*** Akala ko talaga, matatakasan ko si Kairo pati na ang kaniyang grupo. Kahit pa ikubli ko ang mukha sa nagkakapalan kong suot at kahit pa nga siguro magsuot ako ng maskara, kapag tadhana na ang gumawa, wala talaga akong kawala! Sandaling naglakbay ang mga mata ni Kai sa mukha ko. "Dimples, naniniwala ka ba sa destiny?" "E-ewan. B-bakit mo naitanong?" "Wala lang. Naisip ko lang na baka itinakda talaga tayo para sa isa't isa. Kasi tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita tayo." Nag-init ang pisngi ko. Ewan ko sa 'yo Kai! Pinalala mo ang heartbeat ko! "Ah, eh... Baka nagkataon lang," kimi kong sagot. Tumaas ang gilid ng labi niya. Napaka-pilyo ng ngiti pero ba't gano'n? Nakakainlab. Bahagya akong napaigtad nang haplusin niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha sa akin.

