Troye's POV
It was a rainy evening when I decided to go a known coffee shop in the city, and I saw a pretty girl trying to calm herself. I don't know if what I'm thinking but I come over to ask if how is she, but I think I made a bad decision cause she get mad at me and I don't even know why. Hello, I'm just a concern citizen here.
Pero it made me smile, ang dali niya kasi mapikon at ang ganda niya kapag nagagalit. High blood yata siya at ang init-init ng ulo niya sa akin. Nang magw-walk out na sana siya, naiwan niya 'yong notebook na parang mini-journal and accidentally nabasa ko ang nakasulat doon and it really touches my heart. She's sick.
Nagmukha akong stalker sa ginawa ko, I silently followed her to make sure that she'll be home safe and sound. Napakunot ang noo ko, she's living in apartment, wala na ba siyang pamilya? Tuluyan na akong umalis nang hindi ko na siya matanaw.
I'm so curious about her, I'll make sure that this is not our last encounter. 'Til we meet again, stranger.
Then suddenly while I'm on my walk in a park, I saw a familiar face again. The girl in the coffee shop, she didn't even listen when I called her "girl in the coffee shop" and It leaves me no choice so I grab that opportunity to introduce myself to her and yes I received a shout again from here pero this time worth it na siya. "Nathalie Rouse" is the name, and wow her name is so cool.
I was so touch too, she really have a kind heart and she shares her blessing to the street children. Despite of her madness she really hide a good heart.
Tapos bigla akong nagulat nang biglang nanginig ang kamay niya at nagpaalam, mabilis itong tumakbo papasok sa kotse niya. Naalala ko, she's sick. Dali-dali ko siyang sinundan sa sasakyan para sana ipagmaneho siya pero nang makapasok ako bigla niya akong sinigawan. I know she's not really okay, nagpapanic na kasi siya at nakikita ko ang pagaalala sa mga mata niya.
Then her next move rocked my world.
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon, ayaw ko naman siyang mapahiya kaya tinugon ko 'yon. Sa totoo lang, unang kita pa lang namin o unang kita ko pa lang sa kan'ya ewan ko ba pero parang gusto ko na siyang makita lagi. I will grab this opportunity, 'di ko rin naman siya papabayaan if ever na magbunga 'to.
Pero ang akala kong matutuloy, naudlot...
Bigla siyang umalis sa pagkakapatong sa akin at nagsisigaw, hindi ko talaga alam pero ang weird ng mga kinikilos niya. Nagaalala ako sa kinikilos niya, gusto ko sana siyang i-comfort pero siya ang tumutulak sa akin palayo. Agad kong tinungo ang aking sasakyan at sinundan siya...
Psychiatrist? Ano kaya ang problema niya, depress ba siya, pero good thing nang mabasa ko ang pangalan ng psychiatrist na pinupuntahan niya. It's Catherina Hoel, one of my classmate when I was in college. It would be easy, ngayon matutugma-tugma ko na ang mga pangyayari, pero kailangan ko pa ng mga karagdagang impormasyon.
Nagulantang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone noong pabalik na ako sa bahay.
"Tomorrow is your schedule on having a meeting with EFG Company, Cheena Salazar is the name of the secretary of Miss Nathalie Rouse ito 'yong number niya 09875643190 just call her tomorrow the moment you arrived in their company." Saad ni Jone na secretary ko.
"W-wait, Nathalie Rouse?" Paglilinaw ko.
"Yes Sir, are you familiar with her?" Tanong nito.
"Not totally but her name is quite familiar," pagrarason ko. Malay ko ba, baka magkapangalan lang sila.
"Gano'n po ba? Sige po Sir, Ingat." Saad nito at binaba ko na ang tawag.
If the Nathalie he's talking about and the Nathalie I know is just one person, then it would be a great advantage. Napangiti ako sa ideyang 'yon, kahit pa magalit siya sa akin I will make sure na mapapalapit ako sa kan'ya.
This morning I got the answer. Iisa ang Nathalie na sinabi ni Jone at ang Nathalie na kilala ko, araw-araw mas lalo siyang gumaganda. Ang lakas ng s*x appeal niya, but she look so mad nang makita niya ako and at the same time nagulat. Hindi ko rin in-expect na siya ang makaka-meeting ko. As usual, tinarayan niya na naman ako, I was shocked again... Magkakilala sila ni Zachaos Turner, isa siya sa mga kasamahan ko sa stock market industry.
"W-wow, you've changed a lot Nat-nat!" Masiglang saad ni Zach at nakipagbeso-beso kay Nathalie, napakunot ang noo ko sa tinuran nito so ibig sabihin matagal na talaga silang magkakilala?
"You too, Zachyy!" Saad pa nito na para bang sila lang ang tao na nandito sa opisina.
"Should I call you Zachy or Mr. Turner for formality?" Biro pa nito kay Zachaos, Ito 'yong unang beses ko na masilayan ang ngiti ni Nathalie. Why you look so sweet when you're smiling Nat?
"Ehem!" Tikhim ko, para matigil na sila kasi anong akala nila reunion? Psh.
"Oh, I forgot nandiyan ka pala! Go on Nat-nat, explain us everything and I'll wait for your out para naman makapag-usap tayo. It's been a while too." Saad naman ni Zachaos at umupo na.
Tumango lang si Nat at tinignan ako ng masama, napangisi ako sa ginawa nito. Ang galing-galing ko talaga, ang bilis niyang mapikon sa akin.
She started to show us her power point presentation, she explained us how our stocks doing and how our company struggling in minor problems and our little amount of investment is badly needed. Kami kasi ang mga holder ng malalaking stocks ng company so they really need our support.
Halos one hour niya itong in-explain, good thing kasi natititigan ko siya ng matagal. Si Cheena naman, abala sa pagbibigay ng kape sa amin at pagbibigay ng mga copies sa bawat slides na in-explain ni Nathalie.
Maya-maya pa, nang nasa ending na banda si Nat bigla siyang tumigil at agad na tinago ang kamay niyang nanginginig sa likuran niya. Akala niya walang nakapansin, pero nakita ko 'yon.
Dali-dali niyang pinaliwanag ang huling parte nito.
"E-Excuse me, I badly need to go to comfort room..." Nauutal na saad nito, pero bigla siyang pinigilan ni Zachaos.
"Puwede bang mamaya na lang, may sasabihin pa ako e." Malanding saad nito.
Nagsalubong ang aking kilay sa ginawa nito, I can see that Nathalie is trying to hide her hands that shaking.
"Puwede bang mamaya na lang Zach? Kailangan ko na talaga lumabas," Saad nito sa mahinang boses.
"Please?" Pagpapacute pa ni Zach.
Naalala ko 'yong sa parking lot, ganitong eksena 'yon nang pigilan ko siya na huwag muna umalis tapos bigla siyang naging aggressive.
"Zachaos, let her go!" Saad ko gamit ang ma-awtoridad kong boses.
"Fine!" Saad nito sabay nagkibit-balikat.
Tinignan lang ako ni Nathalie at dali-daling lumabas.
"Stay here!" Utos ko rito at dali-daling sinundan si Nathalie sa opisina niya.
Aligaga itong hinahalungkat ang bag niya, parang may hinahanap. Agad ko namang ni-lock ang pinto ng opisina niya.
"Let me help you," saad ko na ikinagulat niya.
"Please find my meds, I'll stay in the comfort room. Just knock it, kapag nakita mo na at i-abot mo sa akin 'yong water. Please." Nanghihinang saad nito.
Tumango naman ako at dali-daling hinalungkat ang bag niya, and I found an unfamiliar bottle of pills. I guess ito na, kumuha ako ng isang piraso at kinatok ang pinto ng banyo sabay inabot ang baso at tableta.
Agad niya namang sinara ang pinto, "Nathalie don't forget to inhale and exhale properly," pagpapaalala ko sa kan'ya.
Huminga ako nang malalim sabay pumikit, I need to know what disease or illness she has... Para kasing malala e.