THREE

2859 Words
Malapit na akong grumaduate ng high school pero ganun parin si Rylie. Sa akin parin lang siya masungit. Third year na siya sa kursong fine arts. Lahat na sa aming magpipinsang hilaw pati si Brielle naging mdelo na niya samantalang ako ganun pa rin sa kanya.. para pa ring hangin, nararamdaman pero hindi nakikita. I'm fifteen years old already, i'm practically an adult and I can take care of myself pero bata parin ang tingin nila sakin. Ilang araw nalang graduation ko na nang high school, ayun class salutatorian na naman ako. As usual, pinagbigyan ko na naman yung naging valedictorian namin nung elementary dahil mas kailangan niya nung scholarship kesa sakin, Si Vince Samaniego. Nerd, mahiyain, anti social, walang ibang kaibigan kundi ang libro.. Pati pala si Klein, yung anak nila Tita Lizzie at Tito Brad. Ewan ko nga ba sa magkapatid na yun, si Ate Jaime saka si Klein, isang dating playboy at isang dating playgirl ang mga magulang pero si Ate Jaime may balak atang mag madre sa sobrang bait tapos si Klein naman nerd din. Palagi ngang sinasabi ni Mommy Yngrid na baka daw napalitan yung totoong anak nila Tita Lizzie aa ospital kase walang nagmana nung pagiging abnormal nung mag asawa eh. At oo pati yung pagka nerd ni Klein nagawang maganda ni Rylie. Sa katunayan nga, nakadisplay sa hallway yung ilan sa mga painting ni Rylie, one of them was Klein reading a divergent book under a huge mango tree. "Hoy Aia! Nakatulala ka na naman!" Brielle nudge my hips. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako habang dine decorate yung stage para sa recognition day mamaya, bukas yung graduation. After that didiretso na kame dun sa resort ni Tito Iñigo. Dun naman kame lagi eh. "Di kaya!" Pagdi depensa ko. "Wooh! Kunwari ka pa.. Kilala na kita 'noh!" Sabi niya sabay irap sakin. "Bhe, nagugutom ako.. Tara canteen tayo!" Sabi niya saka pinagsalikop yung mga kamay namin sabay hilig sa balikat ko. Napapitlag ako. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay na-well, touchy si Brielle- madalas siyang yumayakap at humahalik sa akin which is okay naman since matagal ko na siyang kaibigan at parehas naman kaming babae pero.. basta. "May alaga ka talagang ahas sa tiyan." Tinawanan ko nalang siya para mapagtakpan yung pagka ilang na nararamdaman ko. Inayos ni Brielle yung cap niya saka ako nginitian. "Di ako nakakain sa bahay eh. Male late na naman kase ako." Tatawa tawang sabi niya. "Ikaw talaga Brielle, matatapos na lang ang school year, palagi ka parin late!" I roll my eyeballs on her. "Kaya mo naman akong pagtakpan eh. What are friends are for diba?" Saglit siyang natigilan sa sinabi niya. "Huy Brielle!" "Ha? Ah.. haha! Ano tara kain tayo!" Hinila na niya ako palabas nung gymnasium para magpunta sa canteen. May kinukuha ako sa bag habang nagtatawanan kami kaya hindi ko napansin na natigilan siya. "Brielle ano ba?! Ikaw ang kanina pa natutulala diyan!" Diretso lang ang tingin niya. "Uhmm Aia.. Tara, hindi na pala ako gutom.. Balik na tayo.." Namumutlang sabi ni Brielle. "Ano ka ba? Nasa labas na naman tayo eh, tara na.. Bibili din ako ng bottled water." "Eh, may bottled water ako sa bag.. Tara ibibigay ko lang sayo!" Natatarantang sabi niya. Tinignan ko ng matiim si Brielle, sa tagal na namin magkakilala alam ko kung kelan siya may tinatago sakin. "Brielle.." Tinaasan ko siya ng kilay sabay cross arms. Naglilikot talaga yung mga mata niya. Pabalik balik yung tingin niya sakin at sa likod ko. Bigla akong kinabahan at parang ayaw kong tumingin sa likuran ko dahil alam kong may makikita akong hindi kanais nais pero dahil may lahi akong masokista-thank you Mommy Yngrid- pa slow motion akong lumingon. That caught my breath. 'What you don't know won't hurt you..' Nabasa ko yun sa isang catalog sa school clinic. Siguro hindi lang sa sakit applicable yung quote na yun kase sa mga oras na 'to, parang gusto kong mag rewind at hayaan nalang si Brielle na hilahin ako pabalik sa gym para wala nalang akong nakita. Sana hindi nalang matigas yung ulo ko para hindi ako nasaktan. Si Rylie na may kahalikang babae sa ilalim nung malaking puno ng manga. Oh well sanay na ako sa ganitong mga scenario pero kase masakit padin yun diba? Subukan niyo kayang mahalin ang isang taong ni ang tignan ka ng higit limang segundo hindi magawa? "Tara na Aia.." Hinihila ni Brielle yung braso ko pero hindi ako nagpatinag. It's not that nag eenjoy akong panoorin yung kataksilang nagaganap sa harapan ko, It's just.. Well ayaw gumalaw ng mga paa ko. I gulped twice. Pilit kong nilulunok yung nakabara sa lalamunan ko habang pinipigilan ko yung sarili kong wag umiyak. 'Fling lang yan Amaia..' Gosh! Ilang taon ko na bang sinasabi sa sarili ko yung katagang yun? Na naglalaro lang si Rylie dahil hindi niya pa ako pwedeng mahalin dahil bata pa ako pero sarili ko din lang naman yung nololoko ko. "Ang.. ang bastos mo naman Brielle eh, mag hi muna tayo kay Rylie. Gus-gusto ko din I congratulate si Alea.. Baka.. Hindi ko na yun magawa mamaya.." Tama. Classmate ko si Alea. Campus b***h. Bagong fling ni Rylie. Kasing edad ko lang at uhmm half ng male population sa Xavier University natikman na siya. According to XU unleashed. An underground site sa XU. Dun mo makikita lahat ng latest news lalo na tungkol samin. Gusto nilang bantayan yung galaw ng mga anak ng may ari ng XU. Mga issues, latest flings, paninira, rants tungkol sa mga teachers. Oh well hindi naman yun magiging underground site kung legal ang mga nakapost dun. "Ang tanga mo talaga Amaia! Hanggang ngayon ba naman nagpapakatanga ka padin diyan kay Rylie?!" She's stomping her feet like a brat pero alam kong inaasar lang ako ni Brielle. She's not a brat kagaya ng ibang mga babae sa XU na nakikipag kaibigan lang samin dahil kami nga ang may ari ng school. "Brielle nagmamahal lang ako, hindi katangahan yun." Nakangusong sabi ko. "Tanga! Sabi kaya ni Tita Yngrid, pag nagmamahal nagiging tanga!" Nakairap na sabi niya. "Suportahan mo nalang ako Brielle.." Malungkot na sabi ko. Kung pwede nga lang sabihin sa puso ko na tama na, na game over na, na hindi na talaga, e anong magagawa ko kung kapag nakikita ko siya nagwawala ang mga butterflies sa tiyan ko? "Suportahan? Naman Aia! Grade three palang tayo suportado na kita.. ako na nga ang nagsasawa para sayo eh." Galit padin na sabi nito pero sumusunod naman siya sakin dahil naglalakad ako palapit kay Rylie. "So ano? Sama ka bukas? Ipapakilala na kita kay Daddy.." masuyong tanong ni Rylie kay Alea. Natigilan ako. Kumuyom ang palad ko. Nanlamig ang buong pagkatao at para akong napako sa kinatatayuan ko. 'Isasama ni Rylie si Alea sa family gathering namin?!' "Uhmm.. Baka hindi ako payagan ni Dad eh.." Malanding sagot ni Alea habang pinaglalaruan pa yung kwelyo ng uniform ni Rylie. Oo madalas magsama ng babae si Rylie pag may family gatherings kame pero iba na 'to. Ipapakilala niya kay Tito Louie si Alea! Ibig sabihin seryoso na sila! Hindi pwede! Hindi pwedeng ipakilala ni Rylie yung babaeng yun kay Tito Louie! "Akong bahala kay Tito.." Susugurin ko na sana sila nung bigla akong hinila pabalik ni Caleb saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Sinabi na ngang wag mong titignan yung mga bagay na makakasakit sayo eh. Tinitigan mo pa ng husto. Martir ka talaga 'no?" Bulong niya sakin. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Napakapit nalang ako sa balikat ni Caleb saka dun umiyak. "Caleb.." "Sshhh... Ipapakita mo ba kay Kuya na umiiyak ka?" Umiling ako. Dahan dahan kaming naglakad palayo dun para hindi kami mapansin nila Rylie pero ganun parin.. Nakita parin nila kame. "Aia!" Natigilan ako nung tinawag ako ni Alea. Hindi naman ako galit sa kanya eh. Hindi ako galit sa mga naging babae ni Rylie. Hindi naman nila kasalanan kung sila yung magustuhan at hindi ako diba? Pasimple kong pinunasan yung mukha ko dun sa uniform ni Caleb bago ako humarap sa kanila wearing a fake smile. Isang bagay na na practice ko ng ipakita sa mga bagong girlfriend ni Rylie. "Niyayaya ako ni Rylie sa family gatherings niyo bukas.. okay lang ba sayo?" "Hindi pwede! Back off b***h!" Sabi ko saka ko tinakbo yung pagitan naming dalaga. Hinila ko yung uniform niya at nag tanggalan lahat ng mga butones nun sa semento sa sobrang galit ko. "Aia.." "Huy Aia!" Tinulak ako ng mahina ni Brielle. "Nawawala ka na naman.. Tinatanong ka ni Alea kung okay lang daw sayo na sumama siya bukas." "Ha? Oo naman.. Si Rylie yung nag invite sayo, bakit tinatanong mo kung okay lang sakin?" Lumipat ang tingin ko mula sa kanya papunta kay Rylie na nakasandal sa may punong manga na nakatingin din sakin. Kahit saang anggulo mo talaga tignan napaka gwapo ni Rylie. He's an epitome of every girl's fantasy. Yun nga lang.. Masama ang tingin na ipinupukol niya sakin. "Gusto ko lang malaman kung.. alam mo na, you wanted me to be a part of the family?" Tanong niya saka ngumiti. Yung nakaka iritang ngiti na parang nagsasabing sa-akin-si-Rylie-kaya-mainggit-ka-. "Hindi ba dapat ako ang tinatanong mo niyan?" Singit ni Caleb. Alam ko ang ginagawa niya. Alam kong inilalayo lang niya sakin yung pinag uusapan. Alam kong ayaw ni Caleb na tuluyan akong magwala sa nangyayari. "Alam ko namang sang ayon ka. You wanted me to be a part of your family." Full of confidence na sagot niya. Caleb snorted. "Ayokong mahaluan ng malanding dugo ang pamilya ko." Malamig na sagot ni Caleb. Hinawakan ko yung mga kamay niya at bahagyang pinisil yun. Nakita ko yung pagdilim ng aura ni Rylie. Hindi ko lang alam kung dahil yun sa sinabi ni Caleb o dahil sa paghawak ko sa kamay niya pero sana yung paghawak ko sa kamay ni Caleb ang dahilan. "Kaninong dugo ang gusto mong mahalo sa pamilya natin Caleb? Yung martir?" Si Caleb naman ang pumisil sa mga kamay ko. "Atleast yun martir na sinasabi mo sigurado akong hindi ginagawang available ang sarili kung kani kanino," Tumingin siya sakin. "Tara na nga Aia.." Hinila nila ako ni Brielle palayo dun. Lutang na lutang ang isip ko. Kung Ipapakilala ni Rylie si Alea kay Tito, lalo akong mawawalan nga pagkakataon na mahalin ni Rylie. ------- "Congrats Amaia!" Kung sino sino na yung bumati sakin magmula sa school hanggang dito sa resort nila Tito Iñigo pero yung taong gusto kong lapitan ako at I congratulate hindi ako pinapansin. Masyado siyang abala sa bisita niya. Dapat ako yung inaasikaso niya ng ganun eh. "Thanks Tita Lana!" Yumakap at humalik ako sa pisngi niya. "Hoy Boromeo! Tigilan mo ako sa kalandian mo ha! Ang tanda tanda mo na, malibog ka parin!" Narinig kong nagsisigawan sila Tita Lizzie at Tito Brad. "Playgirl naman kase! Paisa lang!" Nakaluhod pa si Tito Brad habang sinasabi yun. At talagang tungkol dun yung pinag aawayan nila? "A-yo-ko." Pakantang sagot ni Tita. Bumuntong hininga si Tito Brad saka tumayo. "Okay.. Kung ayaw mo, edi wag. Basta wag kang matutulog mamaya kung ayaw mong magapang.." nakangising sabi ni Tito. Ginalaw galaw niya pa yung kilay niya habang malagkit ang tingin kay Tita Liz. ---------- "Babe hindi ako pwedeng mag over night.. Alam mo naman na bad shot pa ako kay Daddy diba?" Sa pagmumukmok ko, kung ano anong naririnig ko. Nag decide kase akong pumunta nalang sa kwarto ko pero nadaanan ko yung kwarto ni Rylie at narinig ko yung pinag uusapan nila ni Alea. "Hindi ba talaga kita mapipigilan?" Malambing na tanong ni Rylie. Hindi ko napigilan ang sarili kong ihilig yung katawan ko sa may pader at pakinggan yung pinag uusapan nila. "Rylie ha! Wag mo nga akong landiin ng ganyan.." Bigla silang tumahimik. "Kahit naman gustuhin ko, I really just can't.. Bukas ng umaga yung flight ko papuntang Japan." Pinilit ko yung sarili kong lumayo sa kwarto ni Rylie. Buo na yung desisyon ko. Kailangan kong gawin yun para mapasa akin si Rylie. -------- Kinakabahan ako. My palms are sweaty, my heart beating fast. Tumingin ako sa paligid, kahit alam kong tulog na yung mga tao, natatakot padin akong baka may makakita sa akin. I carefully took all my clothes off and neatly fold them beside his door. Bumuntong hininga ako atsaka ko binuksan yung doorknob nung pintuan niya. 'Kaya mo yan Amaia! Aja!' Pumasok ako sa kwarto niya. I felt shivers on my spine. Haller nakahubad ata ako? Todo aircon pa ata yung kwarto niya. Yung lampshades lang yung nagsisilbing ilaw sa buong kwarto pero sapat na yun para maaninag ko siya. Napalunok ako ng ilang beses dahil nakalantad sa harapan ko yung hubad na katawan ni Rylie. Gusto kong tumalikod at tumakbo palayo at kalimutan yung plano ko pero para akong nabato balani sa katawan niya. He's lying on his chest kaya yung ma muscle lang na likod niya yung kita ko. Yung kumot niyang sa may hips pababa lang yung natatakpan. How I wish gumalaw pa siya ng konti para malaglag yung kumot. Gusto kong malaman kung anong suot niya pag natutulog. He looks peaceful on his slumber. Napaka amo ng mukha niya. There's a hint of smile on his face, I wonder if he's dreaming, sana ako yung napapanaginipan niya. Bagay din pala sa kanya yung magulong buhok. Mas mukha siyang bata. Lumapit ako sa kanya. I run my fingers from his shoulders to his muscled back. Nanginginig ako but gosh! It feels good! I feel bold. Naramdaman kong bumuntong hininga at umungol ng bahagya si Rylie. Naglakas loob akong umakyat sa kama at tabihan siya. Iniunan ko na din yung balikat niya as I lay on top of him. My naked front on his naked back. I wrap my arms around his waist. Ramdam na ramdam ko yung init na galing sa katawan niya. 'If this is what it takes to have you Rylie.. Gagawin ko.' Naramdaman kong nag angat ng ulo si Rylie kaya may hinigpitan ko pa yung pagyakap ko sa kanya. "What the?!" Inabot niya yung switch nung ilaw and all of a sudden, nagliwanag yung paligid. "What the f**k are you doing here Amaia?!" Inikot niya yung mata niya. "And why are you naked inside my f*****g room!" Sigaw niya. Bago pa man ako makapag salita-na obviously hindi ko na nagawa sa pagkataranta- The door slammed open. "Anong nangyayari dito?!" Tito Louie stopped nung nakita niya ako. Hinablot ko yung kumot para matakpan yung katawan ko. "Sweet? Anong nangyari kay Rylie?" Humahangos na tanong ni Tita Celine. Tito Louie immediately turn to her. "Tatawagin ko lang sila Liam sweet." Sabi ni Tito bago kami iniwan sa mga mata ni Tita Celine. Tumingin ako sa kanya kahit alam kong disappointment yung makikita ko sa mga mata niya but instead, pang unawa ang nakita ko dun. "Aia what happened?" I swallowed hard. Paano ko ba ipapaliwanag kay Tita Celine na ginaya ko lang yung narinig ko kila Tito Brad? "Mom! Si Amaia pinasok ako sa kwarto!" Parang batang sumbong ni Rylie. Tita Celine is good enough to help me get dress bago pa man makarating sa kwarto ni Rylie sila Daddy. Daddy Liam's face shows fury. Mommy Yngrid's disappointed. "What the hell are you thinking, young lady? O nag isip ka man lang ba muna bago ka pumasok sa kwarto ni Rylie ng nakahubad?! Yngrid! Nakita mo ba ang ginawa niyang anak mo?!" Pabalik balik ng lakad si daddy sa harapan ko. Nakaupo ako sa single couch sa may sala. Nakayuko at iyak ng iyak. "Hoy Liam! Anak ko lang? Ako lang gumawa? Ano may semilya yung kamay ko? Umayos ka nga!" Sigaw ni Mommy. Alam kong ginagawa lang niyang light yung mga pangyayari pero hindi nakatulong eh. Galit padin si Daddy. "I can't believe this! Amaia matalino ka naman ah! Anong katangahan naman ang naisip mo at ginawa mo yun?!" Iyak lang ako ng iyak. Paano ako mag eexplain kay Daddy e alam kong napaka unreasonable nung dahilan ko? "I'm.. i'm sorry Dad.." Nakayukong sabi ko. "Your sorry is not enough. Pagbalik natin sa Metro ipapadala kita sa mga lolo mo sa US. Dun ka na magco college." Seryosong sabi niya. "What?! Ayoko Dad!" "You'll do what I wanted you to do!" "No Daddy! Ayoko! Hindi ako aalis ng Pilipinas!" "Sana naisip mo yung mga consequences ng mga bagay bago mo yun ginawa! " "Ayoko Daddy! Please!" "No Amaia! My decision is final." "I.. I hate you Dad!" Kamay ni Daddy ang nagpatigil sa akin. Nasapo ko nalang yung pisngi ko. It stings. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ng mga oras na yun. "Hate me all you want Amaia. One day, mare realize mo yang katangahang ginawa mo.. Pasasalamatan mo pa ako na inilayo kita." Daddy Liam said with finality. Sumunod sa kanya si Mommy pagkatapos niya akong yakapin. Kasunod niya sila Marcus, Ainsley at Sophia. Tumingin ako sa paligid sila Caleb at Brielle nalang yung naiwan sa sala pero hindi sila lumalapit sakin. Disappointment is written on their face. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD