Chapter 10 - Dirivi : Ang Mahiwagang Pergamino

1190 Words

"Adriel..." Nasaan ako? Kanina lang ay kaharap ko sina Reyna Amorya, pero ba't biglang naging madilim ang paligid? Kahit anong lingon ko ay wala akong makitang kahit ni katiting na liwanag. "Adriel..." Ayan na naman ang boses na kanina ko pa naririnig. Boses ng isang babae. Napapapikit na lang ako nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Ilang saglit pa ay dinilat ko ang mga mata nang dahan-dahan. Gano'n na lang ang kaba ko nang makitang nakalutang ako sa kalawakan. Pero parang nakatapak lang ako sa sahig o patag na lupa, dahil hindi man lang ako nawawalan ng balanse. Nilibot ko ang tingin at wala akong ibang makita kung hindi ang araw. Hindi man lang ako nasusunog gayong ang lapit-lapit ko rito. "Adriel..." Sigurado na ako ngayon na nanggagaling sa araw na iyon ang boses na kanin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD