"I'm sorry Miss Nathalie but you're fired!" Ito 'yong mga salitang dumurog talaga sa puso ko. Gusto ko magmakaawa, na sana bigyan pa ako ng pagkakataon pero nasa rules and regulation 'to ng kompanya na kapag hindi ka mentally okay ang physically fine hindi ka puwede magtrabaho sa kompanya na 'to. Kahit masakit tumango ako sabay pilit na ngumiti, "n-naiintindihan ko po." nauutal na saad ko dahil sa napipiyok ako. "Get well soon iha," saad nito sabay tumalikod na. Napaupo na lang ako sa sobrang sakit, pati sa trabaho ko nakakaapekto na ang sakit ko. Dahil dito nawalan na ako ng trabaho. Pilit kong pinapatahan ang aking sarili tinatakpan ang aking bibig kapag napapalakas ang paghagulgol ko. "Maam," naaawang saad ni Cheena sabay nilapitan ako't niyakap. "I am no longer your Maam, Cheena.

