“Wife, we're going to a party tomorrow, will you come with me?” malambing na tanong sa akin ni Gideon. “S—Sure, anong oras ba?” “Before dinner,” bulong nito sabay kabig sa katawan ko. “Saan ka galing? Bakit mukhang pagod na pagod ang mga gwardya mo?” “Hinanap ko si Mia, pero hindi kami nagkita,” sagot na hindi maitago ang lungkot na nararamdaman ko. “Let's take a bath?” tanong nito na hindi na ako hinintay pa na sumagot. Agad akong hinubaran at kinarga papasok sa loob ng banyo. Napapikit akong naramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa aking katawan. Ang pagod ko kanina, para bang bigla na lang nawala. Maging ang pangamba at takot ko, nawala din dahil sa mainit na halik ng aking asawa na dumarampi sa aking katawan. “Baby Gideon, sa kwarto na lang tayo. Mas gusto ko doon,” bul

