Tahimik lang ako na naninigarilyo sa labas ng aking opisina. Napapangiti ako na napapasapok na lang sa aking sariling noo, habang iniisip ko na kinarga at nahawakan ko si Rose noong nakaraang gabi. Hindi ko matawag ang aking sarili na stalker, dahil sinusundan ko lang naman si Rose pag wala akong maraming trabaho sa opisina ni Gideon . Pero pag marami akong ginagawa, hindi ito sumasagi sa isip ko. Naalala ko ng unang beses na isama ako ni Gideon sa bahay yugyugan, sa bar kung saan mananayaw ang dalaga. Napakaganda ni Rose, ang amo ng mukha na hindi mo mababasa ang emosyon. Ito ang isang bagay na pareho sila ni Gideon. Parehong mahirap mabasa ang nasa isip. Gustong-gusto ko si Rose, pero hindi sapat para ipaglaban. Dahil ang kaibigan ko ang nauna makakita dito. Isa pa, siguro dahil

