Chapter 18. Clarisse's POV "Ma'am ano pong hanap nila?" Tanong sa akin ng isang saleslady na lumapit dito habang naglalakad ako dahil hindi ko rin talaga alam kung saan ako pupunta o dederetso ngayon. Eh naligaw ako ngayon sa section ng mga damit. "Mga kasagutan at katotohanan. Dahilan na rin kung bakit ginawa niya sa akin 'yun..." Wala sa wisyo kong sagot. "Ganun po ba? Hmm," Sinusundan pa rin niya ako habang naglalakad ako dito. Mabagal lang naman kasi ako maglakad ngayon dahil wala nga ako sa wisyo, "Kung gano'n po ay harapin niyo siya at sabihin ninyo ang lahat ng gusto niyong malaman..." Sabi pa niya. Hindi niya lang alam na lumabas din sa kabilang tainga ang sinabi niya sa akin. Akala ba niya nakatulong siya na mabawasan ang nararamdaman kong sakit ngayon? Dagdag perwisyo lang si

