[Dimples' POV] "Uy! Thank you talaga, Dim dahil pinagbigyan mo ako! Nababagot talaga ako sa bahay kaya gusto kong magliwaliw. Naaasar ako doon sa boyfriend ni mommy!" Hindi pa nga makainom si Suze ay para na itong lasing. Nag-e-emote na kaagad. Naghiwalay na kasi ang mga magulang niya. Matagal na pala pero kahapon niya lang na nalaman noong lumipat na sa bahay nila ang bagong boyfriend ng kaniyang ina. Buti na lang din nagyaya si Shun ng gala kaya napapayag ako ni Suze na lumabas kami. Kampante kasi akong kasama si Shun. Nagtawag na ng waiter si Shun para um-order ng drinks. Dalawang bote ng light beer na apple flavor ang in-order ni Shun sa akin. Cocktail naman ang hiningi ni Suze. "Gusto mo talagang maglasing. Paano ka pag-uwi mo? Siguradong pagagalitan ka ni Tita." "Hindi ako

