ℭℌ𝔄𝔓𝔗𝔈ℜ 1: 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦

1471 Words
XENON POV Humugot ako ng malalim na paghinga sabay labas saaking kotse. "Good morning ma'am." Bati ng guard sa harap ng building at yumoko ng kaunti. Hindi naako nag abala pang bumati pabalik dinaanan ko lang s'ya at nilagpasan. "Intern?" "Bagong assistant?" "Applicant? Ang ganda ng bagong applicant." Ilan sa mga naririnig kong bulong-bulongan habang naglalakad ako patungo sa elevator. Pumasok naako sa loob ng elavator at pinindot ang 15th floor. Ilang sandali lang nagbukas ito at agad na akong lumabas. Sa sobrang tahimik ng hallway sapatos ko lang maririnig sa bawat hakbang ko ito'y magecho sa daraanan. Nasa harap naakong ng pintuan huminga ulit ako ng malalim bago binuksan ang pintoan at agad bumungad saakin ang maiingay na matatanda naguusap at nagtatawanan. May isang matanda nakapansin saaking presensya. Na tigil ito sa kanyang pagtawa at tumikhim. Napapansin na rin ako ng karamihan kaya umayos na sila sa pagkaka upo at tuluyan na ngang tumahimik. "Good morning Ms. Yunzon." Sabay-sabay nilang bati at tumayo. "Morning." Ani ko at lumakad na patungo sa isang upuan na bakante ito'y naka pwesto sa harapan. Noong nakaupo naako, umupo din sila sa kanya-kanya nilang upuan. "Okay, Let's start?" Tanong ko habang tumingin sa kanilang lahat. Ang mga mukha nila ay parang hindi maipinta. Hindi ko mawari ano ang dahilan, baka saaking presensya? Kung gano'n nga hindi sila sang-ayon sa pakaloklok saakin bilang bagong CEO. Sa pagkakaalam ko pinapaburan nila aking nakakatandang kapatid kaya nga lang si ama parin ang masusunod. Sakanyang LAST WILL statement saakin n'ya pinagkatiwala ang kanyang naiwang tungkulin. Dumako ang tingin ko kay Alfonso kasi ngayon s'ya ang mag report. Hindi lang simpleng report ang gagawin n'ya dahil s'ya ang head ng finance at office management dapat meron ding progress. Tumayo na si Alfonso at nagsimula ng maglakad sa harap ng presentation board na may dalang laptop at projector. Inayos muna n'ya ang pakakalagay sa projector at merong wire na pinagconnect n'ya sa kanyang laptop. "Again good morning to all of you! Especially to Ms. Yunzon!" Panimula n'ya at tumingin saakin sabay ngiti. Bumungad saamin ang isang brand ng cellphone na hindi pagmamayri ng aming kompanya. "This few months our sale is decreasing because of the new product called VX 5 phone with fast charger and high quality camera." Sabi ni alfonso sabay nag Iba nanaman ang litrato sa pisara. Sa litratong ito isang graph organizer na nag papakita ng aming binta ngayong kabuuhan na taon. "Kapansin-pansin sa dalawang buwan humina na ang bintahan sa 75% bumababa ito hanggang sa naging 39% nalang." Saad ni Alfonso na halatang kinakabahan dahil sa nanginginig ang kanyang kamay habang nakaturo sa graph. "Dahil sa pangyayari na 'yan nagkaroon tayo ng loan at da—" "Pardon for intrusion. What did you said a second ago? LOAN?" Agad kong tanong dahil umalingaw-ngaw saaking tenga ang salitang loan. "Yes, loan Ms. Yunzon." Tugon ni Alfonso. "Hindi mo ba alam malaking pagkakamali 'yang naging decision mo?" Kanya-kanyang nagbubulungan ang mga nasa tabi ko dahil saaking sinabi. May naririnig akong pangbabatikos tungkol saakin, na ano nga ba alam ko sa larangang negosyo? Ano nga ba magagawa ng isang bata na wala pang pakpak para lumipad? Sino nga bang bata kaya tumayo na walang patnubay sa nakakatanda? "Agree, hindi ka dapat magdesisyon ng ikaw lang." Sang-ayong saad ni Kortnel. Napangiti ako ng bahagya nang magsalita ito. Si Kortnel Isa sa mga major stock holder saaking kompanya kaya ang Ibang board director malaki ang respeto sakanya. Napahiyang yumuko si Alfonso hindi Ito makapag salita. "Proceed Alfonso." Seryuso kong ani. "So, tulad nga ng sabi ko kanina nagkaroon tayo ng loan pero gagamitin ko 'yong budget para i-update ating product pero di sasapat ang pera dahil humina nga ating benta." Pagpapaliwanag ni Alfonso. Sa itsura ng mukha n'yang pinag pawisan at minsan na uutal para bang nakasalalay ang kanyang position sa kanyang pinagsasabi. Panay din ito sulyap saakin para bang tinitingnan n'ya ano aking maging reaction. "Hindi na ito proposal balak ko na maglunch ng new version pagandahin 'yong camera kahit gabi malinaw parin ang mga picture at kahit tumatakbo hindi maging blurd ang kuha. Also mag implement din ako ng bagong charger na hindi sasabog kahit over charge na and kaya din nitong mag charge lang sa loob ng isang oras at full na 'yong cellphone." Kapos hiningang salaysay ni Alfonso dahil pilit n'yang binibilisan ang pagpapaliwanag para makaalis na s'ya. "Quite interesting." Napunta agad ang lahat ng kanilang atensyon saakin. "Pero pag yan hindi maging successful at madagdagan lang ang problema magbalot kana." Seryusong kong wika. Hilaw napangiti si Alfonso at pinagpatuloy yong pagreport. Pinapaliwanag n'ya na lahat ano ang procedure at process sa kanyang gagawin. Gumawa pa s'ya ng contingency plan kung sakaling hindi s'ya magwagi. "That's all for todays presentation and thank you!" Huling salaysay ni Alfonso at nagmamadaling umalis sa harapan. "Any concerns? Or comments?" Tanong ko sakanilang lahat dahil batid ko meron silang katanungan. Dumaan ang ilang minuto pero walang isang nagtanong, tahimik lang silang nagtitigan sa isa't-isa at parang nagkaintindihan. "Since we're all done, you may take your leave." Anunsyo ko at na una nang lumabas. Binilisan ko aking paglalakad dahil may gagawin pa akong maraming bagay na dapat ng isa ayos sa madaling panahon. Sa paghakbang ko pakaliwa sa pasilyo hindi ko inaasahan merong bulag na sadyain talaga akong banggain. Dumaing pa ito at nagrereklamo. Nagkalat ang mga papel sa sahig nagmamaktol na kinukuha ng babaeng bumangga saakin. Napansin ko ang kanyang nameplate sa kanang dibdib tinitingnan ko ng maiigi kasi bawal pumunta dito ang simpleng impleyado. Nang makitang supervisor s'ya sa Isa sa mga department hindi naako magtatanong kung ano ang ginagawa n'ya dito. "Next you should widen your eyes. It would be unfortunate to eat some dust." Medyo asar kong saad sabay patuloy sa paglalakad. Hindi pa nga ako naka limang hakbang meron ng humatak saaking braso sabay nang pagdapo ng sampal saaking pisngi. "Kapal ng mukha mo ako pa talaga sinasabihan mo ng ganyan?!" Galit nitong sigaw. Napahawak ako saaking pisngi at walang emosyong tinititigan ang babaeng pangahas. "Anong klasing titig yan huh?!" Asik nito saakin sabay hila ng aking neck tie. Ayaw ko pa naman sa lahat 'yong hinahawakan ako. "Hindi mo ba ako kilala? Ako ang supervisor inspector kaya umaayos ka." Pagmamagaling nitong saad at dinuduro-duro pa ako. Kumakati na aking kamay gusto ko na s'yang suntukin at malapit na rin maubos aking pasensya sa babaeng 'to. "Anong kaguluhan yan?" Tanong ng kakarating lang na si Wilson. "Alisin mo ang madumi mong kamay sakanya." Maawtoridad na wika ni Wilson at hinawi ang kamay ng babae. "Sir, wala yang galang yang baba—" Bumalagta sa sahig 'yong babae matapos suntukin ni Wilson sa mukha. "Parang hindi mo yata alam pinaggagawa mo." Seryusong saad ni Wilson. "Young master dapat natin bigyang pansin yang pisngi mong namumula." Puno ng pag alala sambit ni Wilson. "Yo-young master?" Gulat na ani ng babae sabay tingin saakin. "S'ya pala 'yong napapabalitang batang bagong amo natin sa nakaraang buwan?" Dagdag nito sa hindi mapakaniwalang tuno. Agad lumuhod ang babae saaking harapan sabay hingi ng patawad at pagmamakaawa noong malaman n'ya ano ang aking posisyon. Alam ko kapag ganitong kalat di nayan magbabago dahil likas sa tao ang mapagmataas. Likas sa tao na apihin ang sa tingin nila'y mahina. "Disposed her." Malamig kong saad. "As you wish." Magalang na tugon ni Wilson. Pagkatakot agad rumihistro sa mukha ng babae nang makita n'ya ang baril na hawak ni Wilson. "Sandali lang Sir may anak at Asawa pa akong naiwan..." Naiiyak na nitong wika at nagmamadaling tumakbo. 'Ayan nga tumakbo ka! Ganyan ang gusto kong makita at masaksihan!' sigaw ng aking isipan nakapag bigay ngiti saaking labi. Tumingin muna sa kaliwa at kanan si Wilson nang makitang walang ibang tao bukod saaming tatlo kinalabit n'ya na ang gatilyo. Tumama ito sa puso ng babae sabay ng pag-iingay ng security alarm ng building. Automatic magingay ang security alarm kapag makarinig lang ng gunshots tapos ang operator ng system agad din maka tawag sa police. Sa ginawa namin ngayon para kaming naghuhukay ng sariling libingan. Hindi ko ito naisip agad dahil sa pagkasabik. Nakahandusay habang naka awang ang bibig ng babae at parang gripo umaagos ang kanyang dugo sa sahig. Gulat ako napa pitlag ng binaril ako ni Wilson malapit saaking ulo para pa itong nasiyahan saaking naging reaction. "What the f**k was that?!" Galit kong tanong. Hindi n'ya ako pinansin at pinunasan lang ni Wilson ng panyo ang baril nahawak n'ya sabay lagay sa kamay ng patay na babae. Lalo akong nainis sa ginawa n'yang pambaliwala. "Delete the CCTV footage in estimated time of 10:47 to 11:06AM." Saad ni Wilson sa hawak n'yang cellphone. "Mauna kana young master." Ani nito na sinamahan pa ng maamong ngiti. Nanginginig naako sa galit at walang pagdadalawang isip sinakal ko ang kanyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD