I smile genuinely habang nakaharap sa isang lalaki na nakasuot ng isang tuxedo na may white stripe na neck tie. Ang tansiya ko ay siya ang manager ng department na ito.
Talagang pinaghandaan ko ang araw na 'to para sa interview. Matagal tagal na rin akong walang ginagawa simula ng magsarado ang pabrika ng mga chichirya na siyang pinagtatrabahuan ko noon dahil may nilabag na batas.
Nakasuot ako ng puting sleeves na pinatungan ng light brown na camel coat na binagayan ko rin ng kakulay nitong pencil skirt at isang kulay black na pumps.
"Tell me about yourself." He said at agad na inabot ang resume ko para tinggnan.
I pressed my fingertips together and start introducing myself.
I am Rebecca Ruiz. A 25 years old grown woman. Graduated in a course of Business Ad. I've been a assistant manager sa isang known hotel and sa isang factory department. I always show my excellency and activeness in work. I like making friends and I'm always professional when it comes to work. I will always do good and try to become much better everyday para po hindi kayo magsisi na ako ang tinanggap ninyo. I really want this job it's not because many people says that the amount of payment here is high. It's because I think being an employee here will makes me confident and I can learn new things and discover another one of my capability. If ever that I will got this job I really promise to do everything I can. My weakness is ipis and I'm sure naman na walang pagala gala dito kaya hindi 'yon makakahadlang sa trabaho.
"Okay. You just have to go to Mr. Buena's office it's in the fifth floor baka may follow up question pa siya sa'yo. Have a good day." Tumayo ito at nakipagkamay sa'kin. Buong galak akong tumayo at ngumiti sa kaniya.
Pagkatapos ay sumakay ako ng elevator na puno ng pangarap at pag-asa. Sana naman matanggap na ako wala na akong makain sa susunod na buwan kaya kahit janitor na lang sana pero sayang naman itong outfit ko ngayon kong sa pagiging janitor lang ako babagsak.
Nagdasal muna ako bumuga ng hangin bago kumatok.
"Come in." Boses ng lalaki ang sumagot. Mister nga talaga.
Nang buksan ko ang pintuan ay kaagad akong napatili at halos manlumpasay ako sa saya.
"Larry?!" Tumakbo ako at niyakap ang Mr. Buena na siyang sinasabi nila.
"Becca?"
Hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa kaniya.
"Bakit nandito ka?" Tumawa ito at umakbay sa'kin.
"I need a job. Tsaka bakit naging Mr. Buena ka?"
Hindi ito sumagot bagkus ay tumawa lang ito at umiiling sa harapan ko.
"Larry, hindi ako nagbibiro. Wala na akong makain sa susunod na buwan. Here is my resume tinggan mo kung gaano ko ginagalingan ang trabaho ko." Ibinigay ko sa kaniya ang fortfollio ko pero hindi niya 'yon tinanggap. "Kung hindi nagsara ang pabrika na 'yon wala ako rito, Larry. Kaya sige na naman. You need an employee and I need money kaya quits tayo."
Kinabahan ako ng magsimula siyang maglakad pabalik sa upuan niya. Pinagkrus ang mga bisig at tumingin sa'kin.
"Okay. You're hired. Welcome to the company. First Monday of February will be your first day. Rebecca Ruiz, congratulations." Ngumiti ito sa'kin bago nakipagkamay.
Nagpaikot ikot ako sa saya bago tinanggap ang kaniyang kamay.
"Thank you, Sir." Niyakap ko siya at hindi sinadyang mahagkan sa labi kasabay ng pagpasok ng isang lalaki.
The crowd started hyping when the DJ starts playing his masterpiece remix. Tumayo ako at sumayaw din sa dancefloor kasama ng mga kaibigan ko. We're partying so wildly. Nagkasiyahan lang kami ng kaunti ng malaman nilang natanggap ako sa trabaho sa kompanya ng past lover ko na naging kaibigan na rin nila. Kanina pa kami rito simula ng magbukas ang club.
"Becca, what did you answer to the question of your employer, again? It's just that I can't process it inside my head, girl." Tumawa si, Jellah at agad na lumapit sa'kin para kumuha ng suporta ng bigla itong mahilo.
"I just said that I want the job because I'm running out of money and they need a excellent staff and that's me, so, they have to hire me."
Dex and Dey laughed together.
I am beyond happy sa naging resulta. Tsaka hindi naman siguro dahil magkaibigan I mean past lovers kami ay pwede na lang akong kunin basta basta. Larry, knows me and I know, Larry. Alam niyang may potential ako to do the work kaya niya ako hi-nire.
"Mga bruha kayo, bukas na ang kasalan. Huwag kayong magpakasasa sa inumin." Naglakad ako pabalik sa counter habang nakasunod naman silang tatlo sa'kin. I'm talking about the wedding of this trios. Sabay silang ikakasal dahil 'yon lang ang bakanteng oras na meron sila. And half of this celebration is their last day of being single. Umorder pa sila ulit ng drinks.
"Don't worry girl nakalimutan mo ata na talented kaming mga kaibigan mo. We can still memorize our vows kahit may hangover." Jellah, leaned on my shoulder, still drinking her wine.
"Hindi ako naniniwala." Iwinasiwas ko ang daliri sa harap nila. "Bitches, kilala ko kayo. You're always late sa kahit na anong celebration. Baka pagdating niyo sa simbahan, utot na lang ng mga bisita ang naiwan." Humagalpak ako ng tawa at napailing rin kasama nila.
Nahagilap ng gilid ng mata ko sa hindi kalayuan ang isang matipunong lalaki na may hawak na whiskey. His face is familiar to me. Hindi ko lang masyadong maaninag since nab-blur na ang paningin ko dahil sa hilo. He's wearing a white loongsleeves button ups na tinupi hanggang siko paired with his dark blue chinos. His shoes were cap toe oxfords. He's hot with his chillin vibe. Hindi nito sinadya ng mapatama sa'kin ang tingin. Ngumiti lang ako ngunit napairap rin ng umiling ito na para bang wala akong karapatan na ngitinan siya.
"Asshole." Tumayo ako at nagpagewang gewang na tinungo ang comfort room. Bumibigat na 'yong pantog ko kaya kailangan na ilabas. Bumangga pa 'yong ulo ko sa pader kaya medyo naalog at nahapdi. Dali-dali akong umupo sa bowl at nakukuryente sa bawat paglabas ng sama ng loob ko. "Success!" Buong lakas ko na sigaw kasabay ng isang tunog ng pinaputok na armas. Nagkibit balikat lang ako. Loud music lang 'yon.
Pagbalik ko ay halos mapatili ako sa nadatnan. May mga armadong lalaki na nakahawak sa isang binatilyo na pilit kumakawala sa posas sa kamay nito at apat na iba pa na kakadampot lang galing sa crowd. Ako na lang ang nakatayo. Hinanap ng mata ko ang mga kaibigan, nanginginig sila sa isang gilid at pinapatahan ang isa't isa. Aksidente kong nakita ang lalaki kanina na umiinom ng whiskey, nagkatitigan kami at nakita ko ang armas at dugo sa kaniyang kamay. He's with this armed man? And siya 'yong pumasok sa office ni, Larry. Tila nabalik ako sa katinuan.
"Ikaw! Dapa!" Sigaw ng isang mid' fourtys na lalaki na nakasuot ng isang leather jacket. Hinawakan siya sa balikat ng lalaki na nakatitigan ko kanina at pilit pinahinahon bago ako tiningnan.
"Stay down." Magaan na saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. Tumango ako at dahan dahang umupo muntik pa akong matapilok at nakita siyang nag-alangan na lumapit sa'kin.
Sunod-sunod silang umalis. Nahuli siya at inilibot muna ang tingin hanggang sa magawi ito sa'kin. Isang minuto rin bago niya ito bawiin ng tinawag na siya ng kasamahan niya. Kailangan isara ang club, humingi ng pasensiya ang may-ari, kaya wala kaming nagawa kundi madismaya. The night is dangerous and getting dirtier.
Naging tahimik ang club at kaniya-kaniya umupo ang kanina na halos magmukhang bulati na sinilihan. Tumakbo sina, Dex, Dey at si Jellah sa'kin.
"Anong nangyari sa'yo napahamak ka ba sa loob ng cr?" Maagap na tanong ni, Dey.
"Gosh, your forehead is bleeding!" Jellah, tried to hold my forehead pero iniwas rin ang kamay ng maunahan siya ni, Dex.
"We're going home, ladies. This night is far from fun. The night is getting dirtier. Let's take some rest and go home." Saad ni, Dex at pinunasan ang nagdurugo kong noo.
Kaya siguro napatitig 'yong lalaki sa'kin kanina ay dahil mukha akong binombahan ang hitsura. Nagduruga pa ang noo. Masyadong nakakahiya. Pero never mind hindi na rin naman kami magkikita kaya wala ng dapat na ikahiya.
Paglabas namin ay maraming mga reporter at iba pang usisera na nakaabang sa labas. Huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili. I'm just wearing a black tank at isang white regular jeans na binagayan ng kulay brown na pumps.
Napapitlag ako ng may dumamping denim jacket sa balikat ko. Lumingon ako at bumungad sa'kin ang makapal nitong kilay at perpektong ilong. Ang mga mata niya ay kakulay ng bughaw at moreno nitong kutis ay sumisigaw ng pagiging Adonis.
"Stay safe and warm." Huling saad nito at kaagad na pumasok sa sasakyan.
Malalim na ang gabi ng makauwi ako at makapagpahinga. His jacket is already hanged inside my cabinet. Mabango 'yon at halos hindi ko na tinigilan sa pag-amoy. Lasing nga ako. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong kong kanino galing. Masyado na silang lasing at pagod para magkaroon pa ng pake sa paligid.
Nang magsimula ang araw ay halos laman ng local na balita ang nangyaring raid kagabi. Pansamantalang hindi magbubukas ang club habang ongoing parin ang imbestigasyon. Ino-obserbahan pa ang club dahil may hinala ang mga pulis na mayroong iba pang illegal na gawain ang nangyayari. 'Yan 'yong narinig ko kanina sa telebisyon ng magising ako at nagkape sa sala habang hinahanda ang sarili para sa gaganaping kasalan.
Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan ng simbahan, puno na rin ng mga tao at bisita ng tatlong bruhilda na hanggang ngayon ay hindi ko pa ma-contact. Mas nauna pa ako kaysa sa kanila. Halos kabahan na rin ang iba na inakalang hindi sisipot ang mga bride. Ang mga groom ay kanina pa pinagpawisan. Sinenyasan ako ng asawa ni, Jellah kung nakausap ko na ba ang magiging asawa niya. Umiling ako at nakita siyang nanlugmok.
Walang alam ang mga groom sa nangyari kagabi since malas daw na magkita ang ikakasal bago mangyari ang kasal. Kaya wala silang kamuwang muwang kung gaano ka delikado ang nangyari kagabi sa club kung saan nagpakasasa ang mga asawa nila.
"Ayan na ang mga bride." Sigaw ng wedding coordinator. Tumayo ang lahat at nagulantang ng pumasok na nakacasual dress lang pero may mga suot na veil.
"Late na ba kami? Sorry." Saad ni, Dey at naunang maglakad. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay kaagad ko siyang inambahan ng kurot habang tinitingnan ang kaniyang suot.
"Girl, nahilo ako sa laki ng gown. I'm still with my hangover." Umakto ito na parang nahihilo habang nakahawak sa noo at nakapikit ang mata.
Mga siraulo talaga. Akala ko pa naman maayos silang darating.
Natawa ako ng mahina ng makita ang pilit na ngiti sa labi ng kanilang mga asawa. Parang itong nalugi. Tiyak na parusa ang aabutin ng mga bride mamaya pagkatapos ng reception.
Huminga ako ng maluwag ng matapos ang seremonya. Isa ako sa pumalakpak ng lumabas sila sa simbahan at sumakay sa puting kotse.
Hindi ako ang nakakuha ng bulaklak. Kaya tanggap ko na na hindi na talaga ako makakahanap ng iibigin. Welcome to single life, Rebecca Ruiz.
Simpleng dinner with the family and personal friends ang naging semi reception. Hinati ko ang gabi para sa kanilang tatlo. Worth it naman dahil nakita ko sila na masayang masaya sa mga husband nila kaya alam ko na wala na akong hihilingin pa kundi ang kasiyahan nila.
Pauwi na ako ng madatnan ang ilang police mobile sa kabilang kanto.
"Jusko! Kailangan na talagang mag-ingat ng mga kabataan ngayon dahil sobrang dami ng nananamantala sa panahon ngayon."
"Kaya nga eh! Akala ko talaga magkaibigan ang dalawang bata na 'yon kasi palagi ko naman silang nakikita na magkasama tapos ngayon malalaman ko na lang na nagpatayan na."
Rinig kong saad ng mga may edad na mga nanay na nakiusyoso sa nangyari. They're talking about the two teenager na minsan ko na rin nakita na makasabay ko sila sa bus na siyang nakatira sa isang maliit na bahay.
Nakita ko ang isang stretcher na may bangkay na natatakpan na ngayon ng puting tela na kinakarga nila sa isang ambulance. Sumunod ang lalaki na naka-posas na ang kamay na ngayon ay hawak ng pamilyar sa'kin na lalaki. Naaninag ko ang kaniyang pangalan na nakasulat sa bakal na nakakabit sa suot nitong police uniform.
Paul Jimenez.