[Dimples'POV] Minulat ko ang mga mata at kaagad na sumalubong ang gwapong mukha ng lalaki na medyo blurr pa sa paningin ko. Kinusot ko ang mga mata ko at muli siyang tiningnan. Nawala bigla ang antok ko kasabay ng tila biglang pagtakas ng ispiritu ko. "Kai!" Tumayo siya at humalukipkip. "Don't worry, he's not here." Kumurap-kurap ako at muli siyang tiningnan. Siniguro kong hindi nga si Kai ang nasa harap ko ngayon. "S-Shun..." nakahinga ako ng kaunti. Inikot ko ang paningin sa paligid. "Ahm, n-nasaan siya?" "Nasa lobby." Dali-dali akong tumayo at kinuha ang bagpack ko. "Tapos ko nang nalinis lahat. Alis na 'ko," nakayuko kong sabi at nagmadaling lumabas. "Sandali, Dimples!" Napahinto ako at napalingon. Lumapit siya saka may inabot. "Tip ko 'yan sa 'yo. Kung alam ko lang na

