Chapter 17. Zayn’s POV “Grabe, Ddy. Grabe ang mga nangyayari ngayon kila Clarisse at Renz.” Sabi sa akin ni Marie habang nakahiga kami ngayon sa kama. Anong oras na rin pero hindi pa kami natutulog. Minsan talaga kapag may mga problemang nangyayari, late na kami nakakatulog dahil pinag-uusapan pa namin 'yun. Kahit nga hindi namin problema ay pinoproblema rin namin. Nakayakap lang siya sa akin kaharap ang nagagwapuhang dibdib ko habang ako naman ay nakatingin lang dito sa ceiling. Hinihimas-himas ko lang ang balikat niya, pero siyempre dahil seryoso ang pinaguusapan namin ngayon, hindi muna puwede. Hehe. “Hindi mo pa ba sila nakakausap?” Tanong ko sa kanya. “Hindi pa nga eh,” Iling niya, “Huli naming pagkakausap ay nitong nakaraang linggo pa. Hindi na rin nasundan pa 'yun. Eh kayo nila

