Habang nagkakape si Ace 2 sa pinaka kusina ng kanilang hideout ay hindi maalis sa kanyang isipan ang naging confrontation nila kanina lamang ni Deniece. Aminado siya na bumilib siya sa tapang na ipinamalas sa kanya ng dalaga. Noon lamang siya naka encounter ng harap harapan sa isang babae na ganoon kaganda at sobrang angas. Napapailing din siya ng maalala niyang hinahamon pa siya nito ng one on one. Hindi niya lubos maisip kung anong taglay nitong skills sa pakikipaglaban at kung bakit ganoon na lamang ito ka agresibo.
" Oh boss mukhang malalim yata ang iniisip mo? " si Ace 3, kaagad na naputol ang pag-iisip ni Ace 2 ng tungkol kay Deniece. Nagsalin ng mainit na tubig sa isang mugs si Ace 3 upang maka pag kape at pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan ni Ace 2 na patuloy lamang na nakatingin sa kanya at wala paring imik.
" May prublema ba boss? May dapat ba kaming ipagalala? tungkol ba ito sa ginawa kanina ni Ace 4? pasensiya kana boss ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa ng kapatid ko at nakikiusap din sana ako na huwag mo na itong iparating kay Ace 1." puno ng pangambang pahayag ni Ace 3. Kilala din niya kasi ang ugali ni Ace 2 na hindi rin ito basta basta sumisira sa usapan lalo na pagdating sa mga tagubilin sa kanya ni Ace 1.
" pagsabihan mo ang kapatid mo Ace 3 at iyan na kamo ang huling pagkakataon na makakagawa siya ng ganyan. Hindi ko na ipaparating ito kay Ace 1 pero sa oras na ang mga bihag na mismo ang magsabi sa kanya ay wala na akong magagawa pa kung anuman ang gagawin sa kanya ni Ace 1 dahil labas na ako diyan." seryosong pahayag ni Ace 2.
" Salamat naman kung ganoon boss at saka napagsabihan ko na si Ace 4 at sinabi ko sa kanya na kapag inulit pa niya iyon ay wala na siyang maaasahan na suporta na manggagaling sa akin at kayo na ang bahalang magparusa sa kanya. " mahabang paliwanag ni Ace 3.
" maiba lang ako Boss kailan kaya natin ililigpit ang mga babae ano ba ang sabi sa inyo ni Boss Ace 1, hindi pa ba siya tumatawag sa inyo? " tanong ni Ace 3 kay Ace 2.
" hindi pa siya tumatawag sa akin pero malalaman natin ang kasagutan sa tanong mo sa oras na muling tumawag sa akin si Boss. " tumango naman si Ace 3 sa tugon na iyon ni Ace 2.
" Siyanga pala boss may gusto rin sana akong itanong sayo kasi pagkatapos ba nating paslangin ang dalawang bihag ay isusunod na ba natin kaagad si detective Allen at kapag nakuha na natin si detective Allen eh ano naman kaya ang garantiya na maibibigay na sa atin ni Boss Ace 1 ang lahat ng ating paghahati hatian." seryosong tanong ni Ace 3. Hinarap naman siya ni Ace 2 upang direktang sagutin ang tanong na iyon ng kanya ni Ace 3.
" naitanong ko narin yan kay Boss pero ang sabi niya sa akin ay depende raw iyon sa sasabihin ng mga nasa itaas. Pero huwag kang mag alala Ace 3 dahil sa obserbasyon ko naman kay Ace 1 ay mukhang hindi naman siya katulad ng mga napapanood ko sa mga pelikula na mahilig mang double cross. Although hindi ko rin siya kilalang lubusan pero mas malaki ang porsiyento ng paniniwala ko sa kanya keysa sa aking pagdududa. " seryosong banggit ni Ace 2.
" Paano kung nagkakamali ka lamang pala ng akala sa kanya Boss? " muling tanong ni Ace 3.
" Huwag naman sanang mangyari ang iniisip mo Ace 3 dahil alam mo narin siguro ang magiging kasagutan ko sakaling lokohin tayo ni Ace 1. Sa ngayon ay patuloy ko paring pinanghahawakan ang mga pahayag niya sa akin na bago matapos ang buwang ito ay makukuha natin ang lahat ng mga pinaghirapan natin." paliwanag ni Ace 2. Nasa gayun silang paguusap ng may maramdaman silang pagyanig. Isa itong malakas na lindol at sa kauna unahang pagkakataon ay napa antanda pa si Ace 2 sa naramdaman nitong takot. Tumilapon pa ang kalahating laman ng kape sa hawak nitong mugs. Si Ace 3 naman ay halata ring namutla at kaagad na napaupo sa may sahig ng makaramdam naman siya ng pagkahilo.Tumagal lamang ng halos 12 seconds ang lindol na iyon. Maya maya pa ay patakbong nagpunta sa kinaroroonan ng dalawa si Ace 4 at takot na takot ding ibinabalita sa kanila ang naramdaman niyang pagyanig.
" Ano mga tol? ako lamang ba ang nakaramdam ng paglindol hindi niyo ba naramdaman iyon? " halos kakasabi pa lamang iyon ni Ace 4 ng mga bagay na iyon ng muli na naman silang nakaramdam ng isa pang aftershock. kapwa sila napaupo sa sahig dahil halos kasing lakas din iyon ng naunang pagyanig. Naisip ni Ace 2 na kung bibigay ang kanilang hideout sa tuloy tuloy na malakas na pagyanig na iyon ay malaki ang posibilidad na sama sama sila doon na malilibing ng buhay. Doon niya naalala ang dalawa nilang bihag.
Samantala ay ganoon na lamang din ang pagkatakot ni Deniece sa naramdaman niyang malakas na pagyanig. Maging ang pitsel ng tubig na nakalapag sa gilid ng lamesa ay tumilapon at umagos ang natitirang laman nitong tubig sa may sementadong sahig. Katulad ng naisip ni Ace 2 kanina ay sumagi din iyon sa isipan ni Deniece na kapwa sila mababaon doon ng buhay sakaling mag collapse ang basement na kanilang kinalalagyan. Ngunit iba naman ang naglalaro sa isipan ni Maui at mas nakakaramdam ito ng ibayong katuwaan sa nangyayaring paglindol. Sa kanyang suicidal state of mind ay mas nanaisin pa nitong mamatay sa pamamagitan ng WRATH OF GOD na sanhi ng mga natural disaster keysa sa kamay ng mga CASANOVA.Mas lalo pa nitong hiniling sa nasa itaas na lalo pa niyang gibain ang lugar na iyon upang sama sama na silang mamatay doon sa ilalim ng basement na pinaglagakan sa kanya. Ngunit hindi dininig ng Diyos ang kanyang kahilingan dahil pagkatapos ng ilang sandali ay muling pumanatag ang lugar at ng mapansin ni Maui na medyo nahawi ang kalang sa may pintuan dahil sa lakas ng pagyanig ay kaagad niya itong inayos at ibinalik sa dati nitong puwesto. Batid niyang dahil sa nangyaring lindol ay may posibilidad na puntahan siya doon ng mga salarin para malaman kung ano ang nangyari sa kanya hindi dahil sa concern sila kung buhay pa ba siya kundi para isagawa na nila ang kanilang planong pagpuksa sa kanya bagay na lalong nagpapahirap ng kanyang kalooban.