part 5

1530 Words
Lasing pa nga ako sa halik ni Kai, dumagdag naman ang sinabi niya. Nanghina tuloy ako at hindi namalayang binitiwan na pala niya ako. Nalaglag ako mula sa upuan. Sinubukan kong kumapit sa kung saan, sakto namang yumuko si Renzi para saluhin ako. Sabay kaming bumagsak sa sahig nang kumapit ako sa kwelyo niya at taranta siyang hinatak. Napapikit ako at dinama ang pagkakabagok ng ulo ko sa semento pero hindi iyon nangyari. Renzi's palm protected my head from hitting the ground. Pero ang isang kamay niya ay nakadakma sa dibdib ko! Oh my ghaad! What is he trying to do?! Was he really protecting me or gusto niya lang akong molestyahin?! Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya at gan'on din siya sa akin. Sa inis ko ay tinulak ko ang mukha niya. Sabay pa kaming tumayo. And as soon as I recover, binigyan ko kaagad siya ng malutong na sampal. "Manyak!" *** "BAKIT mo 'yon ginawa? Sus! Inday!" sikmat ni Suze sa matigas na boses. Lumabas na naman ang pagka-bisaya. Halos sabunutan na nga niya ako. Kunting-kunti na lang at masasakal na niya ako dahil sa inis. Paano kasi, napauwi kami nang wala sa oras. "Muntik ka na dun! Muntik na!" mariin niyang sigaw. Oo Muntik na talaga akong kuyugin ng fans ni Renzi. Tss. "Hindi ko naman sinadya 'yon! Salubong ang mga kilay na sambit ko. "Gaga! Ang suwerte mo na nga, eh! Manhid ka ba? Nakakakilig kaya na mahawakan ng isang Lorenz Villar Mir! Hindi ka ba nakuryente ni Renzi? Babae ba gusto mo, ha?" "Hindi ako tomboy, Suze." "Ah, so maarte lang." "Kainis ha! Ako na nga 'yong nabastos, ako pa 'yong nagmumukhang masama!" Inirapan ko siya saka tumingin sa labas ng bintana ng van nila. Nasa Cavite na kami at malapit na sa bahay namin. Napabuntong-hininga ako nang maalala si mama. Lagot ako mamaya! "Alam mo bang nakakatakot ang magkakaibigan na iyon sa school at maging sa lugar nila?" Napatingin ako sa kaniya. "Weeh?" "Oo! Bruha ka!" Umismid lang ako at humalukipkip. Pakialam ko ba! "You're so dead, Dimples!" "Sige nga, ano ba ang alam mo sa kanila? Ha? Nanganganib ba talaga ang buhay ko sa kanila?" "Oo! Si Mark, Lolo niya ang kasalukuyang governor at mommy niya rin ang mayor ng Quezon city! Isang utos niya lang sa kanilang private armies, pwede ka nang dukutin at ilibing nang buhay! Si Hiro, magaling na abogado ang dad niya at kinatatakutang judge naman ang Lolo niya! Kahit magdemanda ka, dehins ka mananalo! Ikaw pa ang mabubulok sa kulungan!" "I'm just sixteen. Hindi pa ako makukulong!" "Madami silang ways para parusahan ka! Si Shunjiro at Kai, ang magpinsang iyon naman, ang Lolo nila ay maliban sa kilalang bigating businessman ay myembro rin ito ng Yakuza sa Japan! At ang mga daddy nila ang may hawak ng ilang pinakamalaking kompanya sa Pilipinas na nagbibigay ng trabaho sa libu-libong Pilipino dito at maging sa labas ng bansa! Sila ang may-ari ng biggest electronic factory kung saan nagtatrabaho ngayon ang mommy ko! Kaka-promote lang nun as production assistant , eh! Naku baka kapag nalaman magkaibigan tayo ay tanggalin nila si mommy sa trabaho!" "Huwag kang mag-alala, hindi na muling magku-krus ang landas namin ng TABS." "Paano kung ipapahanap ka nila para gantihan? Alam mo bang 'yong sinampal mo, jusko day! Lolo n'on ay isang cartel sa Mexico! Balita ko rin, may-ari ang dad nun ng isang Isla sa Cebu. Paano kung...dukutin ka ng mga kamyembro nila? Pagkatapos ay dalhin ka sa Isla nila at doon tigukin? Baka nga pagsamantalahan ka pa bago tudasin, eh!" Bigla na lamang gumapang ang kaba sa dibdib ko sa huling sinabi ni Suze. Cartel? Ibig sabihin, 'yong mukhang matino na iyon ay may lahi palang kriminal? Drug pusher kaya ang pamilya nila?! "Mamaya pag-uwi mo ay magpabili ka na ng kabaong sa mama mo!" "Asus! Masyado kang OA mag-isip. Hindi naman ako natatakot sa kanila!" pairap kong sabi pero lihim na akong napapalunok dahil sa kaba. Pinagpapawisan na nga rin ako, s**t! Gano'n sila ka-powerful? Gosh! Sana pala hindi na ako sumama! Kinarma na yata ako. Huwag na kasing gumala sa gabi! Kabilin-bilinan 'yan ni mama, eh! "O, hindi ka natatakot pero ba't ka namutla?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "H-hindi ah! Takot lang akong mapagalitan ni mama mamaya sa bahay! Ikaw kasi! Kasalanan mo 'to!" "Naku-naku! Eh, nakinabang ka naman! Natikman mo ang lips ng dalawang sikat na students ng DRIS! Pati yata ang Hiro ko gusto mo ring halikan, eh!" "Hoy! Hindi, ah! At kalimutan mo na 'yon! Manyakis 'yon!" Umakto pa siyang naiiyak. "Seryoso?! Iiyak ka talaga dahil do'n?" "Eh, kasi naman! Pangarap ko 'yon eh!" "Ang tudasin?" "Ang halikan! Gaga!" Napangiti ako. "Suze, gusto mo, kiss kita?" "Baliw ka talaga!" Ngumuso siya. "Bwisit! Naiinggit ako sa iyo!" "Sana pala ikaw na lang ang umakyat kanina sa stage. Nang sa gano'n ay ikaw ang ha-hunting-in nila at isa-salvage!" "Hindi mangyayari 'yon dahil hindi naman ako mangangahas na sampalin ang kahit na sino sa mga prinsepeng iyon!" Sinimangutan ko siya. "Ako ang kaibigan mo pero sila ang kinakampihan mo! Ang sakit lang!" "Prinsepe kasi ang gusto ko at hindi isang munting prinsesa ng Cavite!" "Traydor! Tss! Prinsepe! Eh, lahing kriminal naman!" Hindi na niya pinansin ang pagmamaktol ko dahil nakatuon na ang pansin niya sa kaniyang cellphone. Mayamaya'y bigla na lamang siyang ngumisi. "Anyway, thanks to you, Dim. Nakuha ko na ang number ni Hiro! Ayeeeh! Kyahahah!" "Wow, congrats! Nagtagumpay ang plano mo!" Umirap ako sa hangin. "Mag-aral ka kaya muna, Suze, bago lalaki." "Hmp! Tapos na ang final exam, noh? Graduation day na lang ang hinihintay natin, bakasyon na kaya pwede na akong manlalaki! Palibhasa nalawayan ka ni Kai at Renzi kaya ang KJ mo na!" "Yuck! Hindi ah! Smack lang kaya 'yon! Laway ka d'yan! Walang laway!" "Asus! Smack daw! Eh kitang-kita naman ng dalawa kong mga mata! Halos magdilaan na nga kayo ni Kai kanina!" "Hoy!!!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ang bastos! Tawang-tawa naman siya. Nag-iwas ako ng tingin at lihim na ngumiti nang maalala ko ang nangyaring halikan namin kanina ni Kai. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat. Kahit sabihin nating aksidente lang iyon pero kilig to the bones pa rin ako. Ramdam ko, eh. Gumalaw ang mga labi niya na para bang katulad ko ay ninanamnam niya rin ang segundo na magkalapat ang mga labi namin. Nagustuhan niya kaya? Nabura ang pag-iilusyon ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Renzi. Kaasar! Biglang umusog palapit sa akin si Suze. Pinakita niya ang screen ng kaniyang phone. "Tingnan mo 'to... Tinext ko si Hiro. Gosssh, Dim! Nag-reply siya! Haha!" "Ho u? 'Yan ang reply niya?! Masaya ka na diyan?!" "It's getting to know each other you know!" BIGLANG huminto ang sasakyan nina Suze. Nasa harap na pala kami ng gate ng aming bahay. "Good-bye, Dim! Salamat ng madami! See you at school!" paalam ni Suze. Tumango ako saka bumaba. Dumungaw naman siya sa bintana ng sasakyan at kumaway. "Baunin mo sa panaginip mo ang halik ni Kai! But make sure to wash your lips before you go to bed. Balita ko, matamis daw ang laway ng isang Nagamori. Baka langgamin 'yang bibig mo at magising ka na lang na namamaga na! Haha!" "Baliw!" Nang makaalis na ang sasakyan nina Suze ay saka lang ako pumasok sa gate. Para akong nanggaling sa contest na umuwing may dalang trophy ng pagkapanalo. Ngiting-ngiti ako dahil sa kilig. Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang pakiramdam ng inaangat sa ulap. "Saan ka galing?" Napahinto ako sa paghakbang papasok sa pintuan ng bahay nang mabungaran ko si mama sa sala. Nakapang-de kwarto siya ng upo sa single sofa at kahit hindi naaninagan ng lamp shade sa side table ang kanyang mukha, alam kong nakakatakot na ang facial expression niya ngayon. Sa tono pa lang ng boses niya, pakiramdam ko ay mababalatan niya ako nang buhay. Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba na animo'y isang mabigat na krimen ang nagawa ko na may kaakibat na matinding kaparusahan. Bumunot ako ng lakas ng loob bago pumasok. Ipinaliwanag ko kaagad sa kaniya ang lahat. Sinabi ko ang lahat nang nangyari sa lakad ko maliban sa kiss mula sa TABS. Hindi pwedeng malaman ni mama! "Ang mahalaga, ligtas kang nakauwi," wika niya. "Pero ayokong ulitin mo pa ito, Dim. Delikido para sa iyo na lumabas ng bahay kapag gabi. Nagkalat ngayon ang may masasamang loob," seryoso niyang dagdag. Tumango ako at nangakong hindi na uulit pa. Strict at overprotective ang mama ko sa akin pero hinding-hindi niya ako matiis. Malaking bagay sa kaniya ang pag-alis ko ng bahay nang walang pahintulot niya. Pero sa kabila ng kasalanan ko, pinatawad pa rin niya ako. Isa pa, hindi pa naman ako lumampas sa 10pm kaya ayos lang. Napabuntong-hininga akong pumasok sa kwarto ko. Alam kong hindi na ako makakaulit pa. Wala naman akong balak na umulit. Ang sa akin lang... sayang. Gusto ko pa kasing makita ulit si Kairo. Pero sa kabilang banda, mas ok na rin na hindi na ulit magku-krus ang landas namin. Baka ikamatay ko na talaga ang araw na iyon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD