Chapter 16 Lallaine's POV Humugot ako ng malalim na paghinga habang nakatayo ako sa harap ng condo ni Gabriel. Katatapos lang namin kumain ng dinner, kagaya ng plano ay nag-celebrate nga kaming apat nina Ate Pau, libre niya. Halos hindi ko nga ma-enjoy iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin at kailangan kong puntahan. Buti na lang ay masayang kasama sina Ate Pau, kaya kahit may iba akong iniisip ay na-enjoy ko pa rin ang dinner kasama sila. Kaya lang ngayong nasa harap na ako ng condo ni Gabriel ay kinakabahan na naman ako. Hindi dapat ito ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ay masaya ako na nandito na ulit siya, ilang araw kaming hindi nagkita at alam ko sa sarili kong na-miss ko siya. Pero hindi lang pananabik ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ako. Siguro dahil alam kong masa

