“Bakit may benda ang mga paa ninyo?” tanong ko sa aking mga magulang na tahimik lang na nakaupo sa aming sofa. Hindi umiimik ang dalawa kaya't nanahimik na lang din ako at hindi na nagtanong pa. Nilapag ko ang aking bag sa isang upuan at tumabi ako ng upo kay Mommy. “Si Rose, kasal na pala kay Congressman Gideon La Costa,” sabi ng aking ina, sabay buga ng usok ng sigarilyo sa gilid nito. Hindi ito lumingon sa akin at mukhang problemado ngayin ang mukha. “Putan*nang yabang ng lalaking ‘yun! Pinagbabaril kami, kaya heto ang mga binti namin. Mabuti na lang puro daplis lang!” singit naman ng aking ama. Tahimik lang ako at hindi umimik. Pero ang dugo ko, kumukulo sa galit at gusto ko umiyak dahil sa selos kay Rose, hindi sa sinapit ng aking mga magulang. Hindi ko maintindihan kung anong

