Mauvie's POV Nakagown. Pagkarating namin sa headquarters; naghahanda ang apat na leader ng Black Group, nagulat din sila lalo na ang Premier ng dinala ako ng Deuxieme eh, hindi nila ako pinansin at hinanda ang lahat, wala rin akong ginawa kundi manahimik at manood nalang sa ginagawa nilang paghahanda, wala akong dalang damit o anuman kaya nakagown akong sinama nila. "Malayo pa ba?" pangatlo ko ng tanong ito, kasi naman, halos isang oras na kaming bumabyahe. Nasa iisa kaming Van, ang Quatrieme na d'drive, katabi naman nito sa passenger seat ang Cinquieme. Kaming nasa likuran ay napapagitna ako nina Premier at Deuxieme katabi naman sa pinakalikuran ng Troisieme. Kanina pa tahimik ang looban ay ako lang ang nagsasalita, parang ako lang mag isa eh. Tahimik ang mga gwapo natin, siguro ay ka

