Hailey's Pov:
Nagising ako at tumingin sa paligid ko madilim na pala masyado ata napahaba yung pag idlip ko
Nagulat ako nung nakita ko na lumabas sa isang pinto si Dark na tanging towel lang ang saplot na nakapulot sa beywang nito
"Ahhhh! Ano ba Dark magbihis ka nga!" Ako
"What? kalalabas ko lang at isa pa masanay ka na mag asawa na tayo" Dark
" Tseee! tumigil ka nga! magbihis ka naaa!
" AHAHAHA!" Rinig kong tawa niya at para akong nanigas nung makita ko na naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko
"Tumigil ka Dark baka patulan kita sige!" Kaya naman tumayo ako at lumapit sakanya
Nakita ko naman na namula ang tenga at pisngi nya
"Pffft! Hahaha! Weak ka pala ee akala mo papatalo ako sayo?" Sabi ko sabay smirk at dumiretso sa pinto palabas
AHAHAHAHA! Nakakatawa yung mukha niya mukha siyang natatae nung lumapit ako
Susss alam ko naman mahiyain siya pagdating saakin dahil ilag siya kasi under age pa daw ako
Dumiretso ako sa kusina para kumain nakakagutom kaya
Nag bow ang mga katulog kaya nag bow din ako hehehe medyo shy pa kasi ako
"Miss ano po ang gusto niyo na kainin?" Tanong nung isang maid
"Hmmm kahit ano lang po na nakahain jan hindi naman ho ako maarte sa pagkain" Sabi ko at ngumiti
Pumunta nalang ako sa Dining table at pumili kung ano ang makakain doon
Napakaki nitong bahay feeling ko buhira lang ata talaga sila magkita kita dito
Hmmmm sige mamaya na muna ako dadaldal kakain muna ako dito
Dark's Pov:
Grabe sobrag nag init yung mukha ko sa ginawa ni Hailey
Sa totoo lang sobra na yung pagpipigil ko sakanya pero kailangan ko parin siya irepespeto
Gusto ko matupad niya yung mga pangarap sa sarili niya lalo na sobrang bata pa talaga siya para sa buhay may asawa
Bukod sa may batas na sinusunod tayo ayoko rin madungisan yung moralidad nya bilang babae kaya hangga't maari hihintayin ko yung tamang panahon na makabuo kami ng sarili naming pamilya
Sa ngayon pwede naman namin enjoyin ang pagsasama namin na parang mag boyfriend at girlfriend lang like getting to know each other stage
Nagbihis na ako at bumaba na rin para samahan si Hailey alam ko na kakain siya wala naman siya ibang iniisip kundi pagkain lang
Papunta na sana ako sa kusina pero nakita ko si Hailey na naglalakad patungo sa direksyon ng garden kaya doon na rin ako dumiretso
Nakita ko siya na umupo sa isang bench at tumigi. sa langit
Tumabi ako sa kanya at tumingala rin
" Hinahanap mo ba yung ate mo jan?" Tanong ko sakanya
" Oo sobrang miss ko na siya hindi ko manlang siya nakasama bago siya mawala" Hailey
" Kaya dapat matuto ka rin protektahan yung sarili mo dahil sobra yung pag protekta niya sayo" Sabi ko
" Alam ko naman yun Dark kaya nga lahat kahilingan niya tutuparin ko para pasasalamat manlang sa ginawa niya para saakin" Hailey
" Sana naiintindihan mo rin ako pwede naman tayo mag umpisa sa simula at kilalanin ang isa't isa hindi natin kailangan magmadali marami tayong panahon" Sabi ko sakanya
" Naiintindihan ko naman Dark" Ngiting sabi niya saakin
" Gusto ko sana makapagtapos ka muna ng pag aaral mo at malaman mo kung ano yung pangarap at gusto kong gawin sa buhay mo nandito lang ako para suportahan ka" Saad ko
" Maraming salamat Dark " naluluhang sabi niya kaya niyakap ko siya
" Tara na at lumalalim na yung gabi magpahinga na tayo maaga pa tayo bukas pupunta ng school mo para magpa enroll" Sabi ko sakanya na siya naman ikina ngiti niya
" Talaga Dark? Yeheeey! excited na ako!" Sabi niya
Kaya nagtungo na kaming dalawa sa kwarto namin
Medyo awkward dahil magkatabi kami matulog at mahirap para saakin yun bilang lalaki
Bahala na pipikit lang ako hanggang makatulog
Oo tama makakatulog na lang ako
Hailey's Pov:
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko
Ano ba yan inaantok pa akooo!
Tumingin ako sa tabi ko pero wala na si Dark
Kaya naman bumangon na ako at bumaba baka nasa Dining area na sya
Dumiretso ako sa Dining area at nakita ko siya doon na nakaupo at nagkakape
"Good morning!" Bati ko sakanya pero wala lang siyang imik
Balik Mamaw mode nanaman siya
Napansin ko naman ang eyebags nya
" Akala ko sabay lang tayo natulog Dark bakit parang puyat ka?" Tanong ko at bigla siyang nasamid kaya inabutan ko siya ng tubig
" Hurry up aalis na tayo" Yun lang ang sinabi niya
Tssss! suplado naman!
Dali dali akong kumain at nag ayos baka iwanan pa ako ng Mamaw na yun kainis!
Nandito na kami ngayon sa sasakyan
Kung nasa contest lang siguro kami ng patahimikan malamang paulit ulit kaming mananalo
Grabe bilib na talaga ako sa lalaking ito wala manlang talagang imik sakin
Pasabi sabi pa siya kagabi na pwede naman kami mag simula sa umpisa tsss
"We're here" Rinig kong sabi nya
"Oooookaaaay!" Sabi ko at padabog na lumabas ng kotse
Nakakainis naman kasi talaga hindi ko maintindihan yung topak nitong lalaki na ito
Pumunta kami sa Admin office at inexplain sakin ng staff doon yung mga gagawin ko at mga kailangan ko at pwede na raw ako pumasok bukas
At si Dark? ayun naka upo lang haaaays parang wala naman pakialam itong isa na ito
So ayun tapos na kami dito sa school kaya ginutom na ako
"Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Dark sakin
Wow! marunong pa pala magsalita tooo!
" Uhmmm sa Jollibee na lang" Sabi ko
"Okay" Dark
Woaaah akala ko katulad siya ng iba jan na pagbabawalan yung babae na kumain sa ganung fast food dahil hindi healthy
Ganun kasi nababasa ko sa mga w*****d ee Hahaha!
Ayun natapos nanaman yung araw namin na ganun lang
Gabi nanaman haaays medyo kinakabahan na excited ako para bukas
Napansin ko naman na hanggang ngayon wala pa si Dark dito sa kwarto nasaan nanaman kaya yun?
*Tok tok tok* Narinig kong katok mula sa pinto ng aming kwarto
Tumayo ako at tumungo sa pinto
" Magandang gabi po Miss" Sabi nung isang maid dito sa Mansyon
" Uhm yes po?" Tanong ko sakanya
" Pinapasabi po ng Lord na meron daw po siyang importante na inaasikaso kaya sa Headquarters po siya magpapalipas ng gabi"
Sabi ng maid
" Ahhh sige po thankyou!" Sabi ko nalang sakanya at bumalik na sa kama
Haaaays pwede naman sya ang magsabi sakin meron din namang cellphone bakit kailangan ibang tao pa
Sige itutulog ko nalang to goodnight sainyo!
Dark's Pov:
Sobrang nahiya ako kanina nung tanungin ako ni Hailey kung nagpuyat ba ako
Dahil ang totoo wala akong tulog sa pagpipigil ko habang katabi ko siya sa kama
Kaya hindi ko siya masyadong kinakausap dahil sobrang nahihiya talaga ako pag nalaman niya kung bakit ganun yung itsura ko
Nandito ako ngayon sa Headquarters kailangan ata talaga muna na hindi kami magsama sa iisa g kwarto at kama dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko
"Kuyaaaaaa!" Sigaw ni Ash
"Ano ba Ash para ka nanamang bata!" Sabi Ko
" Nakahanap na kami ng bodyguard ni Hailey" Ash
Bukas ay magsisimula na siyang pumasok kahit na hindi alam ng kalaban ang itsura niya mas maigi na rin na lagi kaming handa at may magprotekta sakanya
" Nasaan siya? Papasukin mo dito" Utos ko
Ilang sandali lang ay iniluwa nito ang isang binata na may napakaamong mukha
Teka parang may kakaiba sakanya?
" Maganda gabi po Lord! I'm Timothy 21 yrs." Pagpapakilala niya
Hmmm parang may iba talaga sakanya pati pananalita niya masyado siyang malambot kaya niya ba talaga protektahan si Hailey?
"Kaya mo bang protektahan ang asawa ko?" Tanong ko sakanya
"Ye-yes Lord! bakit po?" Tanong niya
" Kung hindi mo mamasamain pwede ko ba tanungin kung straight na lalaki ka or gay?" Tanong ko na kinabigla niya at bigla siyang inubo
" Lord kahit ano pa man po ang kasarian ko sumumpa po ako sa tungkulin ko at sisiguraduhin ko po ang kaligtasan ng Asawa niyo" Bigla niyang tinigasan ang pananalita niya
Hmmm mukha naman siya mapagkakatiwalaan at sigurado ako na magkakasundo sila ni Hailey
" Sige simula bukas ikaw ang maghahatid sundo kay hailey at papasok ka rin sa lahat ng klase niya" Sabi ko sakanya
" Masusunod po Lord!" Sagot nya saakin
Tumago na lang ako at lumabas na siya
Gusto ko na muna magpahinga at matulog ng maayos dahil wala talaga akong tulog kagabi pa