Still into You [46]

3477 Words

Chapter 38. Ynah's POV "Niall, aalis ako. Gusto mo ba akong samahan?" "At?" "Sa office ng Forever 21. Pipirmahan ko na 'yung kontrata na ino-offer nila sa akin dati pa." "Sure, I'll be there in minutes." Binaba na niya ang tawag. Ganito na lang kami ni Niall, wala nang paa-paalam pang nagaganap. Basta kung pupunta, pupunta. Walang indian-an. Inayos ko na ulit ang sarili ko. Pagkagising ko, hindi ko na naabutan pa si Zayn. Hindi na naman yata siya natulog dito sa amin kagabi. Sabi kasi ni Maricel ay umalis na naman daw kagabi nung hindi ko na raw siya pinansin n'on. Sige, sanayin niya lang ako ng ganyan. Unti unti na kasi ako nasasanay sa kakaganyan niya, hindi ko na lang pinapansin, hindi ko na nga lang naikukuwento kay Niall dahil panigurado siya ang magagalit kay Zayn para sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD