Chapter 30 " THE RENDEZVOUS "

1100 Words
MARCH 23,2023 @ Secret Hideout of The CASANOVA Group. Muling nagpulong ang apat na miyembro ng Casanova at pinag usapan ng mga ito ang planong pagdukot sa nalalabing tatlong biktima para makabuo sila ng kompletong listahan ng tinatawag nilang Mission 10. " Boss sino ang makakasama ko? " lakas loob na tanong ni Ace 4 na tila gustong malaman kaagad kung itutuloy ang dating plano ni Ace 1. Nangangatog parin ang tuhod nito na mag isang lalakad kagaya ng huling sabi ni ace 1 na kailangan nilang mag solo ng kapatid niyang si Ace 3 para sila ay masanay. " Hindi natin kailangan na magmadali sa ngayon dahil lubhang mahigpit parin ang seguridad at bantay sarado parin ang mga kapulisan.Kaya kailangan natin na lalong mag ingat.Katulad ng dati ay muli kayong magsasama Ace 2 ni Ace 3 at kami naman ni Ace 4 ulet ang magkakasama. " pinal na sabi ni Ace 1.Kitang kita naman sa reaction ng mukha ni Ace 4 na wari ay nabunutan ito ng tinik sa kanyang lalamunan. " Bale ilan ang kukunin natin ngayon Boss? " tanong naman ni Ace 3. " Dalawa lang! huwag na muna nating pilitin na kumuha ng higit pa doon dahil sa sitwasyon,huwag tayong mag take ng risk baka malagay tayo sa panganib " paliwanag ni Ace 1. " eh si detective Allen boss paano siya? " hindi inaasahan ni Ace 1 na itatanong iyon sa kanya ni Ace 2.Nag isip muna ng may katagalan si Ace 1 bago ito nagbigay ng tugon sa tanong na iyon ng kanyang kanang kamay. " Alam naman ninyo siguro na siya ang gusto kong gawing top 10 pero dahil sa nangyayari ngayong mahigpit na pagbabantay ng kapulisan ay mukhang mahihirapan tayong kunin siya ng ganun ganun nalang kaya kailangan kong mag isip ng panibagong taktika kung papaano natin siya makukuha na walang gaanong struggle." mahabang paliwanag ni Ace 1. " kung gusto mo boss ay siya ang isunod na natin kaagad eh " biglang sabad ni Ace 4 na hindi pinag-iisipang mabuti ang kanyang mga sinasabi. " kung halimbawang pumayag ako Ace 4 sa sinasabi mo pero ang tanong ko sayo ay papaano mo ito gagawin? " tanong nito kay Ace 1.Namutla si Ace 4 sa tanong na iyon at wala siyang mahagilap ng sagot palibhasa ay nakaasa lang ito sa magagawa at kakayahan ng kanilang leader. " ikaw Ace 2 kung ikaw ang tatanungin ko papaano mo isasakatuparan ang pagdukot sa isang katulad ni detective Allen Mendoza? any idea? " kumunot ang noo ni Ace 2 at pagkatapos ay saglit ding nag isip bago nagsalita. " kung kailangang dukutin muna ang isa sa kanyang mga mahal sa buhay kapalit ng kanyang sarili ay gagawin ko boss what we need to established is her weaknesses at sa halos lahat ng napapanood ko sa mga pelikula ay yun ang madalas na ginagawa ng kontrabida " napapangising pahayag ni Ace 2. " mukhang magandang idea ang naiisip mo Ace 2 pero parang madali lang sabihin pero hindi ito ganun kadaling gawin, anything else? " muling tanong ni Ace 3. " puwersahan natin siyang kunin habang siya ay nagpapahinga,natutulog o kumakain in other words we must take her by all means and by all cost at no given time in any situation." matapang namang sagot ni Ace 3. Napangiti si Ace 1 sa mga pahayag na iyon ni Ace 3. " lumalakas na ang loob mo Ace 3 at lalo akong bumibilib sayo " sabi ni Ace 1 habang ito'y lumalapit sa kinaroroonan ni ace 3 at hinawakan niya ito sa kanyang likuran at mariin nitong pinisil ang kanyang magkabilang balikat. " May importante akong ipapagawa sayo Ace 3 at gusto kong magawa mo ito ng maayos.Dito ko rin masusubukan ang tapang ng isang Ace 3.Nakikitaan na kita ng pagiging agresibo at pagiging kalmado sa mga nagdaang panahon at alam kong malayo ang mararating mo balang araw.Ngayon ay masusubukan natin ang tapang mo at diskarte..." saglit na natahimik ang mga naroon habang hinihintay ang iba pang sasabihin ng kanilang pinuno. " Pagkatapos nating makuha ang dalawang biktima ay magkakaroon tayo ng karagdagang show,at magaganap iyon sa mismong lugar kung saan natin itatapon ang bangkay. May mga binuong grupo ang kampo ng mga kapulisan sa pangunguna ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz, ang tinatawag nilang task force ABC. A stands for ALPHA na magkasamang pinangungunahan ni Detective Allen Mendoza at Detective Freda Parazo kasama ng ilang pulis. B stands for BRAVO na pinangungunahan naman ni inspector Gary Garcia at inspector Gilbeys De Lara at ang panghuli ay ang C stands for Charlie na pinangungunahan naman ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz...sa araw at oras na mai-disposed natin ang dalawang bangkay ay tiyak magkakaroon ng muling malaking kaguluhan at doon natin sasamantalahin ang pagkakataon.Ikaw Ace 3 ang papaslang kay detective Freda Parazo at ikaw naman Ace 2 ang papaslang kay inspector Gilbeys De lara." mahabang pahayag ni Ace 1.Nasorpresa naman ang dalawang appointee sa mga bagong show na gustong ipagawa sa kanila ni Ace 1. " anong masasabi mo dito Ace 3 kaya mo bang gawin iyon ? " tila nanghahamon na sabi ni Ace 1. " yun lang ba boss? kaya kong gawin iyan pero bakit kailangan din natin siyang patayin boss any special reason maliban sa gusto mong subukan ang aking kakayahan? " tanong naman ni Ace 3. " kasama sila sa mga collateral damages Ace 3 at may kasabihan ang ilan, in order to kill the main target you should first kill the people around it " simpleng tugon ni Ace 1. " how about you Ace 2 kakayanin mo ba ito? " seryosong tanong ng kanilang kinikilalang leader ng grupo. " Consider it done boss " kalmanteng pahayag ni Ace 1 at lubhang nagustuhan nito ang ganoong uri ng mga sagot. " well,so all was set...during that day another news will shock the entire city at habang ginagawa niyo ito ay kami naman ni Ace 4 ang kukuha kay Allen.Hindi ko pa alam kung sa papaanong paraan pero ako ang mag-iisip ng isang genius idea para dito, kailangan naming makuha si Allen ng buhay at siyang bubuo ng mission 10! at siya ring gagawin kong highlight na pagsisisihan ni detective Leumas Nugas. " seryosong pahayag ni Ace 1 habang nakatanaw ang kanyang mga naniningkit na mga mata sa madilim na wall na wari ay tumatagos ito sa labas ng kanilang secret hideout.Malapit na niyang maisakatuparan ang kaniyang mga pinagplanuhan ng matagal na panahon lalong lalo na ang kagustuhan niyang mai-sambulat sa buong bansa ang kanyang sentimiyento na matagal na niyang kinimkim sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD