Magkakasabay na pumasok sa loob ng JAYDEN'S RESTAURANT sina detective Nugas kasama sina Allen, Freda at Lala. Pumuwesto sila sa isang corner ng maluwang na restaurant na malapit sa tabi ng isang malaking painting na ayon sa may ari ay iginuhit ito diumano ng isang sikat na pintor na si Fernando Amorsolo (1892-1972), who is known as the 'Grand Old Man of Philippine Art' and the first National Artist of the Philippines. He is famous for his realistic paintings of rural scenes and Filipino People, such as 'The Fruit Gatherer'(1950). Sumikat ang JAYDEN'S RESTAURANT dahil sa concepts na naisipan ng may ari na i-highlight ang mga pamosong painter ng Pilipinas katulad nina José Joya (1931-1995) na lumikha ng 'Granadean Arabesque'(1958), Pacita Abad (1946-2004), 'Alkaff bridge in Singapore' Kabi

