Chapter 23. Patrick's POV "Shasha ko!" Nagmamadali akong makaakyat dito sa hagdan para makapunta na dito sa kuwarto niya. May kailangan kasi akong ibalita sa kanya, sobrang importante. Kagagaling ko lang kasi sa bahay nila Ate Ynah. Binuksan ko kaagad ang pinto at bumungad sa akin ang Shasha ko na nakahiga habang nagbabasa ng magazine at ngumangata ng biscuit crackers na walang lasa. Heto kasi ang kinahihiligan niyang kainin ngayon. Kada naggo-grocery kami ay hindi mawawala sa cart ang dalawang box ng crackers na gustong-gusto niya. 'Yung minsang inihahanda sa mga bisita kapag may lamay. 'Yun nga ang hindi ko rin alam kung ano bang nagustuhan niya doon sa lasang 'yun, eh wala ngang lasa 'yun pero sarap na sarap pa rin siya... "Ohhmm?" bumaling siya ng tingin sa akin habang may mga naka

