CHAPTER 2

1998 Words
Pumasok ako sa kompanya na halos binati ang lahat ng makakasama ko sa daan. I took the elevator at agad na umakyat sa opisina ni, Larry. Sinabi niya kasi sa'kin during interview na kailangan muna naming mag-usap patungkol sa trabaho ko bago magsimula. "You're gonna be the Manager of Marketing since that job is vacant and it suits for your degree. So, makakasama mo sina Derrick, Stacey, Justine and Reina. They're the Sales officer and Sales person. So, sila na ang magpakilala sa'yo sa trabaho. Good luck and have a good day." Nakipag-kamay ulit si, Mr. Buena sa'kin. Nahihiya ako na tinanggap 'yon ng maalala kung paano ako naging walang hiya sa harap niya at nilantakan ko ang labi niya during interview. Magkasama kaming limang bumaba, dinala nila ako sa opisina at pinakilala sa ibang staff and personnels. Nang magpaalam sila ay kaagad akong nagpaikot-ikot sa swivel chair. "Thank you, Lord. I promise to do better, always." Guminhawa ako pagkatapos ay nakarinig ng katok sa pintuan. "We're having lunch together at eleven fifty." Hindi na pumasok si, Larry tanging ulo lang niya ang nakikita ko mula rito sa upuan. Tumango ako and mouthed my thank you to him. Nag-thumbs up lang siya at sinarado ang pintuan. First day wasn't that tiring. After the lunch with Larry, ay balik agad ako sa trabaho to arrange my things and prepare myself for the future work. Walang masyadong pressure kasi nga bago pa. When I got home my friends video called me. Nakikiusyoso sila sa first day. "Wala ka na ba talagang nararamdaman sa, Larry na 'yon?" Jellah, raised her brows while eating her crackers. "Kapag past na past na, Je. We're happy doing things in our own. Friends is our relationship status to each other. Kung ano man ang nangyari noon hindi na dapat pa na unggatin pa." Ngumiti ako ng sabay silang tumango. "So, how's the first day of married life?" I tried changing the topic. "Okay naman, siguro kailangan lang naming masanay na may katabi na kami every night, na kailangan na naming gumising ng mas maaga to prepare some meals para sa husband and to expect a person na makakausap namin every late nights. It was wholesome and the married life thingy is somehow fun and pretty good." Dex, looked at her ring and traced it while smiling from ear to ear. "And, Becs, kailangan mo rin na masanay na may makakita sa kagaguhang pinaggagawa mo sa buhay." Dey, said that makes me laugh. Dey, love to do silly and weird things alone. Kaya siguro naloloka siya na may makakakita na sa kaniya while doing those. She hates pa naman na may audience. "Kailangan niyo rin na masanay na magluto para naman hindi kayo bili ng bili ng cater and delivery foods para makasurvive. You need to pamper your husband. And I just want to say that you deserve to be treated well, also. Hindi ibig sabihin na dahil wife kayo, kayo na sa lahat." I said, with full of concern. "Noted, Becca." Sabay sabay nilang saad. "Goodnight." Huling saad ko pagkatapos matapos ang tawag. Huminga ako at pumasok sa kwarto and there I saw Paul Heminez jacket. Plano ko na isauli 'yon kapag nakita ko ulit siya. I just wear my light brown colored jumpsuit na ibinagayan ng ankle strap na sandal. Isinukbit ko ang kulay bughaw na trapeze style na handbag at sa isang kamay naman ay isang may kalakihang box na may lamang mga gamit ko including sticky note, personal pens and other stuff. I was rushing through the elevator para makahabol sa papasara na. Napatigil ako ng makita ulit siya sa loob ng elevator. He is wearing a black V-neck shirt at nakapamulsa ito sa kulay abo na slacks. He fake a smile ng makita ako. He also asked kung anong floor sa'kin. "Third please." I said habang nakatingin sa ibang direksiyon. I feel so awkward lalo na't kaming dalawa lang sa loob. I wonder kung isa rin ba siya sa nagtatrabaho dito. Nagmu-multi task ba siya? Being a drinker inside the club, tapos pagiging police and lastly being an employee her in Mr. Buena's company. Hanep! I stepped out ng makaabot ako but I was confused seeing him walking my behind. Winaksi ko lang 'yon sa isip ko pero napatanga ako ng pumasok rin siya sa opisina ko. "What are you doing?" I said in confused. "I need to talk to you." Sobrang nakakakaba ang pagsasalita niya na para bang may nagawa kang kasalanan. "Teka, sandali! Ang aga mo naman ata para pakabugin ang kalamnan ko." Inilapag ko ang box at bag na dala ko bago humarap sa kaniya. "Rebecca Ruiz, this is an important matter kaya sana makipagkaisa ka sa'min." His eyes drifted in to mine. "Pwede ba 'tong ginagawa mo? Dapat nagpa-set ka muna ng appointment hindi 'yong para kang hindi professional sa ginagawa mo." Tinaasan ko siya ng kilay at umupo ako sa swivel chair at pinagkrus ang mga bisig. "Right, I'm sorry. Nadala lang ako sa isip na makita kita sa elevator. I'm going to meet Larry, the one you kissed during the time he hired you." Napaawang ang bibig ko ng marinig ang mga sinabi niya. "I really have to talk to you. I hope you can give some time to accept my word. I have to go." Umalis ito at hindi na ulit ako nilingon. Kaagad ko na kinuha ang jacket na inilagay ko sa loob ng box. Kaagad akong tumayo at hinabol siya. I saw him walking na para bang may malalim na iniisip. "Paul!" I called him. Napatingin naman ang ibang kababaihan na nakakita sa'kin na sobrang bilis na naglakad. "She's the new Marketing manager, right? And she's talking to the most handsome police officer in this town. Gosh! What a lucky woman." Umiling lang ako sa narinig na bulong ng dalawang babae na kasing gulang ko lang. Paul, faced me, looking handsome. I can't deny that fact! "I just want to return this." I handed him the paper bag na siyang nilagyan ko ng bagong laba na jacket niya. "Thank you for the last time." I said, smiling genuinely. "You know my name?" Manghang saad niya. "I saw you one of the night I was walking home. Sa case ng dalawang teenager malapit sa'min. And I saw your name tag, so I guess naman hindi ako nagkamali 'di ba? Paul Jimenez?" Inabot niya ang paper bag at walang emosyon na tumingin sa'kin. "Police Captain Paul Jimenez, Miss. Manager Rebecca Ruiz." Pagak akong natawa sa sinabi niya. "Meet me tomorrow, eight in the evening malapit sa uuwian ko if gusto mo akong makausap." I was about to walk away from him pero narinig ko siyang nagsalita. "No. Susunduin na lang kita pagkatapos ng working hours mo bukas. See you Miss Manager." I don't know if he saw me na umiiling. Extended ang naging lunch time ng magpatawag ng meeting si, Larry sa Marketing and Production department. Larry, introduce me again bago pinag-usapan ang mga bagong stocks na parating galing sa mindanao. Mga produktong gawa ng mga weaver, kabilang dito ang mga unique na desinyo ng mga bags, plate mats, summer hats na sobrang ganda at local na local ang design, seat covers, clothes, and many more to mention. Pumalakpak kaming lahat pagkatapos naming makita ang mga 'yon sa presentation ng Production group. Larry's company supports local brand at ipakilala sa ibat-ibang lugar at bansa para mas makilala pa ang gawang Pilipino. Dahil trabaho ko ang asikasuhin ang pag-promote ng products kaya naiwan ako para mapag-usapan namin ng ka-team ko ang strategy at ang expected target namin. "We really have to make some campaign para ma-enganyo sila na piliin ang products natin. We have to post it also para sa promotion. Let's include in the overall matters that the product is much better to used kasi hindi ka lang magiging komportable na gamitin 'yon you also help the native and the makers to earn and promote their works. That's all for this day. You can now take your lunch. Lets just discuss this sa ibang araw para makapag-plano pa tayo ng maayos. I also have to make a discussion with Mr. Buena para sa opinion niya about what we discuss right now. That's all." I watched them closing their folders bago sila tumingin sa'kin. "Boss, may sasabihin sana kami sa'yo." Justine said at agad na inayos ang buhok. Tinaasan ko sila ng kilay at sinarado ang laptop bago uminom sa mineral bottle. "What is it?" "Birthday kasi, ni Stacey ngayon. Iimbitahan ka sana namin to be with us this night, para i-celebrate 'yon." Reina, tried to calm herself. Sinusukat ang tingin ko and she's estimating my reaction. "Okay, just text me the address. And make sure na walang masyadong inumin kasi may trabaho pa na aasikasuhin pagkarating ng bukas. Maliwanag?" Tumayo ako at sumabay sa kanila sa pagbaba. Tinulungan rin nila ako para sa ibang gamit na dala ko kahit hindi naman 'yon marami at mabigat. And every time na titingin ako sa kanila ay halos mapunit na ang mga labi nila sa pag-ngiti sa'kin tapos biglang makikipagpalad sa isat-isa. They seem very close to each other and that's what I like in work. Treating everyone with kindness. "Boss, huwag mong kalimutan, ah!" Justin, shouted na ikinatawa ko. Tumango lang ako at kumaway sa kanila na sumakay ng isang puting hilux na pagmamay-ari raw ng kapatid ni, Justin. I waited for a cab, para narin makauwi. Pagkatapos ng lunch kanina as usual ay balik sa trabaho. Gumawa lang ako ng isang document para sa promotion. Nakausap ko rin ang ilan sa mga buyers kanina kaya medyo napagod 'yong lalamunan ko sa pag-entertain ko sa kanila. Umakyat rin ako sa opisina ni, Larry pero wala naman siya. Ang nadatnan ko lang ay ang telepono nito na nakalagay sa mesa. Mukhang naiwan niya ata. Boss, successful ang transaction ngayon. That's the message na nabasa ko. I guess na sobrang auccesful nga talaga ng mga business na tinatayo niya. Hindi ko lang alam kung bakit naging Mr. Buena siya samantalang ang buo niyang pangalan at Larry Hoston. Nag-ayos ako at nagsuot ng isang olive jeans and plain white shirt. Isang white sneakers ang ibinagay ko. I put some light red lipstick in my heart shaped lips at ginawang pony tail ang buhok. When I looked myself in the mirror ay kaagad akong napangiti. I look like a college student and I look pretty. I received their text. Boss, G na. Lumabas ako while holding my phone and house key sa kabilang kamay naman ay nakasukbit ang sky blue na cross body style handbag ko. Nadaanan ko ang bahay ng namatay na teenager noong nakaraang araw. And I saw Paul Jimenez na kakalabas lang. He saw me and our eyes meet together. May sinabi pa siya sa isang kasama niya. Kaya nagpatuloy ako sa paglakad pero napatigil rin ng tawagin niya ako. "Where are you going? Sumakay ka na sa kotse ko. Mahirap ng makahanap ng masasakyan ngayon dahil rush hour." Saad niya gamit ang medyo may kalakasang boses. Umirap ako at nagpatuloy sa paglakad. I'm sure naman na marami pang pwedeng masakyan. "Rebecca Ruiz." Mabilis akong napapitlag ng biglang bumusina ang kotse niyang average price lang. "Get in. Ihahatid na kita." "Thanks. And don't worry bilang bayad sisiputin kita bukas." Bumaba ako sa kotse niya at sumulyap sa loob ng resto and there I saw my team. "I know you would. Don't forget to go home after this celebration. Take care of yourself while walking home. That's the word from Police officer of this town." Hindi ko siya pinansin at naglakad lang papalayo sa kaniya. Nang makapasok ay kaagad silang naghiyawan at masayang masaya na tiningnan ako. "Wow! Hinatid ng poging pulis. Haba naman ng hair, Boss." Reina, mocked Rinig kong bumusina ang kotse ni, Paul to inform me nandoon pa siya. Lumingon ako at nakita siyang sumaludo muna bago pinaandar ang kotse. What's with him? Masyadong papansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD