Chapter 8. Ynah’s POV “Mommy. Telephone call for you. Si daddy 'yan.” Lumapit sa akin si Zyril at saka inabot ang wireless na teleponong hawak niya. Binaba ko muna ang ball pen na hawak ko at inalis muna ang salamin sa mata ko. “Thanks baby.” Sabi ko sa kanya at saka kinuha ko ang teleponong hawak niya... Ngumiti lang siya sa akin at bumalik na siya dun sa sala para ipagpatuloy ang kanina pa niyang mina-master na bagong technique sa paggawa ng loom bands na 'yan. Kakarating lang din naman nitong si Zyril galing school. 12 NN na rin naman kasi. “Oh ddy. Bakit ka napatawag?” Tanong ko kay Zayn sa kabilang linya. “Naistorbo ba kita mmy? Sorry. May importante lang akong ibabalita sa 'yo.” “Ano 'yun? Hindi ka naman nakaistorbo, inaayos ko lang 'tong mga files dito sa laptop.” “Ganun ba?

