CHAPTER: 1

1210 Words
“Rose, may customer na gustong makipag-table sa’yo,” ani Tiya Matilda, ang ngiti’y halatang may bahid ng kasakiman. “Pagsasayaw lang ang trabaho ko rito, alam mo naman ‘yan. Ayoko sa mga lasing at m*nyakis na lalaki ang baho pa ng mga hininga na amoy ashtray,” matigas kong sagot. Kaya't sinamaan ako nito ng tingin. “Tapos ang renta mo sa bahay ko? Ang pagkain at tubig?” tanong nito, habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. “Maghintay lang kayo, aalis din ako sa puder mo,” sagot ko. Tinulak ako nito palayo at mabuti na lang, nakabalanse ako ng maayos. Kaya't hindi ako natumba. “Wala kang silbi! Walang pagkakaiba sa iyong ina na walang kwenta!” sigaw nito sabay sara ng pinto ng napakalakas. Naupo ako sa harap ng vanity mirror at inaayos ko ang aking makeup. Dalawang sayaw pa makakauwi na ako. Tuwing Biyernes at Sabado, nandito ako. Ngayong araw ay Sabado, kaya wala akong pasok bukas, at nandito ako para kumita ng pera. Tumunog ang bisagra, indikasyon na may tao na naman na papasok. Paglingon ko, niluwa si Mia, ang kasamahan ko. “Anong ginawa ng bruhang Tiya mo? Si Salome ang nakaupo kay Congressman ah?” tanong nito. “Ako ang gusto niyang i-upo roon, pero tumanggi ako,” sagot ko. “Lagot ka! Siguradong sinaktan ka na naman ano?” Tumango ako at pinakita ang braso ko na namumula. “Tsk! Bruha talaga ang matanda na ‘yun! Ikaw na ang susunod. Lumabas ka na diyan!” aniya, puno ng awa ang mukha, para sa akin. Paglabas ko sa stage, nagsisigawan ang mga lalaki. Suot ko ang pulang panty at bra, habang gumigiling sa malaking bakal at suot ang isang mapang-akit na ngiti sa labi. Mula sa aking pwesto, nakita ko si Congressman Gideon sa taas. Ang silid na salamin, kung saan triple ang mahal ng bayad, kumpara sa mga customer na nasa baba. May hawak itong baso ng alak, pinapaikot ang yelo habang nakatitig sa akin. Pagkatapos ng ikalawang sayaw, nilapitan ako ni Mia. “Rose, may sasabihin ako,” bulong nito, na nag-aalala. “Nakita ko si Congressman Gideon na kausap si Tiya Matilda mo. Mukhang pinag-usapan kayo.” Kinabahan ako. Alam kong hindi maganda ito. Paulit-ulit sa isip ko ang panggigipit, pananakit, at paggamit sa akin ni Tiya Matilda para sa sarili nitong kapakanan. Wala akong imik na hinintay ang oras ko para sa huling set ng sasayaw sa stage. Kung saan lima kaming performer, at ako ang star dancer na nasa gitna. Matapos ang show, inayos ko na ang aking sarili, nag bura ako ng makeup at nagpalit ng skinny jeans at white t-shirts. Dinampot ko ang aking backpack at sa likod ako ng bar dumaan. Habang naglalakad, nararamdaman ko na may sumusunod sa akin. Pero nanatili akong nakikiramdam lang. Dinukot ko ang bulsa ng aking backpack kung saan nakalagay ang pepper spray. Laking pasasalamat ko, ng makarating ako sa bahay na walang nangyaring masama sa akin. “A—Anong nangyari? Bakit nasa labas ang mga gamit ko?” tanong ko sa aking tiyahin na masama ang titig sa akin. “Bobo ka kasi! Tinanggihan mo si Congressman Gideon, hamak na napakagwapo at yaman ‘non!” sigaw ni Jessica, ang pinsan ko na maldita. “Alam mo ba, isang daang libo ang binayad kay Salome! Laspag pa ‘yun. Kung ikaw sana na birhen, baka milyon ang katumbas mo. Makakaalis na sana tayo sa mabahong lugar na ito!” sigaw ni Tiya Matilda. Hindi na ako umimik pa, naiiyak na dinampot ko ang aking maleta at akmang hahakbang ako palabas ng bahay, pero hinila ni Tiya ang aking mahaba kong buhok. “May pupuntahan ka?” tanong nito sa akin, na alam naman niyang wala.” “B–Bitawan mo po ako, wag ninyo ako pilitin na dipensahan ang sarili ko, laban sa mga pananakit ninyo,” mahina na sabi ko. “Aba’t matapang ka huh!” sigaw ni Jessica. Pinagtulungan ako ng mag-ina. Sinabunutan ako at sinapak. Kaya't hindi ko nagawa na kunin ang mga gamit ko. Lumabas ako ng bahay na gulong-gulo ang isip at masakit ang katawan. Nanginginig ang mga tuhod ko na nakaupo sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa bahay ni Tiya. Sapo ko ang aking mukha at hindi ko maiwasan ang hindi umiyak. Ano na ngayon ang gagawin ko? Ni wala akong matatakbuhan. Napatingala ang aking paningin ng may lalaking nakatayo sa harap ko. Si Tiyo Roque, pala. “Sumama ka na lang sa akin, ako ang bahala sayo. Basta, alam muna ang kapalit,” sabi nito na palingon-lingon sa paligid habang hithit ang sigarilyo. Namumula ang mga mata nito na yila isang asong bang-aw na naglalaway. “Wala akong kailangan sayo, manyakis! Mas gugustuhin ko pa maging palaboy, kaysa makaisa ka sa skin!” sigaw ko dito na sinabunutan ako. Pero akmang sasapakin pa lang ako, nang may lalaki na nasalo ang braso nito. Ang bilis ng pangyayari. Ang ending, nakahandusay ngayon si Tiyo Roque sa kalsada. Putok ang kilay at dumudugo ang ilong. Tulala lang ako, habang ang lalaki, sinama ako sa loob ng kanyang sasakyan. Amoy ng mabango na pabango ang sumalubong sa akin sa loob. May nag-abot sa akin ng bottled water, na agad ko kinuha at binuksan, ininom ang tubig. Paglingon ko, si Congressman pala. “Now, choose. You come with me, or you end up in the hands of those who desire your body.” Buo ang boses nito at madiin. Hindi ko alam kung ano ang sagot ko, wala akong kahit na singko na duling. Kabibigay ko lang ng pera kahapon kay Tiya, para sa badget namin sa pagkain ng isang kinsenas. “I take your silence as yes. Paandarin muna ang sasakyan Mando!” sigaw nito sa driver. Pagdating namin sa bahay nito, nanlaki ang aking mga mata. Isa itong mansion! “Tatayo ka na lang ba diyan o kakaladkarin kita papasok sa loob?” napaigtad pa ako sa gulat. Ang malalim na boses ni Congressman sa likod ko ay nakakapanginig ng tuhod. Hindi ko inaasahan ang ganitong laki at karangyaan. Napakalawak ng bakuran, may mga halaman na maayos na namumulaklak at isang malaking fountain sa gitna. Ang bahay mismo ay may tatlong palapag, na gawa sa puting bato, at may mga haligi na mukhang gawa sa marmol. May mga malalaking bintana na nagpapakita ng liwanag mula sa loob. Para akong nasa isang pelikula, o sa isang panaginip. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko – paghanga, takot, o kaba. Ang tahimik ng paligid, tanging ang tunog ng mga ibon at ang malumanay na pag-agos ng tubig sa fountain ang aking naririnig. Nang buksan ng tauhan ni Congressman ang malaking pinto, mas lalo akong namangha sa loob. Napakaganda! Parang nasa palasyo ako. Ang mga muwebles ay mamahalin, ang mga kulay ay elegante na parang ginto, at ang amoy ay kakaiba – isang halo ng mamahaling pabango at sariwang bulaklak. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko at susunod na mangyayari, pero isa lang ang sigurado: ang gabi na ito ay hindi ko malilimutan. dahil sa gilid, nakangisi na naghihintay sa baba ng hagdan si Congressman Gideon, ang lalaking ilang taon ko ng iniiwasan ang paulit-ulit na tinanggihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD