AUGUST 16, 2022 ( 5:30 PM ) " CHECKMATE!!! " nakangiting sabi ni Ace 1 dahil sa ikalawang pagkakataon ay tinalo niyang muli sa larong Chess ang kanyang Ina. Bagamat hirap sa pagsasalita ang Ina ni ace 1 ay pinilit parin nito na mangusap para ikuwento naman niya ang ilang bahagi ng kaniyang nakaraan. " Nag improved kana talaga Noel sa larong ito, tama ang hinala ko na may pinagmanahan ka nga sa Lolo mo." nakangiting pahayag ni Mrs. Galathea Domingo (ang tunay na Ina ni ace 1).Tahimik lamang na nakikinig si Noel. " Dahil sa muli mo akong tinalo sa larong Chess, ay ikukuwento ko naman sayo ang ilang bahagi ng buhay ko ayon sa ating napagkasunduan." " talaga mommy? sige at makikinig ako " " Noong nabubuhay pa ang Lolo mo ay walang makatalo sa kanya ng larong Chess kahit pa ang mga itinu

