Chapter 26. Trisha's POV "WHAT?" tanong ko habang nakahawak ako sa kanang tainga ko. "Saan ka nanggaling kanina?!" sinisigawan na rin ako ni Danica dito. Hindi kasi kami magkaintindihan dito sa loob ng bar na ito dahil sa sobrang lakas ng mga musics dito na pang-party party talaga. 'Yung iba naming kasama nandun kasama ang mga asawa't mga boyfriend naman ng iba. Kami na lang kasi ni Danica ang single dito kaya kami ang magkasama ngayon at siya ang madalas kong napagkukuwentuhan ko ng mga bagay bagay na nangyayari sa akin. "ANO?" hindi ko pa rin kasi talaga maintindihan 'yung sinasabi niya dahil sa lakas pa rin mga tugtugan dito. Nagkamot siya ng ulo. Talagang kanina pa kami dito nagsisigawan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maintidihan ang mga pinagsasabi niya. Hinatak na

