“G–Good morning, Baby ko,” alanganin na pagbati ko ngayong umaga kay Gideon. Nakatingin lang ito sa kisame at nakaunan ang ulo sa kanyang dalawang braso. Nilingon lang ako at hinalikan sa noo. Ang itim ng eyebag nito na mukhang puyat. Pakiramdam ko tuloy ngayon, parang nagalit ito sa akin. Dahil nawalan ako ng malay kagabi, habang nagniniig kami. “Are you okay now?” tanong nito sa akin, na tumagilid na ng pagkakahiga paharap sa akin. “Oo, pasensya ka na baby, napagod ang katawan ko kagabi. P–Pwede naman siguro ipagpatuloy ngayon?” medyo nahihiya na sabi ko dito. “I'm okay. You're the important one to me. I can wait, and I've waited a year for you. Ano lang ba ang ilang araw ng paghihintay pa? Don't worry. I can manage my libido,” sabi nito na hindi ko alam kung bakit ang lambing sa

