Dala ng labis na galit ay kumawala mula kay Deram ang malakas na hangin na sumira sa globo. Hindi nagtagal ay nanghina si Deram. Magkahalong galit at lungkot ang bumalot sa kanyang pagkatao. Napaluhod si Deram at napayuko na lamang nang maramdaman ang mabilis na pagturo ng kanyang mga luha. Hindi niya inasahan na muling magbabalik sa kanya ang mga masasakit na alaalang pilit niyang kinakalimutan. Katulad ni Ifri ay kaya ni Deram na itago ang kanyang tunay na edad sa labas ng kaanyuan. Pareho mang magmamahalan noon ay naramdaman ni Deram na siya lamang ang tunay na nagmahal. "D-Deram." Hindi napigilan ni Nia na lumapit sa tumatangis na kalaban. Kitang kita pa rin ang malakas na kapangyarihan ni Deram na umiikot sa kanyang paligid. "Nia, huwag mo siyang lapitan." Pagpigil ni Leo nang ha

