Ep 02

1574 Words
Eyanne's POV Tuesday ngayun,July 14,2015. Maaga akong nagising. Kinuha ko yung salamin ko at tumayo,kinuha ko agad yung towel ko para makapaligo,pero napaharap ako sa salamin at di ko maiwasang suriin yung sarili ko sa repleksyon ko sa salamin. Yung bilog at malaki kong salamin,yung retainer ko sa ipin,at ang gulo gulo kong brown hair. "Maayos ka namang tingnan ah, saka hindi ka naman mukhang dugyutin na nerd" ani ko sa sarili ko at nagpakawala ng malalim na paghinga. Eh basta eto ako eh! Hindi ko babaguhin sarili ko para magustuhan ng ibang tao. Sinuklay ko ng daliri ko yung magulo at mahaba kong buhok,saka nginitian ang sarili ko. Dumiretso na ako sa banyo at naligo. After ko ay nagbihis na ako ng uniform. Saka ako lumabas ng room ko. Naabutan ko si Aling Eden na nag aayus na ng ulam,wala pang gising na ka-boardmates ko,masyado pa ngang maaga. "Oh Aga mo yata bunso ah? Anu gusto mong ulam?" Si aling Eden,ang nanaynanayan ko. Bunso tawag nya sakin kase sa lahat ng boarders nya ako lang ang senior high at college na lahat. Actually iba ako sa school iba din dito sa boarding,kung sa school loner,tahimik at wala akong kinakausap,dito madaldal ako hehe. "Ah kahit anu na lang po nay,lahat naman ng luto nyo masarap eh" Sagot ko ng nakangiti habang papunta sa table. "Nakuu bolera kang bata ka hehe" hehe totoo naman kase. Pero may ibang purpose ako kaya ko  yun. "Sige dahil dyan may ipagbabalot kita ng baon mo para sa eskwela" ngiting abot langit naman ako sa narinig ko. Hehehe ang saya! Dahil doon ay hindi ko napigilang yakapin si aling eden. Makakatipid ako sa budget ko sa pagkain. "Salamat nay!" Ani ko habang nakayakap. "Wala yun,alam mo namang parang bunsong babaeng anak turing ko sayo kahit binabae ka diba hehe" pang aasar nya. Napa-pout naman ako dun at tinawanan lang ako. Lahat kasi ng anak ni aling Eden ay lalaki,kaya babae bunsong anak turing sakin nun,kase gusto daw nyang magkaanak ng babae. Eh ayun,mukha daw akong batang babaeng kase. After kong kumain at ilagay sa bag ko yung baon ko ay nagpaalam na ako kay Aling Eden para pumasok. Nakadalawang chapter na di pa ako pinakikilala ni writer kaya let me introduce myself haha. I'm Eyanne Delos reyes,17 years old at senior high sa isang sikat at pangmayamang school. I'm gay and I'm proud,but I'm not crossdresser and I don't make up. Androgynous daw ako sabi nila at mukhang babae. Well I respect their opinions. ^_^ Naglalakad ako papuntang abangan ng jeepney nang makaramdam ako ng parang may sumusunod sakin. Hindi ko na lang pinansin baka naghahallucinate lang ako. At saka hello? Sinu ba naman magtatangkang sundan ako? Wew! Malapit na ako sa sakayan ng biglang.. "Awww s**t!" (O.O) Boses ng lalaki..???? Tama ba? ...nilingon ko yung likod ko wala namang tao.. ako lang mag isa naglalakad sa kanto na to. Shit! Wahhhh! Bigla naman ako kinilabutan sa mga pinag iiisip ko. Nabaling ang tingin ko sa isang malaking puno. "Si-sino nandyan?"  Utal kong tanung  habang palapit sa may puno. Konting hakbang pa at.. Isang lalaki ang tumakbo mula rito. Brown na buhok na medyo magulo,nakashorts at nakajersey na may tatak na... Villabroza? O.o ... Si Dice? Sinusundan ako? Pero bakit naman nya gagawin yun? Ang ubod yabang at over confident at gwapong si Dice Villabroza susundan ang nerd na beki?. That's impossible... Saka sya lang ba villabroza dito sa buong Quezon City? .. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad at sumakay ng jeep. - SA SCHOOL Tahimik akong nagbabasa ng favorite novel book ko na Bridge to Terabithia sa upuan ko ng bigla akong nakaramdam na parang may tumama sa ulo ko. Tungunu! Sinu bumato sakin?! Nilingon ko yung likod ko para malamn kung sinung human like protist ang bumato sakin. Lahat sila abala sa chikahan,soundtrip,COC pero mukhang alam ko na kung sinu,tiningnan ko si Ashley and boom! Tama ako! Ang maganda at maldita pero walang utak ma babaeng si ashley,nakatingin ito sakin habang nakataa ang isang kilay at nakacrossed arms,may tinuro sya sa bandang paanan ko saka nya ako inirapan. Grabe! Lakas maka-kontrabida sa teleserye ng peg ng merlat na ititchiwa! Tiningnan ko yung itinuro nya. Nakalmukos na papel. Tss ang tamad talaga nito,pwede namang paper plane or butterfly na origami o kaya rose tapos pinaabot nya nalang para personalized hindi yung ilalamukos nya yung papel tapos ibabato,ang cheap kaya! Hays Binuklat ko ito at binasa.. Hoy panget! Pag tumabi sayo si Dice mamaya wag mong kakausapin or papansinin or else ,I'll wreck your face! Pretty Ashley XOXO Luh? I'll wreck your neck yun ah? Ayyt bopols talaga. Saka as if namang may kinausap or pinansin ako sa kanila except pag kumokopya sila or may recitation. Doon lang. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nang biglang dumating ang magugulong sila Dice at ang barkada nya. Halatang kinikilig naman ang makakati kong classmates na girls. Hindi ko na sila pinansin at nagfocus ako sa pagbabasa. Naramdaman ko na may naglapag ng bag sa upuan sa tabi ko at may umupo. Kita ko sa peripheral vision ko na so Dice yun pero di ko sya nililingon. Tinititigan nya lang ako. Pero ayoko pa-distract. Mamaya sabihin nyan nagagwapuhan ako sa kanya. "Hoy nerd! Bakit ba hindi ka nagsasalita?" Tanung nya. Wapakels kung ayaw ko. At saka hindi nerd pangalan ko! Sarap bigwasan nito. Nagtengang kawali lang ako at patuloy sa pagbabasa. Maya-maya ay hininiga nya yung ulo nya sa desk ,ginawa nyang unan yung kamay nya at nakatingin pa din sakin. Hindi sya nakuntento at nag face dance pa sya sa harap ko. Gustong gusto kong tumawa that time pero pinipigil ko. Bakit nya ba ginagawa to? Bakit nya ako kinukulit? Tumigil sya at biglang inagawa yung book ma binabasa ko. Nabigla ako sa ginawa nya, "Pabasa nga,tungkol saan ba tong bridge to chu chu na to?" Sya at binasa nya yung synopsis sa back page nito. Inagaw ko naman sa kanya yung book ko. Anu ba problema nito? Walang mapagtripan kaya sakin binabaling ang kaburyungan nya? Saka di naman nya ginagawa dati to ah? Kaklase ko sya mula grade 10 hanggang ngayung senior high pero ngayun nya lang ako kinulit ng ganito? Ano problema mo Dice!? "Ay grabe! Ang bastos ah!" Sya ay inagaw ulit sakin yung book. Wow! As in wow na wow! Ako pa bastos sa aming dalawa? Grabe! Pumikit ako at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko saka ko sya tiningnan ng masama. Sinubukan kong agawin sa kanya yung book pero naiiwas nya ito sa akin. Mas nadagdagan ang inis ko,kumunot lalo yung noo ko. "Hindi ko ito ibibigay kung magsasalita ka " aniya at nakangiting demonyo. Argh! Bakit mo ginagawa mo Dice? Anu  mo? Gusto mo talaga akong ba trip mabugbog ng mga freaky fans mo kaya gusto mo kong kausapin ka. Kainis! Bahala ka dyan! Makukuha ko din naman yan. Inalis ko yung tingin sa kanya at tumingin sa bintana. "Bakit ba kase ayaw mong magsalita? Siguro bad breath ka ? " bahala ka sa buhay mo. Kausapin mo lelang mo! Bwisit kang lalaki ka. Nakita kong nilapag nya yung book at tiningnan ako. Yes! Pagkakataon ko na. Sinubukan kong agawin yun pero napigilan nya yung kamay ko. "Ooops! Kala mo ah! Magsalita ka muma bago ko ito ibigay." Sya at kinindatan ako. Pikon na talaga ako I swear! Di ko na kaya! "Dice pwede ba! Wala akong time sa pangti-trip mo sakin!" Inis kong sagot sa kanya. Halata namang ikinagulat nya yun. Napatingin ako kay Ashley at I'm right,ang sama ng tingin sakin. Napalingon din si Dice sa tinitignan ko. Napayuko nalang ako kase alam ko na mangyayari mamaya. Kinuha ko yung book ko sa desk ni Dice at nilagay sa loob ng bag ko.Napalitan yung inis ko ng takot na pwedeng mangyari mamaya paglabas ko ng room na ito. Pansin kong nakatingin sakin si Dice. Yung tingin nya may halong pagtataka at parang nagtatanung ng bakit? Tss ..badtrip ka talaga Dice! Nanatili akong nakayuko at patay malisya sa mga tingin ni Dice hanggang sa dumating ang Teacher namin. Nagsimula na syang magdiscuss. Ako naman naglabas ng ballpen at notebook para kopyahin yung sinusulat ni ma'am. Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Iniisip ko yung mangyayari mamaya. Tss kainis. "Okay class dismissed, Mr.Delos reyes follow me at the principals office." Si ma'am. Ako? Sa principal's office? Bakit? Tengene! Kamalas malasang araw naman oh? Ahuhu. Baka naman tatanggalan na ako ng scholarship? Pero imposible,wala pa akong subject na nai-bagsak? Sinundan ko lang si ma'am, ilang lakad pa ay narating na namin ang office ng principal. "Pumasok ka na" utos sakin ni ma'am. At sinunod ko naman. Tuluyan na akong pumasok at dumoble kaba ko dahil sa lamig ng aircon. "Umupo ka mr.Delos reyes." Anyaya ni Sir Principal. "Sir tatanggalan nyo po ba ako ng scholarship? Pero diba wala naman po akong naibagsak na kahit anung sub-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Sir. "Wait Mr.delos reyes,this is not about your scholarship,maayos ang lagay ng scholarship mo and you're still the number 1 in ranking in seniors." Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ko iyon. Eh kung ganun? Bakit ako pinatawag? "Eh ba-bakit nyo po ako pinatawag sir?" Tanung ko at inayos sandali yung salamin ko at hinawi ng konti yung buhok ko na humaharang sa mata ko. "Kilala mo naman siguro ang mga Villabroza Mr.delos reyes?" Tanung ni sir sa akin. "Opo,one of the donor of our school po at panglima sa pinakamayamang pamilya sa pilipinas." Sagot ko. "Yes and they want me to find tutor for their son,and because ikaw ang pinakamatalino sa inyong mga seniors ikaw ang napili ko para itutor ang anak nila." Sagot ni sir na ikinagulat ko. Teka? Ako tutor? Villabroza? Okay. Pero imposible namang si Dice ang tinutukoy ni sir na child diba? Kasr kung sya waaah! Di pwede! "Ah eh.. anung grade na po ba yung bats?" Tanung ko. Sir sabihin nyo hindi si Dice. Parang awa nyo na...sir.. "Actually he's studying here,I'm sure you know him.. . . . . . . . . . . . . . . Si Dice Villabroza.. You will be the tutor of Mr.Dice Villabroza" O.o
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD