Chapter 32. Ynah's POV It's almost 10 in the morning na nang nakabangon ako dito sa higaan ko. Hindi ako makatulog kagabi kaya mga 2 AM na yata ako nakatulog n'on sa kakaisip ng mga bagay bagay tungkol sa amin ni Zayn. Tama ngang hindi siya nakauwi kagabi. Ano pa nga bang aasahan ko? Hindi ako pinatulog nung balitang natanggap ko kagabi galing pa sa sarili niyang kapatid na hindi naman pala siya pumunta d'on nung naglayas siya dito sa amin. Iniisip ko lang kung bakit niya nagawa sa akin 'yun? Bakit nagawa niyang makapagsinungaling sa akin tungkol d'on? Pilit kong iniisip nang mabuti kung saan talaga siya pumunta nung gabing 'yun. At nung kagabi ngang umalis siya, wala na, iba na ang hinala ko n'on pagkalaman ko nang balitang 'yun. Kaya heto ako ngayon, late na ako nakagising. At buti nam

