Chapter 39 " THE ATTACK "

1187 Words
Wala ring maisip na ibang madaling paraan si Ace 2 kung hindi ang sumang- ayon sa suhestiyon ni Ace 3 na sirain na lamang ang pintuan. Naramdaman naman ni Deniece ang mga yabag ng isang tao na papalapit sa kanyang kinaroroonan.Agad siyang puwesto sa may gilid ng pintuan at inihanda ang sarili sa kanyang posibleng pag atake. Naisip niyang wala siyang ibang choice kundi ang lumaban upang ipagtanggol at iligtas ang kanyang sarili sa tiyak na kapahamakan. Dinig na dinig pa nito ang pamilyar na tunog habang isinusuot ang susi sa isang padlock. Maya maya ay binubuksan na ng may ari ng mga yabag na iyon ang pintuan at anumang oras ay maaari na siyang malagay sa isang mapanganib na sitwasyon lalo't walang kasiguraduhan na hindi armado ang taong gustong pumasok doon at kung mayroon din itong taglay na skills upang kontrahin ang kanyang gagawing surpresang pag atake. Inilapat niya ng mainam ang kanyang mga paa sa sahig upang hindi siya kaagad mabuwal at pagkatapos ay huminga siya ng malalim at lahat ng enerhiya na nasa loob ng kanyang katawan ay kanyang inipon at nag-concentrate siya ng husto para makatiyak siyang tatama ang dalawang sipa na siyang una niyang gagawin. Dahan dahang bumukas ang pintuan subalit hindi rin kaagad pumasok sa loob si Ace 4 at pinakikiramdaman din nitong mabuti kung naroon parin si Deniece sa dati nitong puwesto kung saan niya ito itinali kanina. Bahagyang natatakpan ng isang makapal na kurtina ang pinaglagakan niya kay Deniece at dahil sa nakabibinging ingay sa loob ng silid ay napilitang humakbang ng ilang beses si Ace 4 papasok sa loob. Sumungaw sa paningin ni Deniece si Ace 4 at iyon naman ang hinihintay na tamang pagkakataon ni Deniece. Precision Strike s is effectively ruin the focus of any opponents lalo na kapag hindi nakahanda sa ganoong sitwasyon ang kalaban. Nasorpresa si Ace 4 sa biglaang pag-atake sa kanya ni Deniece at sa isang malakas at mabilis na bigwas ng kanyang fully trained at flexible na mga binti ay huli na para kay Ace 4 ang makaiwas pa sa swift movements na ginawa ni Deniece. Unang tumama ang tadyak niya sa kanyang liver at sumunod ang pinaka huli sa kanyang panga. Sapat na iyon para sa isang katulad ni Ace 4 na wala namang alam sa self defense kundi lakas lamang ng loob at away kanto ang alam. Ramdam ni Deniece na mawawalan ng balanse ang kalaban kung kaya't doon na niya ini-apply ang nalalaman niya sa mongoose fighting technique. She grab his hair forcefully upward to avoid hitting the floor and abruptly push him away to the floor again to maintain her ground. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Ace 4 na makapag counter pa dahil ang pinaka main goal ni Deniece ay i-niutralized ang kalaban sa minimum spend of time. Ikinuyom ni Deniece ang kanyang magkabilang kamao hanggang sa lumitaw ang mga ngipin ng kanyang mongoose rings at ang pinaka finale ay hinawakan nito ang isa sa pinaka sensitive na body parts ng isang tao ang kanyang leeg o lalamunan. Idiniin nito ang mongoose rings sa bahaging iyon at saka niya biglaang pinadausdos iyon against sa kanyang manipis na balat. Napasigaw ng malakas si Ace 4 sa tindi ng sakit na kanyang naramdaman. Halos six inches ang haba ng napunit niyang balat sa kanyang leeg malapit sa kanyang lalamunan. Pumulandit ang masaganang dugo sa kanyang katawan subalit hindi parin siya tinantanan ni Deniece She also grab his nape near his left ear at saka muling pinadausdos ang kanyang pamatay na singsing na lumikha ulit ng mahabang lacerations na halos humiwalay na ang kanyang left ear sa kanyang balat. Napaigtad sa sakit si Ace 4 at wala siyang magawa kundi ang mag-back out at humiyaw ng malakas para humingi ng saklolo sa kanyang mga kasamahan. Naalarma din si Deniece sa ginawa ni Ace 4 pero desidido siyang tapusin na ang buhay ng isang miyembro ng CASANOVA. Hindi na kayang makapanlaban ni Ace 4 dahil hindi niya puwedeng alisin ang kanyang kanang kamay sa kanyang leeg na patuloy sa pag sirit ng dugo samantalang sa kaliwang kamay naman nito ay nakahawak iyon sa kanyang tainga para hindi ito tuluyang humiwalay sa kanyang balat. Panay sigaw na lamang ang kanyang ginawa na parang bata na humihingi ng saklolo. Narinig naman iyon nina Ace 2 at Ace 3 kung kaya't dali dali silang tumakbo sa kinaroroonan ni Ace 4. Pansamantala nilang nilubayan ang kanilang ginagawang sapilitang pagbubukas ng pintuan sa silid na kinaroroonan ni Maui. Ganun na lamang ang pagkagimbal ng dalawa sa nakita nilang kalunos lunos na sinapit ni Ace 4 sa mga kamay ni Deniece. Napilitang ilabas ni Ace 2 ang nakasukbit nitong baril sa kanyang likuran at itinutok iyon kay Deniece. " Lumayo ka sa kanya kung hindi ay mapipilitan akong barilin ka! " malakas na sigaw ni Ace 2 pero parang walang naririnig si Deniece at tulad ni Ace 4 ay may bahid din ng dugo ang buo niyang katawan at maging sa kanyang mukha dahil sa nagtalsikang dugo sa leeg at batok ni Ace 4. Napilitang paputukan ni Ace 4 si Deniece at nahagip ito sa kanyang balikat ngunit sinadya itong padaplisan ni Ace 4. Doon pa lamang tila naalimpungatan si Deniece at napalingon kay Ace 4. " How dare you Jack! Ikaw ang isusunod ko! " nanlilisik ang mga mata ni Deniece. " sige subukan mong lumapit Deniece at tinitiyak ko sa'yong lalagos ang susunod na bala sa bao ng ulo mo at hindi ako nagbibiro." matalim din ang mga titig na iyon ni Ace 2 at batid ni Deniece na siya talaga ang ka match niya at hindi ang lalaki na kanyang inatake. " matapang ka lang dahil may baril ka Jack pero kung mano mano lang ang labanan you are nothing compared to me" nang uuyam ang mga titig na iyon ni Deniece. Nasasaktan man ang ego ni Ace 2 pero hindi niya puwedeng tanggapin ang hamon ni Deniece dahil tiyak niyang may sapat na lakas din talaga ito sa pakikipaglaban. " I know your forte Deniece at ngayon ko lang narealize that you're wearing the untold rings na katulad din ng sa akin, you see this? parehas lang tayo ng nalalaman at malas mo lang dahil hindi ako pumapatol sa isang babae. " Muling binaril ni Ace 2 si Deniece sa kanyang Paa na halos humiwalay din ang isa niyang daliri hanggang sa ito'y napasalampak sa may sahig at pagkatapos ay saka niya nilapitan si Deniece at kanyang tinadyakan. Umaringking sa sakit si Deniece. Tinapakan ni Ace 2 ang likuran ni Deniece sabay hablot sa kanyang mahabang buhok. " Is this what you want Deniece? fighting with me with the same arts? ang malas mo naman dahil ako pa ang nakaharap mo. I'm not using this technique without my gun hehehe " sabay tutok nito ng baril sa kanyang ulo. " Pasalamat ka Deniece dahil mayroon akong isang salita at patuloy parin kitang bubuhayin dahil sa kanya. " saad ni Ace 2 kaalinsabay ng pagpokpok niya sa batok ni Deniece gamit ang handle ng kanyang baril hanggang sa siya'y mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD