Chapter 36. Clarisse's POV "Oh. Kamusta naman ang buhay buhay ninyo?" tanong ko kila Cassandra, Margarette at Jessica. Sila lang ang kasama ko ngayon. Hindi na namin isinama pa si Faye dahil ilang buwan na lang ay lalabas na ang baby nila. And yes, baby boy raw ito. Kakauwi lang naman ni Margarette noong isang araw dito sa Maynila para magbakasyon sila nila Justin ng isang linggo lang dito. Hindi na namin nakontak pa si Ynah dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin. Kay Niall na namin siya tinanong at hindi na kay Best friend. Mukhang hindi pa rin yata sila ayos at mukhang may pinoproblema pa talaga sila. Kaya okay na rin kung hindi man namin kasama ngayon si Ynah. Tungkol sa kanila lang din naman siguro ang pag uusapan namin ngayon. "Heto, okay naman. Ikaw ba Mags?" tanong ni Cassandra ka

