Chapter 5

1785 Words
ANDREA Lumalalim na ang gabi ngunit hindi parin sila natigil sa pagkukwentuhan. Napag-alaman kong minsan lang pala si Aidan dito dumalaw kaya siguro ngayon sinusulit na nila. At ang lalaki naman na ito ay hindi naalis ang pagkakayakap sa baywang ko at paghawak sa kamay ko.  "I'm sleepy na." Biglang sabi ni ate Aileen saka naghikab. "Oh siya matulog na tayo, ay! oo nga pala Aidan and Andrea dito na rin kayo matulog at gabing-gabi na din." Sabi ng Daddy ni Aidan bago ito tumayo sa kinauupuan. T-teka ano daw dito matutulog? totoo?! Bigla akong napahawak ng mahigpit sa kamay ni Aidan. Nilingon naman ako nito at bumulong sakin. "Bitawan mo kamay ko." Matigas na bulong niya sakin sabay . "P-Pero dito daw matutulog? So tabi tayo?" Bulong ko din sa kaniya. Habang hindi ko parin binibitawan kamay niya. Tumingin ito sakin, siya naman ang humigpit ang hawak sa kamay ko. Parang madudurog na ang mga buto ko sa kamay sa pagkakahawak niya dito. Lumapit ulit ang bibig niya sa tainga ko at saka bumulong. "Wag ka nang mag inarte na parang ikaw pa lugi kapag nakatabi ko." Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. Napahawak na lamang ako sa nasaktan kong kamay. Gusto kong umiyak. Wala pang taong gumanito sakin. Pinigilan ko nalang ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Nasa harap ko pa ang kapatid niya at lalong nasa harapan ko siya ayokong mag mukha akong kawawa. Nagpaalam na si ate Aileen na matutulog na tumayo narin siya at sumunod na din ako sa kaniya. Nakarating kami sa isang kwarto, binuksan niya ito at pumasok kami sa loob sinarado ko ang pintuan.  Tumigil siya at humarap sakin. "Kung gusto mo mag palit ng pantulog kumuha ka nalang dun sa walk-in closet. Bahala ka na kung ano doon." Sabi niya saka pumasok sa banyo. Napabuntong hininga nalang ako saka kumuha ng PJ's at T-shirt niya para pamalit. Habang hinihintay ko siyang matapos, naupo ako sa kama. Ngayon lang ako matutulog na may katabi at lalaki pa. Asawa mo siya malamang magtatabi at magtatabi kayo. Patuloy lang ako sa pagkausap sa sarili ko ng bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Aidan doon na naka tapis lang ang kaniyang baba, tumutulo pa ang kaniyang buhok. Napababa ang tingin ko sa kaniyang dibdib hanggang sa abs niya. "Enjoying the view?" Napatingin ako kay Aidan ng magsalita ito at nakangisi pa ito saakin. Nag-iwas agad ako ng tingin. "Ahm, maghihilamos na ako." Sabi ko saka nagmadaling naglakad patungo sa banyo nabangga ko pa siya sa kamamadali ko. Pagkasarado ko sa pinto ng banyo ay napasandal ako dito. Tinampal ko ang noo ko. "Kahit kailan ka talaga Andrea."  Nang matapos akong maligo ng katawan ay lumabas na ako ng banyo, naabutan ko si Aidan na nakahiga sa kabilang gilid ng kama may binabasang libro.  "Matulog ka na, sigurado ako mag-aaya si mommy na kung saan dahil minsan lang ako bumisita dito." sabi niya habang ang mga mata ay nakatuon parin sa binabasa niya. Tumango ako. "Ahh, s-saan ako matutulog?" Kinakabahang tanong ko. Binaba nito ang librong hawak niya saka tumingin sakin."If you want to sleep on the floor , pwede rin." uyam na sabi niya. "Alam mo wag ka na mag-inarte tumabi ka na dito at matulog ka na."  Nag-init naman ang ulo ko sa kaniya. "Bakit ba ganyan yang ugali mo? Alam mo ba hanggang ngayon hindi ko parin makuha yang lohika mo kung bakit mo ako hinila at basta nalang pinakasalan tapos ngayon ganito trato mo sakin?! Aba hoy! Mahirap ako pero hindi ko pinatatapakan ang dignidad na meron ako!" Sabi ko saka kumuha ng unan sa kama at hinila ang isang kumot na nasaibabaw ng kumporter naglakad ako patungo sa maliit na sofa. Sira ulo pala siya, ni minsan hindi ako nagpaapi sa kung sino lang. Turo sakin ng papa ko matutu akong lumaban lalo na kung wala siya para ipagtanggol ako. Nahiga ako sa sofa saka nagtalukbong ng kumot. Maya-maya may humila sa kumot na nakatalukbong sakin at saka ako umangat.  Binuhat ako ni Aidan patungo sa kama inilapag niya ako doon. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? sinabi ko ng matulog ka na diba?" Salubong ang mga kilay na sabi niya.  Bumangon naman ako sa kama saka siya tinaasan ng kilay. "Alam mo ikaw? May sapak ka." Tinalikuran ko siya saka nahiga sa kabilang gilid ng kama. Nagkaasawa yata ako ng bipolar. Naramdaman kong lumundo ang kama nahiga siya sa tabi ko. Napabuntong hininga ako, mauubos yata ang lahat ng tapang na inipon ko mula pagkabata ko.  TOTOO nga ang sinabi ni Aidan na susulitin ng mga magulang niya ang pagpunta niya sa mansiyon ng mga ito. Nagyaya silang mag beach kaya ngayon ay nandito kami sa Zambales. Nasa kwarto ako ng hotel na tinutuluyan namin lumabas si Aidan para puntahan ang daddy niya hanggang dito trabaho parin. Pagkagising sa umaga trabaho pati bakasyon trabaho. Sandali, naalala ko lang kaninang umaga pagkagising. Ako ang nauna magising saming dalawa syempre pinagmasdan ko muna ang mukha ng magaling kong asawa. Ayun naabutan akong nakatitig sa mukha niya. Grabe sabihan ba naman akong pinagpapantasyahan ko na naman daw siya. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. "Hindi ka pa ba tapos diyan hinahanap ka na ni Aileen." Boses iyon ni Aidan. Humarap ako sa kaniya. "Tapos na."  "Bumaba ka na." Sabi niya saka ako tinalikuran ulit. Abnormal talaga. Nagkakasayahan na ang lahat, malalim na rin ang gabi nag-paalam na ang mga magulang ni Aidan na magpapahinga na sila kaya kami nalang nila Ate Aileen, kuya Gave na pinsan nila Aidan kasama ang nobya nito at dalawang kaibigan ni ate Aileen na magkarelasyon din. "Bro, hindi namin alam na nagpakasal ka na pala after your break up with Penelope." Sabi ni Jayce."Sabagay di hamak na mas mabait naman si Andrea than Penelope." Dagdag pa nito. Penelope? Walang nabanggit si Aiden sakin na ganoong pangalan.  Tumingin ako kay ate Aileen na nasa harapan ko. Kahit may apoy na nakapagitan sa gitna namin kita ko parin ang pagtitig niya sakin at ang sinasabi ng mga tingin niya. Nginitian ko lang siya ng tipid. Ayun pala ang tinutukoy ni Aidan na hindi niya ako gusto talagang pakasalan kailangan niya lang ako. "Shut the f**k up bro. Penelope and I broke up years ago bago ko pakasalan ang asawa ko. Kaya kung ayaw mong bangasan kita tumahimik ka." Galit na sabi ni Aidan. "Aidan..." Saway sa kaniya ni Ate Aileen. Inirapan niya lang ito sabay ininom ang beer na hawak niya.  "Wag ka masyadong pikon bro, sinabi ko lang at mukhang mahal mo nga asawa mo kaya nga di mo man lang madikitan." Nakangising sabi ni Jayce. Napakuyom ang kamao ni Aiden. "You really don't know how to shut up, do you? Ano bang problema mo samin ng asawa ko ha?"  "Mukha naman kasing rebound mo lang asawa mo. Kilala kita Aiden, alam nating lahat na simula high school kahit iba iba girlfriend mo si Penelope lang sineryoso mo." Seryosong sabi ni Jayce. Tumingin ito sakin saka tumayo at naglakad palayo. Tumayo din ang nobya nitong si Monique at sinundan siya.  "Let's go Andrea matulog na tayo."Sabi nito sakin saka tumayo, kaya tumayo narin ako. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Alam niyo na may asawa na ako, kaya wag na wag niyo nang uungkatin ang mga bagay bagay na matagal ng nakabaon. Naiintindihan niyo?" Hindi na niya hinintay ang sagot nila hinila na niya ako patungo sa hotel.  "How's your sleep Hija?"Tanong ng daddy ni Aidan. Nag aagahan kami ngayon sa restaurant ng Hotel kung saan kami nag check in. Ngumiti ako dito. "Mabuti naman po."  Tumingin ako kay Aidan. Tahimik lang siyang kumakain ng agahan niya. Pagkapasok kasi namin sa kwarto kagabi ay dumiretso siya sa banyo at naligo. Pagkatapos naman niya ay tuloy tuloy na siya sa kama at natulog. Hindi na siya kumibo hanggang sa paggising namin tahimik na siya. Sinabi naman ni Ate Aileen na umuwi na daw sila Jayce at Monique. Ewan ko ba nag-away ba sila dahil sakin? Wala naman ako maintindihan sa mga pinag sasabi nila, di nga ako makarelate. Hindi naman ako asumera pero diba parang dun nagsimula usapan kagabi? ay ewan bahala sila. "Son, bakit hindi kayo maglakad-lakad ni Andrea para naman malibot niya dito?" Sabi ng daddy niya. Tumango naman si Aidan. Tumingin sakin ang tatay niya nginitian ko nalang ito. Naglakad-lakad kami ni Aiden sa tabi ng dagat kanina pa kami dito naglalakad pero wala namang nagsasalita.  "Pwede bang umupo muna tayo sandali? Sumasakit na paa ko eh." Sabi ko sa kaniya. "Diba sanay kang nakatayo sa trabaho mo? Bakit naglalakad ka lang ngayon sumakit na paa mo?" May pagkauyam na tanong nito. Inirapan ko lang siya, naupo ako sa buhangin. Hindi naman masyadong mainit sakto lang. Umupo rin siya sa tabi ko. Tumingin ako sa kaniya a nakatingin naman siya sa dagat.  "Alam mo ba pangarap ko maipasyal si papa sa ganito kaso alam mo namanmahirap lang kami hindi sapat ang pera namin." Pagbubukas ko ng usapan. "Edi ipasyal mo siya dito. Pinabuksan kita ng bank account gamitin mo yun." Sabi niya. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Tumingin siya sakin na nakasalubong ang mga kilay. "What so funny?"  "Ikaw, alam mo kayong mga mayayaman ang dali lang ng lahat sa inyo no? Kaya niyo lahat gawin, samantalang kaming mga mahihirap pinagpapaguran muna namin bago namin makuha ang mga gusto namin." Lintanya ko kay Aidan. "So, what are you trying say?" Tanong nito. "Simple lang, ayoko sa pera mo." Diretsong sabi ko sa kaniya saka tumingin ulit sa dagat.  "Hindi kita maintindihan. And I told you that from now on you will follow what i say, right?" Kunot nuong sabi nito sakin. "Oo, susundin ko lahat pero ayokong humawak o gumalaw ni isang kusing sa kayamanan mo." Sagot ko naman. Mas lalong napakunot ang noo niya. "Ano pang silbi na asawa mo ako?"  Tumingin ako sa kaniya. "Diba pinakasalan mo dahil kailangan mo ko? So walang rason na gastusin ko ang pera mo." Akmang magsasalita siya ng tinakpan ko ang bibig niya.  "Hep! Sandali lang, pwede bang ako naman manghingi ng pabor? Pwede bang kahit hindi mo na ako tratuhin na asawa tratuhin mo lang ako na isang kaibigan o kakilala okay na sakin. Masyado kang high blood minsan eh." Sabi ko sa kaniya sabay alis ng kamay ko sa bibig niya."Ano pwede?" Pinakatitigan muna niya ako bago tumango. "Ayos." Ngiti ko sa kaniya, narinig ko namang may binulong siya ngunit di ko naintindihan. "May sapak ka talaga ano?" Tanong ko sakaniya. "Pumayag akong maging kaibigan mo pero wag kang abuso." Nakasimangot na sabi niya. Napailing nalang ako.  Bipolar nga asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD