TRANQUIL MEMORIES

2216 Words
TRANQUIL MEMORIES Do not ask me to remember. Don't try to make me understand. Let me rest and know you're with me. Kiss my cheek and hold my hand. I'm confused beyond your concept. I am sad and sick and lost. All I know is that I need you Just remember that I need you That the best of me is gone. Please don't fail to stand beside me, Love me 'till my life is done. "Always be kind, for everyone is fighting a hard battle." - Plato Preview: "Dahil sa dati na nyang sakit na epilepsy ay na apektuhan na ang hippocampus nya, ito yung sinasabi ko sainyo dati na nagkaroon na si Alair ng Hippocampal damage sa brain, ngunit sa naging resulta ng mga test namin ay mukang unti-unti ay naapektuhan na din ang buong hippocampus nya sa brain. At kung ang both sides na ang ma-damage, she may not be able to form new memories." Gulat at takot ang makikita sa mga muka ng kanyang magulang, samantalang napangiti na lamang ito ng mapait. Hindi na lingid sakanyang kaalaman ang sakit na Hippocampal Atrophy, lumiliit yung hippocampus na nagpa-function for memories pero katulad ng sinabi ni Doctor Martinez maari talagang mangyari sakanya iyon. 3AM na pala kaya naman pala antok na antok na sya, natatakot kasi syang matulog kaya naman pinagpatuloy nya na lamang ang ginagawa. Narinig nya kasi noong isang gabi ang pinag uusapan ng kanyang mga magulang at ang family Doctor nila. “Mr. and Mrs. Santiago, tatapatin ko na kayo dahil sa mga nangyari sainyong anak ay maaring magkaroon sya ng memory loss katulad ng dementia or Alzheimer’s disease.” “Paano mangyayari iyon? Masyado pang bata ang anak namin para magkaroon ng Alzheimer’s disease?” tanong ng Papa nya “22 years old na po ang anak nyo, sinasabi ko po na possible syang magkaroon ng ganoong sakit, since bata pa lamang si Alair meron na syang epilepsy at last week lang ay nagkaroon pa sya ng head trauma dahil sa car accident na nangyari buti ay hindi nagkaroon ng whiplash ang anak nyo” napabuntong hininga na lamang ang kanyang Papa. Habang ang Mama nya ay naiiyak sa mga nalaman nya. “Ano ang mangyayari sa unica hija namin?” Mama naman nya ang nagtanong kay Doctor Martinez “Dahil sa dati na nyang sakit na epilepsy ay na apektuhan na ang hippocampus nya, ito yung sinasabi ko sainyo dati na nagkaroon na si Alair ng Hippocampal damage sa brain, ngunit sa naging resulta ng mga test namin ay mukang unti-unti ay naapektuhan na din ang buong hippocampus nya sa brain. At kung ang both sides na ang ma-damage, she may not be able to form new memories.” Gulat at takot ang makikita sa mga muka ng kanyang magulang, samantalang napangiti na lamang ito ng mapait. Hindi na lingid sakanyang kaalaman ang sakit na Hippocampal Atrophy, lumiliit yung hippocampus na nagpa-function for memories pero katulad ng sinabi ni Doctor Martinez maari talagang mangyari sakanya iyon. “Your name is Alair Nadine Santiago. In French your name means, Alair is cheerful and Nadine means hope” sinusulat nya ito sa yellow sticky notes at ididikit sakanyang wall kung saan pag gising nya ay ito na ang una nyang makikita. “Mama – Amira Santiago, Papa – Nathan Santiago” “22 years old, BSPT and now in my first year in Medicine.” Tinuloy tuloy nya pa ang pagsusulat sa sticky notes, ito ang mga importanteng impormasyon na pinaghahandaan nya sa mga susunod pang araw. Aware na din naman sya sa mangyayari sakanya. Sign na pala kung bakit mabilis ito makalimot, niloloko pa nga ito ng mga friends nya sa Med school kasi nga daw short term memory sya. ..... 9AM pa naman ang class nya, dahil puyat ito kaya naman ay masakit ang kanyang ulo. "Mama yung eye glasses ko po nakita nyo?" tanong nito habang nakaupo na sila sa dining area. "Alair nakasabit sa uniform mo" kinapa nya ang bandang leeg at nandoon nga ang salamin nya. Saktong 9am na ito nakarating sa school, hinatid lang sya ng kanyang Papa. Nasa tapat ito ng elevator at pilit na inaalala kung ano ba ang una nyang dapat gawin. "Alair" tawag sakanya ng kaibigan nyang si Macey "Macey, ano nga bang floor tayo?" napakamot si Alair sakanyang ulo "ay nako Alair, makakalimutin ka na talaga sign of aging na yan. Halika na muna mag CR muna tayo kasi nga diba sa Auditorium tayo ngayon at bawal lumabas pag nakapasok na tayo dun." Ganoon nga ang nangyari nag punta ang magkaibigan sa CR bago sila pumasok ng Auditorium. "Go to your respective team, and we will start our ReturnDemonstration." Sabi ni Doctora Sanchez, nakalimutan nyang may exam pala sila ngayon. Kaya naman ay nagpunta ito sa team nila. "Alair, ikaw na ang kumuha ng vital signs, yung Heart Rate and Respiratory Rate wag mo kalimutan" sabi ni Andrea na Team leader. Kinuha nya ang BP app at kumuha din sya ng syringe, pen, mask, gloves. Una nyang kinuha ang syringe. "Alair, bat may dala kang syringe? At talagang may mask at gloves ka pa? Vital signs lang ang kukuhanin mo baka mag failed ang group natin dahil sayo" sabi ni Max, Para naman syang nagising sa nakita na hawak na syringe, hindi nga naman ito kailangan. Buti naman bigla syang natauhan kaya naging maayos ang RetDem ng kanilang group. "Alair, anong tinira mong drugs kagabi at ang lakas ng trip mo kanina sa RetDem?" pang aasar sakanya ni Macey. Nakadama si Alair ng takot sa mga nangyayari sakanya. Hindi nya pinansin si Macey, after ng class ay umuwi na sya sa bahay at agad na tumungo sakanyang kwarto. 3Months Later Mas lalong naging malala ang nangyari sakanya. Kaya nag decide ang parents ni Alair na mag stop muna ito pansamantala, alam nya naman na wala nang cure ang sakit nya. Minsan maayos ang memory ni Alair minsan naman ay wala talaga itong maalala. Katulad ngayon na okay ang memory nya, biglang pumasok sa isip nito ang katanungan na "kung may isang taong palugit para mabuhay, ano ang mga dapat kong gawin?" malaki ang chance na baka sa susunod na araw ay hindi nya na din kilala ang sarili, maaring mamatay na itong katauhan nyang Alair Nadine Santiago at mabubuhay sya ngunit bilang ibang tao na dahil hindi na sya ang dating Alair, makakalimutan nya ang lahat para syang batang muling ipinanganak na walang memories. Isa lang ang nasa isip nya: “Make new memories with my family and friends. Treasure every seconds with them.” Habang nasa sala ng kanilang bahay si Alair, bumisita sakanya si Macey at kasama pa nya ang mga kaibigan. "Hi Alair!" sabay sabay nilang bati. Dala dala ni Alair ang kanyang polaroid camera at scrapbook nya, madaming nakalagay na picture doon at may mga descriptions. Natatandaan nya ang iba sa mga taong naroon. "Ikaw si Andrea diba? Ikaw ang team leader, classmates tayo" sabi ni Alair sa babaeng naka ngiti sakanya, tumango si Andrea sakanya "Hi, baka di mo na ako naaalala ako si Caleb, classmate tayo sa Pharmacology!" kinuha ni Alair ang camera nya at sinabing magpicture sila at ilalagay nya sakanyang scrapbook. "Hi, I'm Denisse, ako naman ang Team leader for medical missions. Welcome ka sumali sa mga missions, since licensed Physical Therapist ka naman daw” napangiti sya sa alok ni Denisse, gustong gusto nya kasi makasali sa mga Medical Missions "Alair mag mall tayo, ipapaalam ka namin kay Tita." Pag aaya ni Macey sakanya, wala syang nagawa dahil pumayag ang kanyang Mama. Pagdating sa Mall, mas dumami ang mga taong sumama sakanila. Ang sabi nila mga volunteers daw iyon sa Medical Missions. Dahil hindi nya ito mga kilala ay kinuhanan nya ng pictures gamit ang polaroid camera nya at inilabas ang scrapbook at pen. Isinulat nito ang mga nakuha nyang information about them. Andy- 25y/o Playboy Doctor Gaile- 24y/o weird doctor Van- 29y/o cardiologist Teo- 22y/o Dork student Med Doctor King- 25y/o Nice guy Lauren- 25y/o King’s lover Naging masaya ang araw na iyon para kay Alair, dahil puro katatawanan ang ginawa nila, lalo na ang pag flirt ni Andy sakanya pero mas natawa sya sa mga kalokohan ni Teo. Sa mga oras na iyon naisip nyang parang nakalimutan nya ang sakit nya. ….. Dumating ang araw ng Medical Missions nila, naka assign sila ni Macey sa registration and for vital signs. Katulad dati dala nya pa rin ang camera at notebook para ilagay ang mga information na nakuha nya. Masaya syang makatulong sa ibang tao at nakagawa pa sya ng panibagong memories kasama ng mga bago nyang kaibigan. “Alair, ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong sakanya ni Caleb dahil napansin nito na namumutla si Alair at nakahawak sakanyang ulo. Nagsilapitan ang mga bagong kaibigan nya at kinuhanan sya ng vital signs at binigyan ng first aid. “Ayos lang ako, pagod lang siguro” pagdadahilan ni Alair, pero alam nya sa sarili nya na dahil iyon sakanyang sakit. Parang nabunutan ng tinik ang mga kasama nya lalo na si Macey. Nagkaroon sila ng mini salu-salo at nagkainan sila, panay panay ang pagkuha ng litrato ni Alair, tuwang tuwa sya dahil sa mga bagong kaibigan na nakilala. Matapos ang nakakapagod na araw na iyon ay excited syang umuwi at inilagay ang mga bagong larawan sakanyang scrapbook. Naglagay sya ng iba’t-ibang designs at mga information kada pictures. New Memories. Ganoon lang ang naging routine ni Alair sa araw-araw, lagi nya dala ang camera, pen and notebook. Regular ang pag papacheck-up at therapy sessions. Masaya sya sa naging buhay nya kahit alam nya na isang araw ay mawawala iyon sakanya, na parang pinatay sya ng kapalaran ngunit wala syang pinagsisisihan dahil marami syang na experience sa mga panahon na iyon at sinigurado nyang nai-document nya lahat yun, kung mawala man ang memory nya at magiging bagong tao na sya atleast nagawa nya ang gusto nya na “Make new memories with my family and friends. Treasure every seconds with them.” …… Isang araw ay nagising si Alair, hinawakan nya ang ulo nya, bakit ang sakit, nasaan ba ako tanong nya sa sarili nya. Idinilat nito ang mga mata nya, nasa loob sya ng isang kwarto bumaling ang ulo nya sa kanan at may mga sticky notes syang nakita sa gilid ng wall ng kwarto. "Your name is Alair Nadine Santiago. In French your name means; Alair is cheerful and Nadine means hope" Binasa nya ang nakita nya sa wall. Ako si Alair? Sabi nya sa sarili. Bakit wala akong maalala, nasaan ba ako ngayon? May nakita syang parang scrapbook sa may side table kinuha nya iyon at binuksan sa unang pahina at may nakalagay na "Hi Alair Nadine! You have a hippocampal atrophy but don't worry you are brave." Pinilit ni Alair na alalahanin ang lahat. Ngunit umiyak sya dahil kahit ano ay wala syang maalala. Nagagalit sya bakit blangko ang memorya nya. Sino ba ako? Tanong nya sa sarili nya. Sumasakit na naman ang ulo nya. Inilipat nya ang sumunod na pahina, nakita nya ang isang larawan ng isang masayang pamilya. “Hi Alair, keep reading I will help you! Don’t be afraid! This is your parents, your Mama Amira and Papa Nathan.” Binasa nya ang nakalagay sa pahina na iyon. Ngunit wala pa din syang matandaan. Inilipat nya sa sunod na pahina. “taken last June 2014, with pretty Macey your bestfriend!” nakita nya doon ang larawan nya daw at ng isang babae na masayang masayang nagtatawanan. Marami syang nakitang larawan ngunit hindi nya maalala ang mga iyon hanggang sa nakarating sya sa pahina na may nakalagay na “A memory is a photograph taken by the heart to make a special moment last forever” nakita nya ang larawan na may nakalagay na pangalan na Caleb, Denisse, Andrea, Andy, Lauren, King, Gaile, Teo, Van, Taken last December 2014, meron ding February 2015. Sa huling pahina may nakalagay na larawan ng magandang babae, napaka ganda ng kanyang ngiti sa isip ni Alair, binasa nya ang nakalagay doon. “Taken last September 2015, you were given this life because you are strong enough to live it. You are strong enough to make it through, I believe in you Alair Nadine Santiago.” “Alair anak! Si Mama ito” nakita nya ang Mama nya daw na pumasok sa kwarto. “M-mama, anong date na po?” kahit nagtataka ang mama nya ay sinagot sya nito. “March 12, 2017 na ngayon Anak, nabasa mo na ba ang scrapbook? Sumunod ka na lang sa baba at kumain na tayo ng breakfast.” Masayang sabi ng kanyang Ina na parang nakasanayan na iyon sabihin ng kanyang Mama. 2017? Isip ni Alair, halos dalawang taon na ang nakaraan sa huling pahina na nakita nya roon. Naguguluhan sya. Dalawang taon na ba syang walang maalala? Nagtungo sya sa loob ng CR nakita nya sa tabi ng salamin ang naka frame na mukang handwritten “I have no regrets about my life. It’s another day Alair, fighting!” napangiti sya sa nabasa nya, sa isip nya nawala man ang dating si Alair, wala man syang maalala kung sino ba talaga sya. Ngunit sigurado syang naging masaya at kuntento ang isang Alair Nadine, sigurado syang nagawa nito ang nabasa nyang katanungan ni Alair noon sakanyang sarili “Make new memories with my family and friends. Treasure every seconds with them.” -END-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD