Chapter 13 Lallaine's POV Amoy pa lang ng mga pagkain ay nabubusog na ako, pero mas natatakam ako kaysa busog. Dinala kami ni Sir Jake sa usually restaurant daw nila kapag may gathering or occasion at nagpapakain sila. Pang mayaman, puro tiles at salamin ang nakikita ko, wooden naman ang mga tables at bakal ang mga upuan. Puti, atim at wooden brown lang ang makikita sa paligid, pati ang ilaw nila na halos kulay yellow ay maganda sa mata. May chandelier pa! Nai-imagine ko ito kung gabi, tiyak na mas maganda. Malamig din dito at air-conditioned, amoy na amoy tuloy ang masarap na amoy ng mga pagkain. Ang specialty raw nila rito ay seafoods, kaya iyon ang karamihan na nasa order namin. We all gonna wear a gloves that made of plastic, nang sa ganoon ay hindi kami madumihan. Ito ang first tim

