"The Historic Kiss" *** [Dimples' POV] Kaagad akong nag-hot shower pagpasok ko sa room ko. Gusto na talagang bumigay ng tuhod ko kanina dahil sa lamig at nerbyos. Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng hotel ay dito pa talaga nila napiling tumuloy? Naks! Sinisi bigla? Pa'no na 'yan? Siguradong hindi na ako tatantanan ni Kairo! Nag-aalala ako. Pero ito namang traydor kong puso ay tuwang-tuwa! Pagkatapos kong maglinis ng katawan at mag-toothbrush ay lumabas na ako ng shower room at nagbihis ako ng pantulog. Bahagya kong nilakasan ang heater para matanggal nang tuluyan ang natirang lamig na nanuot sa kalamnan ko pagkatapos ay komportable akong humiga sa malambot na kama. "Hay... Stress, stress, go away!" Tamad kong idinipa ang mga braso saka tumingala sa kisame. Naalala ko na naman an

