasok na rin ako sa loob.. Umupo ako sa loob at halos ayaw kong mag dikit ang balat namin.. Ngunit tila nanadya pa ito ng dumikit pa lalo sa'kin.. Sa inis ko nasigawan ko siya. Doon ka nga ang lalawak lalawa roon, pag tataray ko at pasalamat na lang talaga maingay ang tricycle kaya hindi niya ito narinig.. Dedma naman ito at kaya umusog na lang ako, so ako adjust ganon.. Maya-maya pa biglang napadaan si manong sa mag humps. Kaya naalog ang tricycle at na out- of balance ako.. Napayakap ako rito at halos ilang dipa na lang layo ng aming mukha. At ang lakas ng kabog ng dib-dib ko at di ko mawari.. Nang ma realize kong nakayakap na pala ako sakanya agad naman akong kumalas. Mabuti na lang na malapit na rin ang bahay nila tita. Nag para ako dahil 'di ko na matagalan ang presensy nito.. Bumaba ako at nagpaalam kay ate Ann.. Hanggang sa bahay nila tita ay kinakaban ako. Nakita ko naman na na abala mga pinsan ko sa pag aayos para mamaya. Umakyat na lang ako sa taas para magpahinga.. Nagising ako ng alas singko ng hapon, dahil sa pagkalakas lakas na katok ni Jessica. "Ate, alas singko na nag me-make up na sila sa baba nandyan na si baklitang Edwina." wika nito.. Oo, susunod na ako, mauna kana. Salamat.. "Sige ate." sambit nito.. Mga ilang saglit lang bumaba na rin ako.. Tapos na silang ayusan at ako na ang sunod. Nag tungo muna ako sa banyo para maligo ng madalian, nang matapos akong maligo at nag bihis rin ako kaagad at lumabas na., baka mainip kasi ang baklita at umalis na ito.. Naupo na ako sa stool na upuan. Kitang kita ko naman sa salamin ang ganda ng pagkakaayos sa'kin.. "Perfect sabi nito. Ang ganda mo girl, siguradong madaming magsasayaw sayo." wika nito.. Tipid na ngiti lang ang ginawa ko, at nag thank you.. Umakyat na akong muli para mag bihis.. Sinuot ko na ang gown na ipinatahi ni ate Ann.. Nang masipat ko ang aking sarili sa salamin, bumaba na rin ako kaagad. Naabutan kong nag-aantay na pala sa'kin ang lahat.. Kaya nang makababa ako isa isa na kaming hinatid ng tricycle papuntang sayawan. Nakarating kami pasado alas-syete na nang gabi at marami rami na ring taong nagsi datingan.. Pina pwesto na kami ni konsehala sa aming kanya kanyang upuan, at nilapag ang basket na paglalagyan ng pera nang mga gusto kaming isayaw.. Nag simula ng mag-salita ang host.. Magandang gabi sa lahat ng mga taong naririto at ang mga nag gagandahang dalaga sa ating barangay.. Kong sino man ang makaka pag collect ng malaking pera ang siyang tatanghalin. Valentine Girl ngayong gabi. Nagsi palak pakan naman ang mga manunuod.. Nag simula na ring mag play ng music, isa-isa nang lumalapit ang mga kalalakihan at inaaya ng isayaw ang mga katabi ko. Naka ilang play na nang music ay wala pa ring gustong mag sayaw sa'kin.. Halos nanlulumo ako at mapapaiyak na.. Tiyak ko namang maganda ako ngayong gabi, pero bakit wlaang gustong sumayaw sa'kin.. Yumuko na lang ako, dahil rinig na rinig ko mga maritess paligid ko.. Hanggang sa nag play ang kantang King & Queen ng sikat na mang aawit.. Madami namang kinilig at nag hiyawan sa kanta.. Nanatili pa rin akong nakayuko dahil sa hiya at hawak hawak ang panyo kong nilalaro ng kamay ko.. Hanggang sa may narinig akong boses ate Trish, kaya napa angat ako.. Laking gulat ko nang makita si Ez. Nakasuot siya ng tuxedo at parang bakit ang gwapo niya ngayon.. Gusto ko siyang sungitan pero 'di ko magawa.. Nagulantang ang mga taong naroroon ng naglabas ito na kumpol na lilibuhing pera.. "Twenty-thousand pesos for Trisha's dance." wika nito na nakangiti pa sa'kin.. Hiyawan ang mga taong naroon at kilig na kilig kahit ang maritess na kaninang nagpaparinig sa'kin ay kinilig.. Ano! daw 20,000 para maisayaw lang ako. Nahihibang na ba siya ang dami na niyang mabibili roon.. "Shall we dance now?" wika nito sabay lagay sa basket ng pera.. Wala naman na akong magawa kaya nang dalahin niya ako sa dance floor ay pumayag na rin ako. Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at humawak naman ito sa baywang ko, gusto kong mailang at sungitan siya, pero 'di ko magawa dahil niligtasa niya ako sa kahihiyan.. Parang tumigil ang pag inog ng mundo at tanging si Ez na lang ang nakikita ko, kasabay pa ng malakas na kabog ng dib-dib ko. Nahahalina ako sa pabangong pang lalaki nitong amoy.. Natutop ko bigla ang bibig ko sa isiping may gusto na nga ba ako sakanya.. "I love you Trish," pabulong na wika nito.. Ano? may sinasabi ka ba, kunyari ay 'di ko narinig ang sinabi nito, ngunit maliwanag pa ang pagkakarinig ko. He said I love you Trish, impit naman akong kinilig.. Nang matapos ang music hindi na kami pinabalik muna sa aming upuan, dahil sinuotan na kami kaagad ng korona at kapa.. Ako ang tinanghal na Valentine Girl for tonight at si Ez ang eskorte ko. Masayang masaya ako ng gabing 'yon lalo na ang mga pinsan ko para sa'kin.. Simpleng thank you lang ang nasabi ko kay Ez.. At isang kindat lamang ang pabalik na tugon nito sa sinabi ko..

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD