Gabi na ng makarating kami sa Quezon City. Nag-take out na lamang si Kai ng pagkain sa isang fastfood restaurant at pagkarating namin sa nasabing condo unit niya ay kaagad niyang inilapag isa-isa ang mga dalang pagkain habang ako ay hindi mapigilan ang mga matang magmasid sa paligid. Malinis ang loob ng silid. Ang interior ay pininturahan ng puti na may kaunting desinyo ng itim na pinta. Binuksan niya lahat ng ilaw kaya nagmistulang umaga sa loob at kitang-kita maging ang pinakasulok nito. Well arranged at well organized ang mga gamit. Walang kalat kahit pa nga sa side table. Tanging lampshade ang makikitang nakapatong doon. Lahat ng aklat niya sa bookshelf ay maayos ang pagkakalagay. Malaki ang space, mayroong sala at kitchen. May maliit na wine cellar sa tabi ng kitchen area kung

