Hayes
Napagod ako sa maghapon na trabaho kahapon, tapos ay pumunta pa ako kay Lolo.
Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip bakit parang ibang tao kahapon si Lolo. Kababakasan kasi ng aliw at excitement ang mata at mukha n’ya. Huwag namang sabihin ni Lolo na na may nobya na ito o may nagpapasaya sa kanya na babae.
Sabagay matanda na si Lolo baka gusto lang ng makakasama sa buhay. Sino kayang maswerte na babae yun?
Kahapon pakiramdam ko buong maghapon na may naka-masid sa akin, parang lahat ng ginagawa ko sa opisina ay nakamonitor, sa kung sinong tao.
Dahil doon pre-occupied ang utak ko at halos konti lang ang nagawa kong work, pati nga pagkain hindi ko nagawang gawin maghapon.
Bigla din naman akong nakatanggap ng tawag mula kay George, na gusto raw ni Lolo akong makausap kaya kahit malayo ang San Gabriel ay pumunta ako. Matagal na rin na doon sila na mamalagi. And one year na rin na hindi kami nagkikita.
Dahil sa hindi rin naman ako maka focus kahapon kaya alas kwatro palang umalis na ako sa opisina. Mag isang linggo na rin ng nararamdaman kong parang laging may nagmamatyag sa akin saan man ako pumunta.
Pero wala naman akong makita kung sino iniisip ko na baka sina Uncle pero wala pa naman akong girlfriend. Malinaw naman na masasalin lang sa akin ang lahat kapag na kasal na ako sa napili ni Lolo na babae. Ayaw ko man ang ganun, pero paano ko tatanggihan si Lolo na mas naging parang ama ko pa kahit bihira kami mag kita.
Kagigising ko pa lang pero marami na agad tumatakbo sa utak ko. Heto na naman yung kakaibang pakiramdam ko kahapon na para bang someone is watching me.
Bumangon na ako at agad ding pumasok sa banyo. I’m just wearing boxer pero kung di ko dama yung parang may nakatingin mas gusto ko matulog ng nakahubad.
Pagpasok ko sa loob ng banyo hinubad ko agad ang aking natitirang saplot. Nag-diretso ako sa tapat ng shower, mas gusto ko ang cold shower mas na bubuhay ang dugo ko kapag cold shower.
Habang naliligo ay naramdaman ko naman na parang may nakatingin, minadali ko tuloy ang aking pagligo. Plano ko naman na sa opisina na lang mag kape at kumain ng breakfast.
Sa kabilang Unit…..
“Ang aga na naman pong kasalanan nito Lord,” sabi ko sabay buga ng hangin.
"Grabe ka Hayes tinutukso mo ang aking mata na hagurin ng kabuuan mo. Siguro ang sarap ng yakap mo." Hibang na ani ng babaeng nakanina pa gising at nakabantay na rin agad sa monitor ang mga mata.
Napansin ng babae na parang asiwa si Hayes, na parang nakakaramdam ng lalaki na may pa free show siya.
"Damot mo! Para dalawang araw palang ganyan ka na." Bulong ni Sharina.
Sa isip ng babae nakakahinayang na hindi pa pa ito sawa sa view ay parang pinagdadamot na agad ng lalaki.
Maaga gumising ang babae, mga alas singko ng umaga ng na isipan niyang gumawa ng resume para lagi siyang handa anytime masipa na ang secretary ni Hayes.
Nagluto na rin ng ham and egg with plain rice ang babae para may energy ito today. Positive lagi si Sharin kaya feeling ng babae ay ito ang lucky day niya.
“Speaking of that man kanina malaya ko s’yang pinagmasdan while he's sleeping napaka-pinagpala naman ng kelolots na to! may angulo kaya ito na panget” Hibang na ani ng babae. Kung may makakakitang iba dito iisipin na may sayad talaga sa utak.
"Self parang buang talaga tayo." Hirit pang muli ng babae.
After maligo ay nagbihis agad si Hayes. Maaga pa pero aalis na agad ang huli ng hindi man lang nag-breakfast..
"Nako....Bawal 'yan! Pagtayo na talaga bawal ang ganyan. Kakalipas gutom hihina amg tuhod mo. Paano na ako? Paano mo ako dadalhin sa tugatog ng luwalhati? Charing!! Ang aga talaga Sharina! Tumigil ka." Talak muli ng babae habang panay ang dutdot sa laptop sa imahe ng gwapong si Hayes. Sa tayo ng lalaki malabong mahina ang tuhod nito.
Nang makita ng babae na kumilos na si Hayes palabas ay nagmadali na rin ito.Ngayon araw ang tanging gagawin na lang ni Sharina ay maghintay na kick ang secretary ng lalaki.
Mean while....
Pakiramdam ko mukha na akong tanga o praning dahil sa kakatingin sa paligid. Pakiramdam ko na naamn kasi ay may susunod ulit sa akin, pero wala naman. Narating ko ang parking lot na wala akong nakita o naksalubong na tao.
Agad ding pumasok na ako sa loob ng kotse. Nang makapasok sa loob ay humugot ako ng malalim na buntong hininga. Lumipas pa ang dalawang minuto bago ko pinasibad na ang aking sasakyan, maaga pa naman pero sa opisina ako dadaretso. Magpapa-deliver na lang ako ng almusal para hindi sayang sa oras.
Pagdating ko sa floor kung saan ang aking opisina, nagulat ako na wala pa ang new secretary ko. Malimit kasi akong mag palit ng secretary lalo’t may iba akong na sesense sa pagkatao nito.
Kalimitan kasi halos lumuwa na ang dibdib o 'di kaya halos ibigay na ang lahat mapansin ko lang. Sa mga ganun ako sobrang naiirita. Ayokong ayoko mga gano'ng babae.
Pagpasok sa opisina dinial ko ang numero ng HR Department, doon ko nalaman na umayaw na raw ang aking secretary. Bago sa aking pandinig 'yun, na ako ang inayawan.
Nagbilin naman ako sa Hr manager na mag hire agad ASAP ng kapalit. No choice kung hindi maghintay muna ako ng bagong kapalit. Hindi naman mahirap 'yun, dahil sa laki ng sahod marami ang mag apply for sure.
Tinuloy ko ang mga hindi ko natapos na trabaho kahapon, mayamaya ay may kumatok. Isang staff din dito ang iniluwa ng pintuan, mukhang kasama na nito ang delivery man. Nang makuha ko na ang pagkain ay nagpaalam na ang mga ito.
Mag lunchtime na wala pang balita kung may nakuha ng kapalit na aking sekretarya.
Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ,busog pa ko sa kinain ko kanina. Hanggang sa magring ang telepono. Agad na inangat ko naman.
“Mr. Ceo this is Mira of Hr. We already hired the new secretary for you. We will just brief her for the Do’s and Don’t. Also the other company rules, maybe by three in the after we will send her to your office. Is that ok Mr. Ceo?" Diretsong sabi at paliwanag ng babae sa kabilang linya.
“Well, nasabi mo na lahat. I’ll expect her here by three in the afternoon.” Tugon ko sabay baba ng telepono. Muli ay tinuloy ko na lang ang aking ginagawa.
Kanina sa baba at entrance ng building.
Lumapit ako sa guard na duty at agad nagtanong.
“Boss itatanong ko lang po kung may bakante pong trabaho? Mag apply po sana ako?" Magalang na tanong ko. Bait baitan muna ako.
“Miss meron nga sanang bakante. At swerte mo dahil tanggap kaagad basta ikaw si Sharina Ada Abejuela.” Playful na ani ng guard sa akin. Parang biglang pumalakpak naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya sa akin. Batid kong may mali pero wala naman akong makapang takong o kapahamakan.
“Talaga boss? kapag si Sharina Ada Abejeula pasok agad sa banga? Ay wag kang magbiro Boss. Ganon kabalis, pak ganern! Agad-agad walang patumpik tumpik kara-karaka?" Matalik na bwelta ko sa guard. Mistulang gulat na gulat pa nga ang guard dahil sa naging baklang bakla ako sa kanyang harapan.
“Oo nga miss mukha ba kong joker?!” Medyo inis na sabi ni Kuya guard sa akin.
“Medyo!" Bulong nasabi ko naman, na narinig pa ata ng lalaki dahil sinamaan ako ng tingin, kaya nag peace sign ako.
“Miss kung 'di ka si Sharina umalis ka na sayang pananatili mo dito! huamanap ka sa iba wag dito."Untag ng lalaki na halatang tinataboy ako.
“Hot na hot kuya Guard!, Bakit ako aalis kung ako ang hanap sa position na 'yun? si Kuya naman parang other. Ako po si Sharina Ada Abejeula GANDARA capital letters ang gandara..”Proud at birong ani ko pa sa lalaki na parang diskumpyado sa akin.
Nailing pa ang sa akin guard parang ayaw talaga maniwala sa akin. Itong mukha na ito na panlaban sa Beauty Pageant pinagdududahan. Aba ibang usapan ito suntukan na lang hiyaw ko lang naman sa aking isip.
“Boss! Kuya guard ako po talaga yun eto po ang mga identity card ko para maniwala po kayo,” Pagkumbise ko kay joker ay kuya guard pala.
“Ikaw naman pala talaga Ma’am dami mo pang eklabu! sige Ma’am pasok doon sa mukhang birheng ulikba ay receptionist pala pakita mo 'yan at pihado all the way up kana,” mabirong sabi ni kuya guard sa akin kaya natawa ako. Feeler din e, makalait sa iba e mukha naman siyang palakang byuro.
Tumawa na lang ako at hindi nagsalita, joker talaga si Kuya ulikba raw si ateng receptionist hindi naman,mala kampanerang kuba lang. Charot masama mamula ng kapwa pero 'di ko rin masakyan trip ni bebehan, sa ibang company dapat with pleasing personality bakit karamihan dito pang undas. "Sorry po Lord si hayes po talaga kasi ang may kasalanan." Piping ani ko.
Matapos makausap si Imang ay este ang receptionist pala, waiting muna ang ganda ko sa susundo sa akin na Hr personnel. Heto at may lumapit na rin naman sa akin na babae. Infairness maganda s’ya. Agad na pumunta kami sa employee’s elevator. Dahil sa matabil ang dila ko, 'di ko nawasang tanungin ang babae ba't sa ground floor ay undas na agad. Bumunghalit naman ng tawa ang babae, tsaka doon niya pinaliwang sakin ang lahat.
Sus alam kong abang ka sa paliwanag ko Em-Em pwes sosolohin ko yung tawa manigas ka!
Pero honestly ang talino ng bebehan ko at naisipan pa 'yun. Narating namin ang opisina ng Hr doon kinausap ako nag head.
“Ms. Abejeula ngayon lang binaba ang memo mula sa taas na once you sign the contractthere’s no turning back. And we can also assure you that the Ceo would never fire you, 'yan ang counterpart ng bawal kang mag resign, hindi ka rin basta pwedeng tanggalin sa trabaho kahit si Ceo pa.” Mahabang sabi ni Miss Mira ng Hr.
“Are we clear on that matters?” Muling sunod na tanong ng medyo estrikta na si Miss Mira?
“Yes ma’am hundred and one percent loud and clear.” Confident kong sagot naman.
“Well that’s great, fix yourself then! Pupuntahan na natin ang boss mo na allergy sa magandang babae. Sana ikaw na ang huli na i-hired ko na secretary, tatlong taon ng ganito ako Ms. Abejeula, hindi na ako nakakahabol sa last trip ng byahe dahil kay boss. Secret lang natin ito malalagot tayo kapag nalaman niyang nasabi ko sa'yo.” Puno ng pag-asa na ani ng babae hanggang nauwi sa mahinang bulong.
Tumango naman ako sa babae na may kasama pang kindat kaya napailing ito at tasa.
"Well bebehan ako na talaga ang last na secretary mo s***h jowawers s***h wifey ay kenekeleg ako!" Mayabang na ani ko sa aking isip. Wala rin naman sa bokabularyo ko na mapunta si Hayes sa ibang babae. Ngayon pa na ulala pala ang Ikalal.