Chapter 40. Patrick's POV "Basta ate ha, 'yung mga paalala ko sa 'yo diyan. Iwas iwasan mo muna 'yang asawa mo. Pagpatuloy mo 'yang ginagawa mo, tama si Niall, magpaka-Yrie ka para sa kanya. Tutal siya na lang naman ang hindi pa nakakakita ng ganung side mo eh. Pakitaan mo na 'yan nang magtanda." "Sinabi rin ba sa 'yo ni Niall about diyan sa Yrie thing na 'yan?" "Oo naman! Sa kanya ako nakikibalita lahat ng mga nangyayari sa inyo lalo na sa 'yo. Para ngang mas madami pa siyang alam sa buhay mo kumpara diyan sa sarili mong asawang hindi mo na nga yata nakakasama. Saka mukhang heto ang tamang panahon para ibalik mo na 'yang other side mo, 'te." "Kinakabahan pa rin ako siyempre sa mga mangyayari, Pat." "Bakit naman? Nandito naman kami para sa 'yo. Ano na bang dapat itawag ko sa 'yo? Ate

