Nang makalabas ang sinasakyang kotse ng dalawang alas sa Parkland subdivision ay ipinag utos ni ace1 Kay ace3 na idiretso niya ang kotse sa may malapit na food chain. " tamang tama boss dahil kanina pa Ako nagugutom " kumento naman ni ace3. " doon mo na orderin sa may drive thru ng Jollibee ang gusto mong kainin ace3, sayo lang ang orderin mo dahil medyo naparami ang inom ko kanina at pakiramdam koy busog pa ako " dagdag na sabi ace1. " okey boss sinabi mo eh " ng makuha na ni ace3 ang order sa kabilang booth palabas ng exit saka niya ipinark iyon sa isang bahagi ng establishment.Nilantakan ni ace1 ang inorder niyang isang aloha double burger with cheese at isang large coke at habang siya'y kumakain ay hindi niya maiwasan na magtanong Kay ace1. " Boss ano ba plano mo sa dalawang iyon?

