Chapter Seven

1100 Words
Antok na antok na'ko at pilitin ko mang makinig ay sadyang walang napasok sa utak ko sa lahat ng sinasabi ng subject teacher namin sa harapan ko. Mabuti na lang at nakipagpalit kami ni Bia sa mga kaklase namin na sa tabi ng bintana muna kami maupo. I look at my wristwatch to find out what time it is already. One fifteen of the afternoon. So ibig sabihin fifteen minutes palang ang nakalilipas magmula ng pumasok si Mrs. Mugol at magsimulang maglesson. Bakit naman kasi tinapat nilang MAPEH Arts subject ang ibibigay nilang subject pagtapos mismo ng lunch? Oh 'eto tuloy kami. Halos magsasabay sabay na kaming magkakaklase sa pagbagsak ng mga mata. Kung sino-sino na ang binabanggit ng teacher namin at ni isa ay walang pumapasok sa utak ko. Wala din akong naisusulat dahil mismong bigkas ng pangalan at mga likha ng artist ng aming teacher ay hindi ko din lalo maintindihan. Ayoko na! Hahayaan ko na ang sarili kong tangayin ng diwa ng antok! Bahala kana diyan Ma'am at sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing pipilitin kong intindihin at ipasok sa utak ko iyang kung anumang lumalabas sa bibig niyo. Hindi sinasadya na bigla ako mapatingin sa labas ng classroom namin. Doon ay nakita ko ang grupo nila Russell. At laking gulat ko nang makita siyang nakasuot ng jersey shirt! Sasali siya ng basketball? Ang tanga-tanga ko, oo alam ko. Mantakin mo nga naman na tanungin ko pa eh halata naman. Nakakunot pa rin ang noo ko hanggang sa mapansing malapit na silang dumaan sa classroom namin. Ibabaling ko sana ang mga mata ko sa teacher namin na animo'y kinakausap ang hawak niyang libro nang biglang magtama ang mga mata namin ni Russell. Shit. Bakit parang tinambol 'yong puso ko? Ano ba 'yan Jade? Normal ka pa ba? Daig ko pa ang pakiramdam ng estudyanteng biglang tinawag sa oral recitation na hindi nakasagot nang tumagal ang pagtititigan namin ni Russell sa hindi ko na alam kung gaano na nga ba katagal. Naputol lamang iyon nang bigla akong sikuhin ni Bianna. "Hoy Jade? Ano pang tinutulala mo dyan? Magpapaquiz na si ma'am, bakit hindi ka pa naglalabas ng papel?" Sa sinabing iyon ni Bia ay saka lamang ako nabalik sa katinuan. Ano ba naman 'yan? Focus Mikaella Jade Rosales! Si Russell lang iyon ano ka ba naman? Hindi ba sabi mo friends lang kayo? Oo friends lang kayo. Hanggang doon lang iyon! Pigilan mo iyang kabaliwang nararamdaman mo! "Hoy 'te ano? Hindi ka pa rin tapos sa pagmumuni-muni mo? Start na quiz oh. Nagsasabi na ng questions si ma'am." Isang beses pa ay pipi kong pinagalitan ang sarili at mabilis na naglabas ng papel kahit na nga ba alam ko sa sarili ko na wala akong masasagot dahil una sa lahat, hindi ako nakinig noong nagdidiscuss si Ma'am Mugol at pangalawa ay tanging si Russell lamang ang laman ng utak ko. Hindi tama na nakikita ko si Russell sa tuwing oras ng discussion, dahil imbes na maging inspired ako ay lalo akong nawawala sa katinuan naku po. "BAKIT ba para kang nasa ulap kanina ha Jade? Oo given na nakakaantok talaga iyong lesson kanina syempre ba naman mga kung sino-sinong poncio pilato ang binabanggit ni ma'am na hindi naman natin kilala at lalong mahirap ispellingin iyong mga gawa at pangalan nila pero naman-" Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing nauuna na pala ako maglakad kay Bianna. I look at her and give her a questioning look like I am asking her why did she stop to walk and talk. "Iyan ka na naman Jade eh. Kanina pa ako salita nang salita. Hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba 'yang nasa isip mo at kanina ko pa napapansin iyang pagkalutang mo." ani Bia sabay lakad na papunta sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin si Russell ang nasa isip ko. Na iyong itsura ni Russell na nakajersey shirt ang kanina pa nakatambay sa ulo ko. Ano nalang ang iisipin ni Bia? "Hindi ko kasi talaga maintindihan iyong lesson ni ma'am. Sumasakit lang 'yong ulo ko nung pinipilit ko intindihin." palusot ko sabay tingin sa oras pambisig ko. Every subject period ends, ay meron kaming nakalaan na thirty minutes para pumunta sa susunod naming subject. Estudyante ang lumilipat at pumupunta sa iba't ibang classroom at hindi ang mga teacher. Weird 'no? Pero ganoon dito sa amin. Hindi ko lang sure kung ganoon din ba sa ibang school. "Dumaan muna kaya tayo ng canteen? I'm sure hindi naman agad tayo makakapasok sa Science Laboratory kasi laging late magdismiss si Mrs.Galanza. Ano Jade? Tara?" anyaya sa akin ni Bia at wala na akong nagawa nang higitin niya ako patungo sa direksiyon ng canteen. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang lalaking kanina pa umoukupa sa isipan ko nang kamalas-malasan naman ay namataan ko agad siya limang lakad bago tuluyang makapasok sa loob ng aming canteen. Para akong pusang di maihi at hindi alam ang gagawin. Naku po! Inaalis na nga kita sa isip ko tapos magpapakita ka na naman? Nakajersey shirt kayo pero bakit nandito kayo sa canteen? The last time I checked sa court ginaganap ang basketball at hindi dito sa canteen! "Bia ano kaya kung mamaya nalang tayo bumili? K-kasi ano... m-malapit na iyong sunod nating class, oo. Diba? Halika na please?" Pamimilit at pagmamakaawa ko sa kaibigan ko pero ang walang hiya, hindi ko alam kung wala ba talaga siyang pakiramdam o sadyang nang-aasar lang eh. Bigla ba namang sumagot ng malakas na akala mo nasa kabilang planeta iyong kausap niya. 'Naknang! Bianna Gutierrez! Bakit ka ganyan? "Ano ka ba naman Jade? Nandito na tayo 'saka ka naman magmamadaling pumuntang science lab? Hindi ba sabi ko sayo late magdidismiss si Mrs.Galanza-" Hindi ko na pinatapos si Bia sa kung anumang sasabihin niya pa nang makita kong lumingon si Russell sa kinatatayuan namin. Kaya walang awa kong hinila si Bia palayo sa canteen nang makitang tumayo ang binata at akmang pupuntahan kami. Hindi ko na pinakinggan ang mga reklamo ni Bia habang tumatakbo kami palayo sa lugar na iyon basta hila-hila ko siya at hindi ko alam kung tama ba itong daang tinatahak namin papunta sa susunod naming klase. Ang gusto ko lamang ay makalayo sa canteen! At lalo ko pang binilisan ang takbo nang marinig kong tinawag ni Russell ang pangalan ko. Huwag ngayon Russell! Oo kapitbahay lang kita at alam kong maraming posibleng paraan at pagkakataon na magkikita at magkikita tayo pero huwag ngayon! Huwag ngayon na hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD