"XANTH!" tawag ko sa pangalan niya nang halos kaladkarin niya na ako papalayo kay Sir Kleint. Nakarating kami sa parking lot. "Let me go! Ano ba?!" lumingon naman siya sa akin at saka ako binitawan.
Napahawak ito sa batok sabay napailing. "I-I'm sorry.. D-Did I hurt you?" nagaalala niyang tanong.
"Oo!" mabilis kong tugon. Napayuko naman siya dahil sa lakas ng boses ko. But, I don't care kung may mga makakarinig man sa amin. "Ano ba'ng problema mo, ha?" naiinis kong tanong at saka ko siya tinitigan ng matalim.
Huminga ito ng malalim bago siya nagangat ng paningin sa akin. Dumilim ang mukha niya at mas matalim niya akong tinitigan. "Ayaw ko lang na may nakikitang lumalapit sa 'yo, Zekeilah! Ayoko! I hate seeing you with someone else. You are mine and I'm f*cking jealous! Sa akin ka lang, naiintindihan mo ba ako?!" bigla akong napaurong dahil sa mas malakas at naging marahas ang boses niya. Subalit, gano'n pa ma'y nilabanan ko ang galit niya.
"Hah! Haha!" sarkastiko kong tawa. "Are you out of your mind, Xanth Eadric? Wala na nga tayo, diba? Diba? Anong pinagsasasabi mong sa 'yo ako? Hindi mo na ako pagaari!" muling ganting sigaw ko. Sandali itong natigilan at gumuhit ang kirot sa mukha niya. "Pwede bang lubayan mo na ako, ha? May Vixen ka na! Kinukulang ka pa rin ba?"
"Oo!!" tugon niya. "Kulang na kulang ako dahil wala ka! Ikaw ang kailangan ko at hindi siya!" anya.
Ako naman ang napaawang ang bibig at hindi makapagsalita.. Napaatras ako. Naglalaban ang mga paningin namin at pareho kaming napapabuntong hininga.
"Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ginusto mong maghiwalay tayo.." patuloy niya ng makabalik sa huwisyo at naging mahinahon na ang boses niya. Hindi niya inaalis ang paningin sa akin. "You still love me, I felt it! And I feel the same way, babe.. I still love you! Handa ko namang baguhin kung anuman ang ikinaayaw mo sa akin, eh. Handa kong ayusin ang lahat! At akala ko no'ng gabing 'yon, maayos na natin ang lahat pag-gising natin.." napailing ito at napangisi. "Pero no'ng magising ako.. Wala ka na sa tabi ko! Hinanap kita kung saan-saan, Zekeilah! At ngayong nakita na kita.. Hindi na kita pakakawalan pa! Lalo pa't may nangyari uli sa 'tin kanina lang. Do you understand me??"
Tuluyan akong hindi makapagsalita. Naging selfish nga ba ako at ni hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya no'ng oras na maghiwalay kami at iwanan ko siya? Pero, gano'n naman talaga kapag nagbi-break, right? Talagang masasaktan ka lalo na kapag mahal mo pa rin ang isang tao. Pero.. Kaya ko namang tiisin 'yong sakit na 'yon, eh. Para lang makalaya siya. Ngunit siya? Talaga bang nasaktan siya ng sobra? Tsk... I don't know. Marahil nga oo. Pero anong magagawa ko? Nangyari na at hindi ko na maibabalik pa ang dati.
"Answer me, babe.."
Ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kanya at di ko magawang ibuka ang bibig ko. Bahagya akong napasandal sa sasakyan niya nang umatras ako dahil sa kabang naramdaman ko nang lumapit pa siya lalo sa akin. Ngayon ay wala na akong kawala dahil nakatukod na ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko habang nakatutok ang paningin sa mga mata ko na medyo nanlalabo na dahil sa alak at antok.
"Tell me, Zekeilah.. Tell me the real reason why you left me! Baka sakaling matanggap ko pa kung anuman iyon. Hindi 'yong dahil lang sa pagaaway natin at hindi tayo magkasundo minsan ang idadahilan mo para makalaya sa 'kin. I want to know the truth, babe.. Please.." nagsusumamo niyang sambit ngunit talagang hindi ko magawang magsalita. "Why can't you answer me? Tell me now coz I want to know everything.. Hindi kita kayang i-give up ng gano'n-gano'n na lang, Zekeilah.." anya sa paos na tinig. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko na ang magkahalong alak at sigarilyo sa hininga niya ngunit mas nangingibabaw ang bango ng katawan niya. Nalalasing ako lalo. Gustuhin ko mang ilayo ang mukha ko ay wala na akong aatrasan pa. "You are my life and you killed me when you left. Babe, I still love you..."
"But your alive and still breathing, Xanth."
"I am. But, my heart dies and still buried." malungkot niyang sambit. "Babe.. Tell me everything.. please?" inilapit pa niya lalo ang bibig sa puno ng tenga ko at nagbigay iyon ng matinding kiliti sa katawan ko.
"Xanth.. Wala na akong dapat pang ipagpaliwanag." mahina akong napatikhim para alisin ang bumabara sa lalamunan ko at saka ako tumingin ng deretso sa mga mata niya. "H-Hindi na kita m-mahal.." kailangan kong supilpilin ang kung ano pa man ang nararamdaman ko sa kanya.
Nakita ko kung paano magbago ang reaksyon sa mukha niya matapos kong sabihin iyon. Mapakla siyang tumawa at umiwas ng paningin ngunit nang ibalik niya ang tingin sa akin ay matatalim na mga mata na ang sumalubong sa akin.
"I don't believe you, Zekeilah.. You still love me, I know. Nararamdaman ko 'yon!" sabi niya sa mismong mukha ko. Galit at halos naguumpugan na ang mga bagang. Pero hindi ako nagpatinag.
"Ngunit iyon ang totoong nararamdaman ko, Xanth! Hindi na kita mahal kaya please lang... Lubayan mo na ako!" bahagya ko siyang itinulak ngunit dahsa670a67 nakainom ako ay wala rin akong lakas. Parang tapik lang ang ginawa ko sa kanya.
Mabilis niya akong hinawakan sa mga kamay at inilagay niya iyon sa likuran ko at saka idinikit ang katawan sa akin. Hindi tuloy ako makagalaw. Nakatagilid ang mukha ko dahil kapag iniharap ko iyon ay magdidikit na ang mga bibig namin.
"But, I still love you.. At wala kang magagawa do'n! Hindi mo ako mapipigilan kung aali-aligid ako sa 'yo kahit saan ka mang lupalop pumunta, Zekeilah.. You are mine! Only mine! Gagawa ako ng paraan para bumalik ang nararamdaman mo sa 'kin!" desperado niyang sabi na ikinailing-iling ko ngunit hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"You had Vixen already, Xanth! Anong gagawin mo sa kanya, huh? Lokohin? Gano'n?"
Nagtagis ang mga bagang niya. "I can give her up in exchange of getting you back in my life again, Zekeilah! Therefore, I don't much in love with her nor like her.. I was just us—"
"Xanth Eadric!"
Nahinto sa pagsasalita si Xanth at pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon na pamilyar na pamilyar sa akin. Lumukob ang matinding galit sa dibdib ko. Napabuga ako at niyakap ang sariling katawan nang bahagyang lumayo si Xanth. Pareho kaming nakatungo sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin. Anong ginagawa niya dito gayong dis oras na ng gabi?
"Mom? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Xanth sa mommy niya nang makalapit at galit ang mukhang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Lalo na sa akin!
"I'm here for my soonest daughter in law. And I'm trying to find you when someone called up and told me where exactly you are. What are YOU doing here anyway?" balik tanong nito kay Xanth na nakakunot pa rin ang noo. "You supposed to be in Vixen's house and talking about your marriage with her, not here with that b***h!" sarkastiko nitong saad at nakaismid na nakaduro ang daliri sa akin.
"Hindi ho ako b***h, tita!" maagap kong sagot! Wala siyang karapatang tawagin akong gano'n! Parang umakyat sa ulo ko ang alak na ininom ko.
"You are!" muli nitong hirit na ikinakuyom na ng palad ko.
"Mom! Stop it!" awat ni Xanth sa mommy niya.
Napatingin muna ito kay Xanth bago ibinaling ang paningin sa akin na ngayo'y nakataas na rin ang isang kilay. "Really, huh?" nanguuyam nitong saad habang napapatango-tango pa.
"Mom! For pete's sake! ! Please, leave us alone! We're talking!" naroon ang pagpipigil ni Xanth na huwag makagawa ng hindi kaaya-aya sa mommy niya. "Please, leave.." mahinahon na niyang pakiusap.
Ngumiti ito ng mapakla at saka muling napaismid. Ngunit tumingin muna ito sa akin ng matalim at saka muling tumingin kay Xanth. "Okay. But, make sure that you're already there in Vixen's house eight in the morning, son. Marami tayong lalakarin tungkol sa kasal niyo ni Vixen. Go home now and take some rest! It's already two for pete's sake!"
Tiim ang mga bagang na nakamasid si Xanth sa ina. "Whatever, Mom. Leave us alone now, please!"
Hindi na ito tumugon ngunit bago pa ito tumalikod ay nagawa pa ako nitong ismiran at taasan ng kilay. Hindi ako makapagsalita. Napapalunok akong tumingin sa kawalan. Sabay napabuga para alisin ang bagay na nakadagan sa dibdib ko.
"Zekeilah.." rinig kong tawag ni Xanth sa pangalan ko ngunit hindi ko siya tinignan. Nanatili akong tulala sa kawalan at hindi makapagsalita. "Babe.." naramdaman ko ang biglaan niyang paglapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Ilang sandali lang ay pinakawalan niya ako at tinitigan ako sa mga mata ko. "I'm sorry sa inasta ng Mommy ko sa 'yo. Lalo na sa itinawag niya sa 'yo. It's just that, she gets mad on you when you left me. Nakita niya kasi ako kung paano masaktan no'ng iniwan mo 'ko, eh." patuloy pa niya at hinawakan na ako sa pisngi. "Babe, I—" I interrupt him.
"Please leave me alone, Xanth," I seriously said to him. Parang sasabog sa matinding sama ng loob ang dibdib ko. Kung alam lang niya na noon pa man ay ganyan na ang trato sa akin ng mommy niya.. Hindi lang dahil sa iniwanan ko siya. Siguro nga, nagbubunyagi sa saya ang mommy niya noong hiwalayan ko siya. "Wala na tayo kaya please lang.. tigilan mo na ako." nangingilid ang luha sa mga mata ko habang deretsong nakatingin sa kanya.
"No.. Zekeilah, please.. Ayusin natin 'to." mahigpit niya akong niyakap.
Napailing-iling ako. "We're done, Xanth. I'm sorry.." Ako na mismo ang unang bumitaw at saka ko ipinihit ang sarili ko papalayo sa kanya.